Fangirl's Love

13 5 0
                                    

Ang aga-aga palang pero nakatanggap na ako ng masamang balita.

Tracen's Disbandment


Hindi ko inakalang sa susunod na buwan na pala ang disbandment nila. Akala ko, sa susunod na taon pa yun.

Kaya naman, wala akong ibang ginawa buong maghapon kundi ang kumayod nang kumayod sa paghahanap ng part-time job.

Isa lang akong hamak na fourth-year college student na hindi mayaman. Wala akong sariling kotse, walang mamahalin na accessories, walang limited edition ng mga gamit.

Ganun ako, ganun ang buhay ko.

Ni wala nga akong lightstick ng iniidolo kong banda e. Alangan naman na mas unahin ko pa yun kesa sa projects ko. Pero kahit na ganun man, updated parin ako sa mga ganap nila sa buhay. Through social media, of course. Thanks to my Vivo Y11 phone na binili ni lola ko.

Naninirahan lang ako with my lola mula nang mamatay ang mga magulang ko dahil sa aksidente since 5 years old pa ako.

Hindi ako suportado ni lola sa pagiging fangirl ko. Kesyo daw hindi naman ako kilala ng bandang iniidolo ko. Ano raw mapapala ko sa kakaabang ng news about sa buhay nila. Pero kahit ganun, hindi ako nagpatinag. Nanatili akong isang fangirl na ang nag-iisang pangarap ay ang makita ang iniidolo ko, kahit isang beses lang. Bago sila magkahiwa-hiwalay.

Sa loob ng tatlong linggo ay nakapag-ipon ako ng one hundred thousand kaya masayang-masaya ako kasi sixty thousand lang naman ang pamasahe papunta sa South Korea.

Mabuti na nga lang nakakapag-focus pa ako sa pag-aaral ko kahit na wala na akong masyadong tulog dahil sa kakakayod.

Ako ang nag-aalaga kay lola mula nang malaman naming may sakit sya sa puso. Mula nun, ako na ang nagtaguyod sa kanya, sa buhay naming dalawa.

Ikaapat na linggo, sa gabing iyon ay nag-empake na ako, lahat-lahat talaga. Para naman sa susunod na araw ay makarating na ako dun. Ang pinakapangarap ko sa lahat ay ang makasama sa concert ng Tracen at VVIP ang gusto ko kaya kailangan ma-achieve ko yun.

Ibang-iba ang buhay ko sa bestfriend ko na kasama sa pagpunta sa South Korea. Sobrang yaman ng pamilya nya kaya kung gugustuhin nya ay makakapunta sya sa concert ng Tracen nang walang hirap, kumpara sakin na kailangan pang kumayod para lang maabot ang gusto ko. Pero wala yun! Kaya ko. Nakaya ko nga e!

Hanggang sa makatulog ako ay hindi parin napapawi ang ngiti sa labi ko. Excited na ako.

Pero...ang sama ng tadhana sakin.

Sa araw ng alis ko papuntang South Korea ay biglang inatake si lola. Kaya naman, agad ko syang sinugod sa ospital para lang maagapan pa ang buhay nya.

Naagapan nga pero ang mahal ng bayad ng gamot plus ang bill sa ospital.

Iyak ako nang iyak dahil wala na akong magagawa. Kailangan kong unahin ang kapakanan ng lola ko dahil pag hindi ko nabili ang gamot nya ay maari syang bawian ng buhay anumang segundo kaya isinantabi ko muna ang kaligayahan ko.

Ginastos ko ang lahat ng pera na naipon ko para sana ipamasahe. Pero wala akong magagawa. Mas mahal ko si lola kahit sa kanino o kahit na ano. Kaya gagawin ko lahat ang makakaya ko kahit ang kapalit man nun ay ang mawalan ako ng pag-asa na makita ang bandang iniidolo mula 15 pa lamang ako.

Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang gumalaw ang kamay ni lola kaya dali-dali akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

Kamusta po ang kalagayan nyo, la?”

SHORT STORIES collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon