Chapter 1

27 0 0
                                    

"Uy tara na sumasayaw na daw sila Noah"

"Oo nga yieee shet makikita ko na naman si papa Noah"

"tara na baka maunahan tayo ng pwesto hahaha"

Ayan yung lagi mong maririnig kapag may event sa school. Haysss Noah Jaspher Sanchez. Kailan mo kaya ako mapapansin?. Napailing ako bigla sa iniisip ko pero kahit papano naman nag tatagpo landas namin. Matagal ko ng gusto si Noah grade 7 palang ako pero never ko siyang naging kaklase at lagi naman kung mag uusap kami eh kung makakasalubong lang dahil sa kaibigan niya yung boyfriend ng kaibigan ko kaya kahit papano eh may interaction kami "KAHIT PAPANO". Matagal ko na siyang sinusundan or patagong pumupunta sa mga events na kung saan andun siya. OO patago kasi ayokong may ibang makaalam na gusto ko siya.

Ako nga pala si Bella Santos, grade 12 na ako and syempre going in college kaya need kong mag aral ng mabuti para makapasok ako sa gusto kong university. Nag lalakad ako ngayon sa field kasi may event nga at may mga nag pe perform sa stage gusto ko man pumunta dun pero wag nalang alam ko naman na hindi ko din ganun makikita si Noah. Nag patuloy lang ako sa pag lalakad kahit na gustong gusto kong pumunta sa sayaw nila Noah

"Bella!!!"

Napalingon ako sa tumawag sakin, Si Ange kaisa isa kong kaibigan na kasama ko din sa lahat

"Angeee!!"

"Nako tinitignan mo na naman ba yang sumasayaw na yan!?" sabi niya at inakbayan ako

"Hindi no" sabi ko at tumawa

"Kilala kita hahaha tara na nga pumunta tayo ng hall ng makita mo siya sumayaw" Sabi niya at hinatak ako. Maliit lang kasi akong babae tas medyo payat tama lang din ang katawan ko unlike kay ange na matangkad na payat. At syempre maganda kami pareho.

Nag lalakad na kaming dalawa at maririnig mo ang malakas na tugtog at sigawan ng mga babae. Welcoming Day kasi ngayon kaya ganto kaingay at winewelcome ang mga freshmens. Dito kasi sa heavens university nasa iisang campus ang grade 7 hangang 12 kaya laging may welcoming day for freshmens. Kaya hindi din malabong kilala ng nilang lahat si Noah.

Pag kapasok na pag kapasok namin umingay lalo kasi si Noah na pala ang sumasayaw. Tumigil na din kaming mag lakad ni ange nasa bandang harapan kami hahaha palibahasa payat kami eh nakaksingit na kami. Sobrang sikip at init dito grabe pero worth. 

"Grabe pala yang Noah mo hahah kapapasok lang ng freshmen pinag kakaguluhan agad" bulong ni ange habang umirap

"Ano kaba" sabi ko at siniko siyang mahina 

Napatitig ako kay Noah, Ang galing nyang sumayaw kaya napatitig nalang ako sakanya. I wish makasayaw ko talaga siya sa prom or kahit hindi ako yung date  niya eh basta makasayaw ko siya sa cotillion.

Nakatitig lang ako sa mukha niya ang perfect, Maputi at matangkad napaka gwapo at cool ng awra tapos titignan mo pa yung katawan niyang hindi ganun ka macho pero saktuhan yung pag kapayat niya.

Napalaki ang mata ko ng mag tagpo ang mata namin habang sumasayaw siya, Bigla ako napahinto at tinitigan din siya ng matagal. Napatitig lang ako sa mata niya pero nung bigla siyang umikot naputol yung titigan namin.

"huy! tapos na bella!" niyugyog ako ni ange pero still shookt ako kasi ewan ko ba may something pero umaasa lang ata ako 

"ha?" nilingon ko si ange kasi kanina pa pala siya nag sasalita

"Tara na gurl tapos na sila babalik na tayo sa mga classroom" sabi niya at hinatak ako

Nag lakad na kami papasok sa kanya kanyang room namin kaklase ko pa din si ange kasi same kami ng strand and kung sa usapang strand hindi ko kastrand si Noah. 

"Ange?" tawag ko kay ange habang busy mag cellphone

"Yes?" sabi niya at tumingin sakin

"Tinignan ako ni Noah kanina" sabi ko at ngumiti ng bongga at nag tatalon. Ngayon lang ako nakapag react 

"Asus ano kaba sure kaba na sayo tumingin?" sabi niya at tumatawa

"tse ano kaba" siniko ko siya at nag tawanan kami

Umupo na kami sa medyo bandang dulo kasi kanya kanya naman daw ng seating arrangement kaya mag katabi kaming dalawa.  Nakatulala lang ako sa bintana habang si ange eh busy sa jowa niya.

"Asan kana?" bulong ko ate lumilinga linga

Napatigil ako sa pag mumuni ng sumigaw isa kong kaklase

"GUYSS!! FREE TIME DAWWW pwede daw lumabas lahat or tumambay kung saan kasi busy ang teachers sa meeting" 

Nag sigawan lahat kaya natuwa na din ako kasi kahit papano makakagala ako sa loob ng campus namin.

"Bella aalis muna ako ha you know dun mun ako kay Jake" sabi niya at kiniss ako sa cheeks tumango lang ako at kumaway

Tumayo na ako sa upuan at iniwanan ko muna yung bag ko sa room open naman daw anytime eh. Mag lalakad muna ako at didiretso ako sa tambayan ko syempre sa dance hall. Open for anyone naman yun.

Pag pasok ko sa dance hall wala pang katao tao kaya pumunta ako sa gitna at nilapag yung phone ko at pinatugtog yung favorite dance ko na sketchers at sinayaw ko. 

Habang sumasayaw ako iniisip ko nalang na parte ako ng dance club eh never kasi ako nag try kasi nga ayoko ng spot light at ayoko ng mga tungkulin sa school gusto ko lang yung own free will ko. Natapos ko yung kanta at huminto ako

"Sumasayaw ka pala"

Dance with you (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon