"Hay naku! Sumisilip-silip nalang ang iba dyan!"
Agad kong nilingon ang nagsabi nun—more like, nang-aasar.
Pinandilatan ko agad ito ng mata bago itinulak-tulak sa loob ng bahay.
"Chismosa talaga!" bulong ko sa sarili at ibinalik ulit ang tingin sa taong naglalakad habang naka-mask. Kagagaling lang ata sa pagbili ng yelo sa kapitbahay—naubusan ata.
Siya si Zeron, ang crush ko. One month crush ko palang siya. Iisa lang ang village namin. At kapitbahay ko lang. Actually, wala talaga akong pakielam sa kanya NOON dahil ayoko ng lalaking tahimik e, gusto ko yung katamtaman lang ang daldal pero nadala ako sa mga post ng friends ko sa fb na 'kapitbahay lang muna' at iba pang post tungkol sa pagkakaroon ng crush na kapitbahay dahil nga quarantine time pa. Dahil sa post ng mga kaibigan ko, siyempre kaibigan ako kaya na-adopt ko rin yun at hanggang sa isang araw, narealize ko nalang na palagi pala akong nakatitig sa kanya.
"Hi Zeron!" masayang bati ko sa kanya kaya lang inisnob lang ako. Hayy suplado talaga!
"Hoy!"
Napatalon ako ng wala sa oras dahil sa sobrang pagkagulat.
"Diba pinapasok na kita kanina, a—"
Automatic na nalaglag ang panga ko pagkalingong-pagkalingon ko sa taong nanggulat sakin.
"Kuya Crake"
Agad ko siyang niyakap ng pagkahigpit-higpit.
"Aaaaaaray! Social distancing, one-meter away, mask and face shield pati PPE required" pagrereklamo niya kaya binitiwan ko agad siya "masyadong mahigpit ang iyong pagkakayakap sa akin, binibini" dugtong pa niya.
Napangisi naman ako dahil sa sinabi niya "bakit? Positive ka ba sa COVID19? At naaadik ka ba sa Encantadia?" tanong ko sa kanya na ikinatango niya.
"Hindi naman sa ganun. Negative kaya ako pero baka ikaw ang meron! At favorite drama ko na rin ang Encantadia"
Kaagad ko rin naman siyang binatukan dahil sa sinabi niya "ako? Positive? Excuse me?! Positive sa pagmamahal siguro. Syanga pala
Kailan kalang nakauwi, kuya?" maya-maya ay tanong ko.Galing kasi siya sa Cebu, dun sila nakatira ng mama niya. Medyo matagal ko narin siyang hindi nakikita. Nagkakamustahan lang sa videocall, ganun lang.
"Hindi mo ba nakita yung kotseng dumaan sa harapan mo kani-kanina lang?"
Napailing naman ako sa sinabi niya. Wala akong napansing dumaan kasi naka-focus lang ang atensyon ko kay Zeron.
"Busy ka kasi sa pagsulyap sa Zeron mo"
Naki-kwento ko rin sa kanya si Zeron. Close kasi kaming dalawa kaya hindi na ako nagdadalawang-isip na ikwento sa kanya mga nangyayari sa buhay ko.
Tumango-tango ako.
"Ganun na nga. May byahe na pala?" Nagtatakang tanong ko. Siyempre, quarantine pa e tapos Enhance Community Quarantine or ECQ pa—you know, istrikto pa.Imbes na sagutin ang tinanong ko, hinila niya ako papasok sa bahay at dali-daling sinara ang gate.
"Ouch!" reklamo ko sa kanya, natisod kasi ako e dala ng paghila niya sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/237072044-288-k95312.jpg)
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES collection
Diversos100 days with you description: Description: At the moment you felt alone, someone will cheer you up. Iyon ang naranasan ko mula nang guluhin ako ng isang taong hindi ko man lang inasahang bubuhay sa puso ko. Pero what if akala mo totoo pero alam mo...