Chapter Eight

8 0 0
                                    



-

"Ma'am, one order of cappuccino! Table three po."

Today's Sunday. We usually have more customers on weekends. Dahil wala naman akong ginagawa sa bahay, tumutulong na lang ako sa pagse-serve o paggawa ng orders.

I got the idea of building Cofi Lofi when I was in high school, everytime na kailangan naming gumawa ng Business Plan sa Entrepreneurship, ito iyong palagi kong nilalagay. Sa original branch ako ng Cofi Lofi pumupunta, mas kompleto kasi dito, may Library, may gigs every Friday and Saturday night. Kaya mas madami din ang customers dito compared sa iba naming branch. I guess even if I didn't get to finish college with my original and supposed-to-be final plan, may isa pa din akong pangarap na nabuo.

"Here's your order, ma'am." Inilapag ko ang tasa sa mesa. Paalis na ako nang tumingin ang customer at hinawakan ako sa kamay.

Hindi kaagad ako nakapag-react, tsaka lang ako bumalik sa katinuan ko nang ngumiti siya at tatayo sana. Mabilis kong tinanggal ang kamay niya tsaka naglakad pabalik sa counter.

It's Patricia. His twin sister.

I've always wanted to see him. Pero kapag nakita ko siya, ano ang gagawin ko? Kakamustahin ko ba? Tatanungin kung bakit siya umalis? Bakit hindi man lang siya nagparamdam? Bakit hindi niya naisipang magpakita sa loob ng walong taon? Bakit kailangan niyang sabihin na gusto niya ako noon?

That hits me. I've always wanted to see him, pero kapag nakita ko na siya, what's next? Hindi ko nga alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Naalala ko ang mga pinagdaanan ko noong mga panahong nalilito ako sa damdamin at emosyon ko. Should I be happy? Magagalit ba ako? Manghihinayang ba ako kasi baka okay kami ngayon, baka may tiwala na ako ngayon kung hindi siya umalis. Before it gets worse, I should get this off of my head.

-

I let myself busy with the shop. The shop is open 24/7, nagsimula na akong umalis nang alas onse ng gabi. Not because I am so into the shop but because of Patricia. Nang mag-lunch break ay nasa harap siya ng shop, nang maga-alas tres ng hapon nandoon pa din siya, hanggang alas nwebe ng gabi.

Kung noon ay gustong-gusto ko silang makausap, ngayon na nasa harap ko na ang isa sa kanila, hindi ko alam. Ngayon ko lang naramdaman yung para nila akong niloko. The both of them left without saying anything. The both of them left and we never got— not even a single messege from them.

Wala naman iyong kaso sa akin, walang kaso na umalis sila. Pero iyong naghintay ako kasi akala ko totoong may nakaka-appreciate sa akin kahit na ganoon ang sitwasyon ko noon, na may makakakita pa din ng totoong ako sa sitwasyon na iyon, ang sakit lang. Kasi yung labas sa akin, parang naawa lang siya. Sana hindi na lang siya nagbitaw ng salita. Sana nakuntento na lang ako sa mga taong nasa paligid ko.

The next day, I received an email from our University. It's an invitation letter for our batch's reunion. This is the third time na naka-receive ako ng letter from the University. I rejected the two invitations before. Maybe, this will help to clear out my mind. Masyado akong tutok sa trabaho. I should have some fun.

"Sa wakas! You're getting out of your comfort zone!" Iyon ang bungad ni Mira nang makarating siya sa shop. Again, she's late. Nakakatakot ang pagiging late niya, Teacher na siya ngayon e.

"Ano ba ang theme?" Tanong ko.

Section mayors pala ang nagha-handle sa sections. Since hindi ako nakipagjoin dati dahil saktong kakatapos lang ng medications ko, si Starr ang nag-handle sa section namin.

Blue And Grey [COMPLETED] • mistikenigmaWhere stories live. Discover now