Chapter Five

11 1 0
                                    


-

You know what's scary? Our house has been very silent for a week now. Our step mother is out of sight, which is ipinagpapasalamat ko talaga. Pero hindi ko pa rin mapigilang mangamba, what if bukas magugulat na lang ako at mas malaking problema na ang kaharap ko? I can't stop myself from thinking something like that. Kaya ang hirap din maging masaya kasi baka bawiin kaagad. My happiness is kinda temporary. Nothing's permanent.

Been there, not sure sure if I'm done with it or I'm still there.

Anyway, one week ko na ring kinukulit si Patrick tungkol sa kung sino ang hihintayin namin. Baliw iyon, baka mamaya galit na kung sino man ang nagpapahintay, well, wala na akong kasalanan doon. Wala ngang nagpapahintay sa akin kasi wala naman akong kinakausap na iba. I don't need to feel guilty. I shouldn't be. 

It's been a month and a week simula nang dumating sina Patrick. Mas nadadagdagan ang mga kinakakatakutan ko, sa halos araw-araw na sinasama niya ako sa kaniya, iba't-ibang mga emosyon ang nararamdaman ko. May ideya ako kung anong klase ng emosyon ang mayroon ako tuwing nandiyan siya pero patuloy pa rin ang isip ko sa pagtanggi. 

I can't. I am not capable of loving— even liking someone.

Siguro, sa ibang sitwasyon ay kaya kong sumugal kahit hindi pa sigurado, pero sa sitwasyon na mayroon ako, sa nakakalitong mga nararamdaman ko, at sa pagdadalawang isip kong magtiwala sa ibang tao, ayoko. Nakakatakot. Kung sumuko man ako, hindi lang ang mga kapatid ko ang masasaktan kapag nagkataong napalapit siya ng sobra sa akin. Mas madami akong masasaktan, mas madami akong maiiwan, mas nakakakonsensya. See? Getting myself free is still hard. Iyong huling way ko para makalaya, mag-iiwan pa ng bakas kapag nagkataon.

That's why I decided to avoid him. Siguro ay wala pang isang buwan itong nararamdaman ko, kaya pang pigilan, kaya pang tanggalin.

Kabado man sa gagawin kong pag-iwas ay ginawa ko pa rin.

Nakita ko siyang naghihintay sa gate, kagaya ng dati, pero nakita ko namang naghihintay din si Starr at Joy sa kabilang bahagi ng gate. Inagahan ko talaga ngayon para makisama sa kanila, nakipag-usap ako kagabi kung pwede ay sakanila muna ako sasabay. Wala naman silang sinabi.

Mabilis kong iniiwas ang tingin ko kay Patrick, mabilis ang paglalakad ko papasok sa gate at papalapit kina Starr. Mula sa gilid ng mata ko ay nakita ko siyang nakatingin, itinagilig nito ang ulo tsaka umalis. Napapikit ako ng mariin.

Ganoon lang? Hindi man lang siya— napapadyak ako at kinunutan naman ako nina Starr ng noo.

"Anyare sayo? Good morning?" Tanong ni Joy.

Napailing na lang ako, "Good morning."

"Hintayin muna natin si Eya tsaka Mira." Sambit ni Starr.

Naghintay kami doon ng ilang minuto. Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakitang nai-connect pala sa wifi ng Admin, malapit lang kung nasaan kami. I'm a class Mayor kaya may access ako doon. Hindi naman kailangan pero minsan ay nagkakaroon kasi ng meetings doon. Nakita ko ang pagpop ng message mula kay Patrick, kaya siguro nagvibrate ito.

Patrick:
Di mo ba ako nakita? By the way, good morning. May sasabihin pala ako, mamayang dismissal na lang sa hapon.

Nilike ko lang ang message bago pinatay ang wifi tsaka ipinasok ang cellphone sa bulsa ng palda ko.



-



LUNCH break.

Siguro ay pansin na ngayon ni Patrick ang pag-iwas ko. Sa dalawang klase namin kanina ay hindi ko talaga siya kinausap, ni sinulyapan. Hindi din ako naupo malapit sa kanya. Nakipagpalit muna ako sa isa sa mga kaklase namin, mabuti na lang talaga at hindi iyon napansin ng mga guro. 

Blue And Grey [COMPLETED] • mistikenigmaWhere stories live. Discover now