Chapter 28

25.9K 628 31
                                    

"Ay, ano to? Magbabalikan na kayo?" Narinig niyang bulong ni Lisden sa kanya ng tumabi ito. Nasa likuran lamang ang binata habang si Chen ay nasa kabila niya, nakahawak sa braso niya.

"Shut up, Lis. It's not that easy." Sabi na lamang niya.

"Not that easy, huh. If I know you were hurt earlier. Tsaka ang maldita mo talaga sa kanya. Kasalanan niya, beh?"

Hindi niya napigilang paikutan ito ng mata.

She's guilty pa nga, eh. Wala naman siyang karapatan na tratuhin ng ganoon ang binata but she can't help it. She's the bratty Cleo for all she know. At kahit sabihin niyang binago siya sa nakalipas na isang taon ay pakiramdam niya nandiyan pa rin ang dating Cleo. Waiting for her to reach her limit then the dark Cleo will come out.

Nakarating na sila sa boutique. Sa labas pa lamang ay kitang-kita na niya kung gaano ka busy ang loob niyon. Ang mga dati niyang empleyado na si Anastasia, Violet at Froilan. While Leria are busy checking the dresses like she always do.

Ng makapasok na siya ay tila automatikong napalingon lahat sa kanya. They look like have seen a ghost.

"Ma'am!" Halos magkasabay nitong sabi.

She smiled at them. "Hi, how's everyone?"

"Ma'am, ikaw nga!"

Halos dumugin at gusto pa siyang yakapin.

"Ma'am, gumanda ka!" Ani Violet habang manghang-mangha pa rin na nakatitig sa kanya.

"We miss you a lot!" Anastasia.

"Ma'am, huwag ka ng umalis. Ikaw na nga ang rason kung bakit ako nag-apply rito tapos umalis ka pala." Ani Froilan habang napakamot ng batok. Bahagya pa itong namula. She can't help but to laugh.

Napatigil siya sa pagtawa ng may tumikhim sa kanyang likuran. It's Heixon. Natahimik tuloy ang lahat.

Tumikhim siya. "By the way, this is Chen. You already knew Lisden and..uh..H-heixon."

Palihim na pinagalitan niya ang sarili kung bakit nautal siya.

Binati naman ng mga empleyaso niya ang kasama. Halatang nagustuhan agad nito si Chen.

"Anastasia, find Chen a dress for Mom's birthday tonight. And Lisden, let Violet assist you."

Agad namang tumalima ang dalawang empleyado.

Akmang maglalakad na siya paupo sa sofa ng magsalita si Heixon.

"What about me?"

Agad siyang napalingon dito ng nagtataka.

"What about you?" Kunot-noong tanong niya rito.

"Who will assist me on my suit?"

"Huh?" Napatigalgal siyabsa tanong nito. So ibig sabihin naghahanap rin ito ng assistance sa paghahanap ng damit.

"I don't have suit for tonight's."

Imbitado pala ito. Well, hindi na siya magtataka. They are family's friend.

"O-okay? Alam mo naman sigurong my boutiques are for woman only." Sabi niya rito.

"I know. That's why I want you to come with me."

"Huh?" Gulat na usal niya.

Hindi na siya nakapalag ng hilahin siya ng binata sa pulsuhan niya.

"Heixon, wait! I can't leave, Chen!" Aniya habang nagpupumiglas.

"Let Lisden handle Chen. I already talked Lisden about it."

Wala na tuloy siyang nagawa.

Wow? Parang napipilitan? Don't deny that you also love the idea being alone with him!

"Hindi naman ako nag-deny."

"What are you talking about?" Nagtatakang yanong ng binata.

Natutop niya ang bibig dahil sa sinabi niya. Shet! I say it aloud!

"W-wala, don't mind me." Sagot na lang niya.

Patuloy lang sila sa paglalakad ng mahagip ng mata niya ang kamay ng binata na nakahawak sa braso niya. Mukhang napansin naman iyon ng binata kaya napatingin ito doon.

"A-ang kamay ko."

Heixon look at her . Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanyang braso, only to slide his hands down to hers and intertwined it! He's holding her hands! They were holding hands!

She can hear her loud heartbeat. Sobrang ingay, sobrang lakas. Nakakabingi na. Iniwas na lamang niya ang tingin at nagkunwari na hindi big deal sa kanya iyon dahil mukhang hindi naman big deal sa dalaga. Maybe he did it to guide her.

Since her boutique is just outside of ChanSea Mall, they just walk. May nakita pa siyang napalingon ang mga tao sa kanila at nagbubulungan.

Hindi na lamang niya pinansin dahil mukhang wala lang naman sa binata.

Ng makarating na sila sa Mall ay saka na siya nakahinga ng maluwag. May nakita siyang mga tauhan ni Heixon sa 'di kalayuan kaya napanatag siya.

Pumasok sila sa panlalaking botique. So many dashing suits but there is only one caught her attention.

"Heixon, I think that suits on you." Turo niya sa isang tux na nakasuot sa isang mannequin.

It's black but it's not just plain color black there's something about it that you will stand out. May pulang necktie at polo ito sa loob.

"I'm going to take it."

Kinausap nito ang manager at agad na inayos iyon para ideliver sa bahay ng binata.

At ngayon hindi niya alam ang gagawin. Babalik na ba sila sa boutique? Parang ayaw pa niya. She wants to be with him. She miss everything about him. About them.

"Hey, are you hungr---"

"Yes, I'm hungry!" Agad na sagot niya. Agad naman niyang pinagsisihan iyon. Parang nagmumukha siyang atat.

A glimpse of amusement crossed his eyes. But she didn't know if she's right because just after a millisecond, he's back on his cold aura again.

"Okay, then. Let's go."




"ATE  PATPAT, una na daw kami ni Ate Lisden." Sabi ni Chen sa bisaya na lenggwahe.

"Sige. Mag-ingat ka, Chen. Huwag kang humiwalay kay Lisden." Bilin niya na sinang-ayunan ng dalaga.

Na-late na kasi siyang nakabalik ng hotel dahil pagkatapos nilang kumain ay pumunta pa sila sa isang Milk tea shop at naglibot pa sa Mall. They we're not talking. Magkasama lang talaga. But she's contented for it, for now.

After almost half an hour she's done and ready to go.

May kotse naman siya na hiniram niya kay Lisden. It's luxury car, and it's catching fir attention.

Kinakabahan siya habang papalapit sa kanilang mansion. Sa labas na siya ng bahay nagpark kasama ang iba pang mamahaling kotseng nakahalira ng mga bisita.

She check her face a bit before going out off the car. At kung suswertehin ay lumabas rin ang binata sa kotse nito na nasa tapat niya.

"H-hi.." Nahihiyang bati niya.

She's wearing a fitted red gown. At ngayon pa lang dedepensahan niya ang sarili na hindi niya sinasadya iyon. Nagmumukha ata silang mag-date ngayong gabi. It seems like they're wearing  a matchy outfit.

Tumango lang ang binata.

Dahil sa kahihiyan ay naglakad na siya patungo sa gate na tila nagmamadali.

"Hey, wait up!" Narinig niyang tawag ni Heixon.

Agas siyang napatigil at lumingon rito.

"Yes?" It takes a hundred of courahe for her not to stammered.

"I think it's awkward to just go inside alone."

Kumunot ang noo niya. Hindi naintindihan ang nais iparating nito.

"And you are trying to say..?"

"Be my date for the night."












Enemy's Trap (4th Gen #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon