Damn him
It's been a month since we've last met. Kadadaan lang ng Christmas break, at balik eskwela nanaman simula ngayong araw. Bumuntong hininga ako at inayos na ang sarili ko.
"Still haven't moved on?" Tanong ni Kenzo nang nakasalubong ko sya pagkapasok ng school.
"You shut up. Bakit kailangang yun talaga ang pambungad na tanong saakin? Kauma-umaga," hinipan ko ang side bangs ko pataas at tumingin sakanya ng matalim.
"Edi sorry," aniya sabay yakap saakin, "I missed you!"
"Missed you, too," tamad kong sinabi. Matamlay pa rin kasi talaga ako.
"Don't start the year with bad vibes, Cassy," biglang sumulpot si Cheska.
"Oh," sabi ko at kumaway, "Hi."
"Hello! Anong nangyari? Bakit ang cold mo?" Aniya habang naglalakad kaming tatlo papuntang room.
"Still same," si Kenzo na ang sumagot sa tanong ni Cheska. At ako naman, nakatulala lang at diretso ang tingin.
Napansin kong tumango lang si Cheska na nagpabalot saamin ng katahimikan.
"Alam mo ba, may gusto akong sabihin sayo~" may narinig kaming kanta na umagaw sa atensyon namin. Tumingin kami kung saan iyon nanggagaling at hindi na ako nagulat nang nakita si Marc na hinaharana si Kate. Sanay na ako sa katamisan ng dalawang 'to.
"Sila pa rin pala?" Tanong ni Cheska.
"Yeah," ani ni Kenzo na naka-awang ang bibig. "Buti pa si Kate, may love life!"
Hindi ko na sila pinansin pa at pumasok na sa room. Masaklap din naman kasi saaking pakinggan ang kantang iyon dahil at the first place, sa tuwing maririnig ko iyon ay bumabalik sa ala-ala ko iyong moment namin na connected sa kantang iyon.
Inikot ko ang mga mata ko sa loob ng classroom at napagtanto ko na... Wala pa sya.
"Omg! Grabe talaga!" Namumulang tumili si Cheska nang pumasok na sila sa room at tumabi saakin.
"The way he changed the lyrics just for Kate... Damn, inggit ako!" Ani ni Kenzo.
Tumaas ang kilay ko, "Changed the lyrics?"
"Yup," sabi ni Kenzo.
"Eh kasi nga diba yung laman ng lyrics ng Simpleng Tulad Mo is parang gusto nyang maging sila? Tutal sila naman na, edi pinalitan nya yung lyrics na pinapangarap nyang makasama si Kate habang buhay," paliwanag ni Ches.
"Edi sila na!" Sabi ko at humalukipkip nang sinandal ang ulo ko sa dingding.
"Ang lalim ng iniisip nung isa, oh," nagulat ako nang may nagparinig saakin. Tumingin ako sa pintuan at naaninag ang kapapasok lang na si Patrick.
"Pat!" Napatayo ako sa upuan ko at pumunta sakanya. Nag-bro fist kami, "Musta na?"
"Okay lang," aniya.
"Di mo tatanungin kung kamusta na rin ako!?" Biro ko at nag-pout.
"Alam ko naman na e. Pagkapasok na pagkapasok ko, nakita na kitang nagdadrama habang tulala," aniya tsaka bumuntong hininga, "Dapat kasi hindi mo na pinatanong iyon e. Edi sana, masaya ka ngayon."
"Nah, buti nga iyon e. Para at least, alam ko na yung katutohanan," sabi ko at ngumiti. Alam ko ngayon kahit ngitian ko sya, alam na nya na hindi ganun ang pinapahiwatig ng puso ko.
"Good morning, Teacher Cel," bumalik na kaagad ako sa upuan ko nang napansing binabati na ng mga kaklase ko ang adviser namin.
Time for homeroom.
"Good morning. How was your Christmas break?" Tanong ni Teacher Cel.
"Masaya sana kaso ruined pa rin dahil sa kanya," bulong ko.
Biglang bumukas ang pinto. Lahat ay nagtinginan sa kung sino ang papasok at isa na ako doon. Si Karl pala.
"Why were you late, Mr. Valderama?" Tanong ni Teacher Cel.
"Is that what you've got after betraying Katrina?"
Sht.
"U-huh? Was that true, Katrina?" Nanlaki ang mga mata ko sa sumunod na tinanong nung teacher namin.
"You mean... Katrina... Eleanor?" Thanks for saving my life, Patrick!
Hindi na nakakibo pa si Sasha dahil palihim syang tinignan ng masama ni Pat.
"Oh, okay," sabi ni Teacher Cel, "Are you sure it isn't Katrina Cassandra?"
Lumunok ako ng lumunok at kinagat ang labi ko, "Of course, ma'am. How would it be me at the first place?"
This is a mess.
"Okay, I see. Wait for your next teacher," aniya at lumabas ng room.
"That was too... Close," nakangangang ani ni Cheska.
"That was seriously a... Sht," sabi ni Kenzo.
"Sasha is too much!" Sabi ko at dinabog ang Science book ko sa desk ko.
"Your life was saved, thanks to me!" Ani ni Pat.
Tumawa ako at tinaas-baba kilay ko sakanya.
Magrereview na sana ako nang may tumunog na phone sa likuran ko. Tinignan ko kung kanino ito at kay Karl pala.
"Pinaasa mo lang ako, lecheng pagibig 'to~"
Damn him.
BINABASA MO ANG
How to Unlove You (On an indefinite break)
Teen FictionIt's easy to forget you, it's painless to find another one to replace you, it's simple to get over you, but how can I do these things, if I don't even know how to unlove you?