Nakaramdam na ba kayo ng kakaibang feeling? Na parang natatae na ewan?! Na parang naootot pero hindi naman naootot?!Ganitong-ganito kasi yung feeling ko ngayon ih! Na-any minute pwede ka ng sumabog dahil sa kapulahan?! Hindi dahil sa kilig kundi dahil sa pinaghalong inis at galit! Kainis na blinddate booth na 'to ih no?! Ang laki pa naman ng binayad ko sa kanila tapos ito lang madadatnan ko dito? Iba yung nakuha nila?! Tska mukha pang adik at mukhang papatayin ako sa talim ng tinging pinupukol niya sakin ih! Sayang 100 na binayad ko! Sayang! Huhuhu.
"Magtititigan nalang ba tayo dito?"
Tinaliman ko kaagad ng tingin ang lalaking mukhang mayabang dahil sa sinabi niya.
"Eh alangan namang magpatayan!" inis na sambit ko.
"Hindi 'to horror booth para magpatayan tayo! Blinddate booth to kaya sunggaban nalang tayo o?!" nanghahamong sabi niya.
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Sunggaban? Ano yun?
"Sunggaban?"Ngumisi ito bago sinagot ang tanong ko "Sunggaban ng halik."
Agad na nagsitayuan ang mga balahibo ko sa sinabi niya. Baliw ba 'tong lalaking 'to? Leason learned na 'tong pangyayaring to, natututunan ko na at 100 porsiyentong napatunayan ko na na hindi lahat ng gwapo ay mabait o gentleman o di kaya ay cold kasi itong kaharap ko ngayon e baliw! Crazy pervert lang! Sayang lang kasi ang gwapo-gwapo niya at mukhang matino pa base sa pananamit niya at buhok niyang clean-cut.
"Pwede naman siguro yun diba? Kasi blinddate booth naman to!" Automatic na napatigil ako sa pag-iisip nang magsalita siya at ang loko nakatayo na pala habang humahakbang palapit sakin.
"Akala mo ba hindi ko alam na ikaw mismo nagbayad sa mga blinddaters para makablinddate mo ko?! Ang kapal ng mukha mo"Uminit ng husto ang ulo ko sa sinabi niya. Ano raw? Makapal ang mukha ko? Marami ngang nagsasabing ang liit-liit ng mukha ko at ang nipis pa parang wala nang laman tapos sasabihin niyang ang kapal ng mukha ko?
"Aba aba! Oo ako ang nagbayad sa kanila pero hindi naman ikaw yung dapat makablinddate ko noh!"Ngumisi ulit ito at nagpatuloy sa paglalakad papunta sakin
"At sino naman dapat?!"Ano bayan! Nauubusan na ko ng paliwanag sa isang to!
Atras parin ako ng atras habang siya, palapit parin ng palapit sakin.
Dahil nga atras ako ng atras, naramdaman kong may naapakan akong bagay na dahilan sana para matihaya ako kaya ipinikit ko nalang ang mga mata at naghintay ng pagkatumba ko.
Kaya lang ilang segundo ang lumipas di parin ako natutumba kaya naman minulat ko ang mga mata ko at narealize na nahawakan ako sa beywang ng mayabang na lalaki at pinigilan akong matumba.
Hindi ko napigilan ang sarili kong tignan siya. Kakaiba pala ang feeling kapag masyadong malapit ang isang lalaki sayo. Ang gwapo-gwapo niya. Ang perfect-perfect ng pagkakahulma ng mukha niya.
"Tanga"
Napatigil ako sa pagpapantasya sa mukha niya nang magsalita siya.
Aba sinabihan akong tanga?!Joke lang yung gwapo sya! Binabawi ko na yun.
Dahil sa inis ko, kinuha ko yung kamay nya sa beywang ko at ang resulta, bagsak ako.
"Aray" sabay pikit ko dahil sa sakit.
"Ang tanga mo kasi" lumapit sya sakin saka lumuhod at walang pagdadalawang-isip na binuhat ako ng pang-bridal style at pinatong sa table for couple sa gitna.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES collection
Random100 days with you description: Description: At the moment you felt alone, someone will cheer you up. Iyon ang naranasan ko mula nang guluhin ako ng isang taong hindi ko man lang inasahang bubuhay sa puso ko. Pero what if akala mo totoo pero alam mo...