Mayaman nga talaga sila! Ang ganda-ganda naman dito. Kahit gate palang ang nasa harapan ko, ang ganda-ganda nang tignan ng bahay nila. Napakaganda ng designs at mga pinturang ginamit dito. Sino kayang architect ang gumawa ng desinyo nito? Sinong engineer ang nagplano sa bahay na 'to? Hahanapin ko nga para naman kung malaki na ako ay magpapagawa agad ako ng bahay na ganito. Hayy! Teka nga, kanina pa ba ako dito sa labas ng gate nila?! Oo nga!
Makapagdoorbell na nga lang.
Dingdong dingdong dingdong
Agad naman itong binuksan ng isa sa mga yaya nila.
Ngumiti muna sya sakin at nagsalita "Kanina pa po kayo hinihintay ni Chelsey" agad na sabi niya.
"Ah ganun po ba? Hehe" sagot ko naman.
"Pasok na po kayo"
Tumango nalang ako at pumasok na din kaagad.
"Reign! Buti naman nandito kana" salubong sakin ni Chelsey sabay yakap sakin.
"Pasensya na kung medyo natagalan ako" pagpapaliwanag ko.
"Ano ka ba! Wala yun. So, gawa na tayo ng project?" ngiting tanong niya.
"Sige. San ba tayo gagawa?" naguguluhang tanong ko.
"Sa kwarto ko nalang" nakangiti paring sabi niya.
Nauna siyang umakyat ng hagdan at sumunod naman ako.
Grabe talaga! Ang ganda ng bahay nila. May iba't-ibang disenyo ng chandelier. Ang daming gamit and appliences. Ang laki pa ng TV nila at tsaka---
Natigil ako sa pagdedescribe nang may nakasalubong akong lalaking nakangisi na dumaan sa gilid ko.Kinalabit ko si Chelsey at tinanong "Sino yun?"
"Si kuya. Naku wag mong sabihing crush mo?"
Natameme naman ako sa sinabi niya. Nagagwapohan lang crush agad?!
"Hindi! Ano ka ba!" Sabay hampas ko sa balikat niya ng kamay ko.
××××××××××
"So? Ano pa bang pwedeng idesenyo sa project natin?"
Kanina pa kasi kami nag-iisip ng idea kung ano ang magandang desinyo na babagay sa project namin.
"Alam ko na!"
Lumiwanag naman ang mukha niya sa sinabi ko.
"Total tree house naman ang gagawin natin, eh pano kaya kung recycle nalang gamitin natin para maiba naman at creative" pagsu-suggest ko.
"E di ba parang basura na yon?" pagtututol niya.
Tss! Porket mayaman siya eh ang akala niya sa recycle ay basura! Hayys! Oh well, dahil nga mahirap lang kami, okay lang sakin kung recycle nalang ang gagamitin namin dahil sanay na naman akong gumawa ng handcrafts gamit ang recycle na bagay.
"Sige na. Ako bahala!" Pangungumbinsi ko sabay kalabit sa balikat niya.
"Sige na nga!"
Yeyy pumayag din!
×××××××××
"O pano? Alis na ko ah baka magtaka si mama kung bakit ang tagal kong umuwi" sabi ko.
BINABASA MO ANG
SHORT STORIES collection
Random100 days with you description: Description: At the moment you felt alone, someone will cheer you up. Iyon ang naranasan ko mula nang guluhin ako ng isang taong hindi ko man lang inasahang bubuhay sa puso ko. Pero what if akala mo totoo pero alam mo...