"Let's go"
Nagulat ako at si Noah yung humatak sakin. Napalingon agad ako kay luke at tinignan siya ng nag tataka. Tumawa naman siya at kumindat sakin. Binuksan ni Noah yung pintuan ng sasakyan at sumakay na din sa tabi ko. Sumakay na din si luke pero nasa front seat siya
"Atat ka naman bro makahatak wagas" sabi niya at tumawa
Ang jolly at mapang asar talaga ni luk kumpara kay Noah na palangiti naman pero tahimik.
"Tsk, Tara napo manong" sabi ni Noah at sumandal at pumikit
Tinignan ko si Noah habang naka sandal at nakapikit, Naka Black na polo siya kagaya ng kay Luke tapos slacks na black din tas white rubber shoes. NAtawa ako sa naisip ko kasi kala mo nasa Kpop group silang mag pinsan.
"Baka matunaw ha" sabi ni luke kaya tinignan ko siya ng masama.
Actually nasasanay ako sa presence ni luke dahil jolly siya kagaya ko kahit na mahiyain ako kumpara sakanya. Tumahik na ako at tumingin sa bintana na nasa kanan ko. Nakatulala lang ako habang kinuha ko yung iphone ko at nag earphones. Pero bago ko pa maiplay yung kanta narinig ko si Noah na nag salita.
"Ang ganda mo pala ng mas malapitan"
Napahigpit yung kapit ko sa phone ko at nag kunwaring hindi ko narinig kahit na wala pang naka play na music sa phone ko. Hindi ko alam kung ano irereact ko naguguluhan ako kay Noah at sa galaw niya. Kasi sa buong grade 7 to 10 hindi naman kami ganun nag kakasama, nag kikita kami at nag gri greet sa isat isa ng saglitan pero hindi kami ganun ka close. Sinantabi ko muna yung iniiisp ko at pumikit
---------------------------------------------
Buong byahe naging tahimik lang kas si luke naka idlip din ata medyo malayo kasi ang school namin sa village namin kaya natagalan ang byahe. Bumaba na ako at nakababa na din sila luke at Noah, As usual eh ang mata ng ibang students nasa mag pinsan parehong gwapo ba naman.
Ako naman eh agad umiwas ng tingin at yumuko. Naramdaman kong may lumapit sakin.
"Wag kang mahiya" bulong ni Noah kaya napatingin ako at ngumiti, Ewan ko pero nasasanay ako sa presence niya. Ayokong umasa pero nakakainis tong puso ko ayaw kumalma eh.
"Tara hatid na--"
"NOAHHHHH!!!"
Fvck napamura ako sa isip ko ng ayan na naman naputol siya sa sinasabi niya. Nakakainis lang bat ganto. Pero kinalma kko sarili ko at tinignan alam ko naman na yung babae ulit to.
"Hey Pia" sabi ni Noah at ngumiti. Lumapit bigla yung babae kay Noah at kiniss siya sa cheeks. Napaiwas ako ng tingin nakita ko pa ang pag tingin ni Noah sakin
Noah pleaseee wag ganyan naguguluhan ako sa ganyan. 2nd day palang ng school to pero naguguluhan ako sa kilos mo at pinapakita mo. Napatingin ako sa babae naka skirt siyang hanggang hita at naka tshirt na white at naka Boots siya na black. Maganda siya talagang pang itsurang model.
"Tara na Belaa, Noah and pia una na kami ha" sabi ni luke at hahatakin na sana ako pero hinatak ako ni Noah
"Bella mamaya sa dance hall punta kayo ni ange may onting pag sasalo salo kami" sabi niya at ngumiti, Tumango ako at ngumiti sakanya.
Umalis na kami ni luke and as usual makulit si luke pero ako tahimik. Ewan ko naguguluhan ako sa galaw ni Noah, Hindi ako sanay na ganyan siya sakin. Hindi ako sanay kasi kahapon lang kami nag kausap ata ng mas matagal. Pero ayokong masanay na andito siya at pinapansin ako. Mas okay na yung umaasa ako kasi alam kong hindi impossibleng mag tagpo kami. Pero Masakit umasa na nag kakausap na kami tas wala lang pala.
"Lalim ng iniisip mo" sabi ni luke napalingon ako kung nasaan kami nasa garden kami malapit sa room ko.
"Ahhh wala yun" sabi ko at ngumiti
"Trust the process, may hadlang lang sa ngayon pero i know Noah won't make the same mistake again" sabi ni luke kaya tinignan ko siya
"Huh? " tanong ko at ngumiti siya ngayon ko lang nakita na ganto siya kaseryoso usually kasi jolly
Hinawakan niya ulo ko at ginulo at buhok ko kaya tinignan ko siya
"Wala malalaman mo din, andyan na si ange pumasok kana. Mamaya ha sa dance hall" sabi niya at umalis na kaya pumasok na din ako sa classroom namin at tumabi kay ange
"Hay ang haba naman ng mukha ng bebe ko kaganda ganda ng suot eh bakit baby girl anong problema" hinatak ako ni ange at hinug kaya natawa ako
"wala pooo" sabi ko. kapag ganto si ange makipag usap alam ko nilalambing niya ako to cheer me up
"I know na naguguluhan ka. Wag ka mag alala me and luke got you okay? kahit diko close si luke HAHAHAHA" sabi niya at kiniss ako sa cheeks
Napangiti ako kaya, tumango ako at kiniss siya sa cheeks niya din
-----------------------------------------------------
*Kringgg krrringggg*
Hay salamat nag bell na din ang tagal namin nag hintay sa bell na yan nakakastress ang dami agad lesson at ginagawa kala mo nasa 2nd week na kami. Nag unat ako at inayos ang damit ko. Half day lang kami ngayon kasi busy pa din ang mga teachers andami kasing seminars tuwing start ng pasok talaga. Kaya pahinga na naman mamaya
"Ang ganda naman talaga ng bella ko" sabi ni ange at tumawa
"tse kanina kapa ha sapakin kita" sabi ko at sinabunutan siya ng mahina
Habang nag aayos kaming dalawa umiingay yung usap usapan sa labas medyo magulo din. Kaya napakunot noo ako at tinignan si Ange tinignan niya lang din ako at nag kibit balikat.
"Ang gwapo ng mag pinsan no?"
"Swerte ng magiging jowa nila"
"Eh syempre lalo na kay Noah sayang nag break lang sila ni pia"
"Iniwan kasi bigla ni pia eh"
Napalingon ako at si Ange sa usapan ng dalawa naming kaklase kaya napatungo ako bigla si pia at Noah dati? kaya napailing ako na ewan naguguluhan na ako
"Hoy kayong dalawa chismis pa" sita ni ange kaya natawa silang dalawa at umalis na ako naman eh nag tataka kaya hinayaan ko na malay ko ba baka mali lang
"Tara na Bella ang ingay masyado dito" sabi niya at hinatak ako masyado ngang maingay kala mo may artista sa labas eh.Pag labas namin nabigla ako at napahinto nanlaki din mata ko.
"BABEEE!!" sigaw ni ange at dumiretso kay Jake at katabi naman ni jake sila Noah at Luke at yung tatlo pa nilang kaibigan habang nag hihintay dito sa labas ng room namin.
"Tara bella?"
BINABASA MO ANG
Dance with you (ON GOING)
Teen Fiction"Please be my date in prom" Teenage life was one of the best stage of life of every person. Andyan yung heartbreaks, issues at yung first crush lalo na ang first dance mo. Noah, Hearing his name automatic syempre sa Dance group yan sa school isa sa...