"Ano ho?! B-bakit? Bakit ako e andyan naman si ate, ah? Siya nalang po!" sigaw pa ako ng sigaw kasi nagbabakasakali lang na magbago ang isip ni papa.
"Anak naman, alam mo naman na...malaki ang utang na loob natin sa kaniya. Tinulongan nya tayo upang makaraos sa pamumuhay diba? Gawin mo nalang 'to para sa pamilya natin. Please, anak?"
Napahilamos ako sa mukha dahil sa sagot ni papa.
"Pa?! Ano ba! Tao lang ako! Bakit ako? Ayoko pa! Ayoko kong ikasal sa taong hindi ko naman mahal!"
"Anak, hindi naman kaagad magpapakasal."
"Ganun rin naman ho yun eh! Dun din papunta yun! Pa naman! Sampung taon ang agwat namin sa isa't-isa at alam niyo namang ayoko nun. Bakit niyo ba ako ibinebenta?" mangiyak-ngiyak na akong sumagot sa kanya.
Hindi ko na napansin na nakalapit na pala sya sa akin na naging dahilan ng hindi ko pagpigil sa kanya na sampalin ako ng pagkalakas-lakas.
Wala akong ibang nagawa kundi ang hawakan na lamang ang pisngi ko at humagulgol sa pag-iyak habang si papa ay pumasok na sa kwarto namin.
Bakit ganito? Bakit ako? Ayoko nang mabuhay!
Pinunasan ko ang mga luha sa mga mata maging sa pisngi saka tumayo mula sa pagkakaupo sa sahig. Hindi ko na pinalipas ang limang segundo at kaagad akong tumakbo paalis ng bahay.
*beep beep*
Ilang busina na ng iba't-ibang sasakyan ang naririnig ko habang pilit na tinatahak ang daan papunta sa rooftop ng isang building.
Nagtitinginan na ang mga tao sa gawi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa building pero hindi ko nalang iyon pinansin at dire-diretsong pumasok sa elevator. Buti nalang, ako lang ang nakasakay sa elevator.
Pagkalabas ko ay kaagad na bumungad ang hagdanan papunta sa pinto ng rooftop. Inihakbang ko kaagad ang mga paa doon. Wala pang limang minuto ay nakarating na ako sa rooftop ng building.
Agad akong tumakbo hanggang sa mababang pader na nakaharang sa rooftop.
Iginalaw ko ang isang paa papunta dito.
Wala na namang mangyayaring maganda sa buhay ko. Ikakasal ako sa lalaking nihindi ko hinangad na maging kabiyak ko hanggang kamatayan. Malayong-malayo sa ideal type ko.
Tumingala ako sa langit at nakipagtitigan sa palubog na araw.
"Wala ng saysay upang mabuhay pa ako. Wala na..."
Inihakbang ko ang isa pang paa ko hanggang sa tuluyan nang naakyat ng paa ko ang mababang pader.
"In the count of three, my life would be over." bumuntong-hininga ako saka tinignan ang mga paa, "One.." sabi ko sabay hakbang ng isang paa ko. Huminga ulit ako ng malalim bago iginalaw ang isa pang paa ko, "..two." magkalevel na ang dalawang paa ko at isang dangkal nalang ay tuluyan na nga akong mahuhulog.
Napapikit ako nang mapatingin sa taas ng building mula sa akin.
Kaya ko ba? Kakayanin ko 'to.
Pumikit ako bago bumuntong hininga, "Th–"
Hindi ko na naituloy ang huling bilang nang biglang may humila sa kamay ko na naging dahilan ng pagbagsak ko sa sahig ng rooftop.
"Aray!" daing ko nang matingnan ang tuhod na may sugat.
Napatingin naman ako sa taong humila ng kamay ko at kaagad na kinunotan ng noo.
"Sino ka ba? Bakit mo 'ko niligtas?!" inis kong bigkas.
Tumayo ang lalaki pagkatapos ay ipinagpag ang itim na pantalong suot-suot saka ako nilapitan.
"If I didn't save you, my conscious mind will feel conscience. At for your information, hindi kita iniligtas kundi ang kotseng mababagsakan mo. Kawawa naman kung masira lang ng isang hopeless na taong nagpakamatay, diba? So kung magpapakamatay ka, please, sa kabilang building nalang. Wag mong dungisan ang pangalan ng building ko." seryosong sabi nya na ikinairap ko.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES collection
Random100 days with you description: Description: At the moment you felt alone, someone will cheer you up. Iyon ang naranasan ko mula nang guluhin ako ng isang taong hindi ko man lang inasahang bubuhay sa puso ko. Pero what if akala mo totoo pero alam mo...