She grimaced at him. "What?"
Hindi niya alam kung namamalik mata siya o hindi ng makita niya ang pagpipigil na ngiti ng binata. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya habang nakahiga pa rin silang dalawa sa kama.
"You're trying to melt me by your stares, right?" Asik niya dito at saka inirapan. He just smiled in return.
"Hmmm, were my stare are too hot for you, baby? Am I melting the cold wall molted around your heart?"
Her eyes widen. "Ew! Disgusting, bastard!" Pinatirik niya ang mata niya sa binata. "Diyan ka na nga!"
Bumangon na siya sa kama nito at sinuot ang heels. Kailangan niya ng bumalik sa hotel room niya dahil baka hinahanap na siya ni Lisden."Where are you going, baby?" Masuyong tanong ng binata na may halong panunukso. Sinamaan niya ito ng tingin.
"None of your business."
Iniwan niya ang binata at tinungo ang hotel room, ngunit bago pa siya makarating doon ay may sumalubong sa kanyang media.
She was surprised kasi hanggang Paris ay nasundan pa siya ng mga ito at nakapasok pa sa hotel.
"Si Miss Cleo!"
Huli na para umiwas siya sa mga ito. Masakit pa rin ang pagitan ng kanyang hita kay hindi siya agad makatakbo. Kaya wala na siyang nagawa kundi ang tumayo na lamang at salubungin ito ng ngiti.
"Totoo po bang may ugnayan kayo ni Mr. Heixon Benjamin?"
"Pero akala namin ay gusto mo si Dence Benjamin na siyang kuya ni Heixon."
"Ano po ang masasabi niyo sa kumakalat na video na naghahalikan kayo ni Mr. Heixon? May katotohanan po ba 'yon?"
Why it is all about Heixon? Kung tungkol rin naman sa binata ay bakit hindi nalang ito ang tanungin.
"Heixon and I were just enemy...and about the kiss..."
Nagdalawang isip siya kung ano ang sasabihin. Kung itatanggi niya ay magmumukha lang siyang tanga dahil klarong-klaro sa camera na silang dalawa iyon. Pero kung sasang-ayon naman siya ay mas lala silang guguluhin ng binata, alam na alam ng karamihan kung gaano niya kinasusuklaman ang binata tapos maghahalikan lang sila? So cheap...."Baby.."
Nanlaki ang mata niya ng marinig ang boses ng binata sa kanyang likuran. Naramdaman niya ang mapangahas na braso nito na pumulupot sa kanyang maliit na bewang.
Mas lalong nagkagulo ang paligid. Mas lalo silang dinumog ng mga ito at hindi na maganda iyon para sa kanya. At laking gulat niya ng pihitin siya ng binata paharap dito at niyakap, tila ba pinoprotektahan siya.
"What are you doing?," asik na bulong niya sa binata. Hindi ito sumagot sa kanya. Malaking issue 'to panigurado.
"Mr. Benjamin, bakit yakap mo si Ms. Samonte?"
"Tama ba ang narinig namin na tinawag mo siyang baby?"
"Mr. Heixon-----"
"Okay, guys, stop. Hear me first." Unti-unti namang tumahimik ang paligid. Pero rinig pa rin niya ang tunog ng pagkuha ng litrato sa kanila. Nagpumiglas siya sa yakap nito pero masyadong mahigpit ang yakap nito sa kanya.
"Heixon, let me go!" Impit na bulong niya sa binata. Pero hindi natinag ang binata.
"This girl is..."
Bumaba ang ulo ng binata kaya nagkatinginan sila. Pinandilatan niya ito ng mata tila ba nagpapahiwatig na huwag na huwag ng gumawa ng gulo."...my girlfriend."
Biglang nagkagulo ang paligid pero nanatili pa rin siyang nakatingin sa binata habang nanlalaki ang mata.
BINABASA MO ANG
Enemy's Trap (4th Gen #1)
RomanceCleo.," he called. He seems lost and it was just came out from his mouth naturally. And it is really a music in her ears. She was alarmed when he took one step closer to her. And when he is on his second step, the towel around his waist suddenly dro...