That Actress' Life Story

34 6 0
                                    

Headline: The child actress Fayera Jendan was raped by his father named Jack Jendan

"Anak, kailangan mong magtago! Kailangan! Baka hanapin ka ng papa mo at patayin! Diba pinagbantaan ka nya na kapag sinumbong mo ang panggagahasa nya sayo ay papatayin ka nya? Kaya kailangang umalis ka!"

Agad kong itinulak ang anak ko sa bintana para makaalis na sya nang tuluyan.

Dumungaw ako sa bintana at hindi na napigilang umiyak nang umiyak habang nakikita ko ang isang 6 years old na batang babae na nakasakay sa isang maliit pero matibay na basket kung saan sakto lang para sa anak ko na makatakas sya.

Nilingon muna nya ako bago sya tumakbo paalis ng bahay namin.

Sakto lang ang pag-alis ng anak ko ay syang pagpasok ng walang hiyang asawa ko na may dala-dalang baril na any minute ay pasasabugin nya na ito.

Kahit na nanginginig ay nakuha ko pang magsalita.

"Walangya ka! Ginahasa mo ang anak natin! Mabulok ka na sa impye–"

Hindi ko na naituloy pa ang pagsisisigaw dahil agad nyang pinaputok ang baril na dala-dala at doon ko lang naramdaman ang tama ko sa puso.

Kasabay ng pagpikit ko ng mga mata ay ang pag-alingawngaw ng ambulansya at ang pagsirena ng polisya.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

"WOOOOW! Ang ganda talaga nya no? Parang may kamukha sya eh. Hindi ko lang mafigure-out kung sino."

Agad ko namang sinang-ayunan ang kaibigan kong si Jam Miguel.

"Tama tama." sabi ko saka tinitigan si Trexya na syang pinupuri ng kaibigan ko.

Maganda nga naman talaga sya pero ewan ko ba...parang may mali, e.

Kriiiiiiiiiing

Agad kaming pumasok sa classroom namin nang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.

– –
Ilang oras ang lumipas nang dumating ang lunch time kaya agad kaming pumila sa cafeteria.

Malayo palang ay kita ko na ang nasa itaas ng menu.

Hmmm...Chicken fried. Wait! Chicken fried? Hindi ba fried chicken yun? Hayy.

Nasa ikalimang pila na ako nang biglang may sumiksik sa unahan ko na matangkad na lalaki. Agad naman akong kinalabit ni Jam saka sinenyasan ako na paalisin yung lalaki kasi naiirita na raw sya. Hindi ko naman masisisi na madali syang mairita sa mga lalaki kasi para sa kanya, siya lang ang pinakapoging nilalang. Hayaan nyo na yan.

Sinenyasan ko nalang sya na 'oo na' saka ako bumaling sa nasa harapan ko na parang walang pakialam sa mundo kundi ang makakain lang ay okay na.

Kinalabit ko sya at nang tumingin ay agad kong sinamaan ng tingin para paalisin. Kaso ang loko, hindi ako pinansin.

"Excuse me lang, ah? Hindi mo ba alam yung katagang 'first come, first serve'? Tsaka 'ladies first'?" mataray kong sabi sa kanya kahit na nakatalikod sya.

Kahit na nakatalikod sya ay pansin ko yung parang paggalaw-galaw ng mukha nya na para bang ginagaya yung sinasabi ko!

"Aba't! Nanggagaya ka pa talaga?!"

Ilang segundo pa ang lumipas nang sa wakas ay tinapunan na nya ako ng tingin na naging dahilan ng pagkatigil ko.

"Why?" inosenteng tanong nya habang may nginunguya.

SHORT STORIES collectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon