Nag lakad ako diretso sa room namin. Buti nalang wala ng ganong tao sa labas kasi mag be bell na din. Dumiretso ako sa upuan ko ate pinilit hilutin yung braso ko, sobrang puti kasi kaya sobrang halata.
"OMG!!! Bella ano nangyare dyan!!?"
Nagulat ako sa sumigaw. Napailing ako at hinatak nalang si Ange paupo sa tabi ko. Kinuwento ko nalang din ang nangyare kasi ayokong mag sinungaling sakanya dahil siya nalang ang nasasabihan ko
"Fvck naman bella bat dika pumalag yare sakin yang babae na yan" sabi ni ange at galit na galit habang nag lalabas ng gamit
"Shhh okay lang ako ano kaba hahaha" tawa ko kahit hindi naman ako talaga okay ayoko lang kasi talaga ng panibagong gulo na naman
"Tssk nako ayusin mo yan. Bibigawasan ko yung mag jowa na yun" sabi ni Ange at siya na nag hilot ng braso ko.
---------------------------------------------------
"Tara na Ange lunch na tayo gutom na ako" sabi ko at niyaya na siya habang ako nakatayo. Hindi pa din natanggal yung pasa sa braso ko. Halatang halata siya lalo dapat pala hindi namin hinilot ni Ange mas lalo siyang nag dark mas lalo tuloy siyang kita halos kasing laki na siya ng palad ko
"Taraa naaa nga sa canteen na tayo" sabi niya at tumayo
Nakakapanibago hindi na kami sa dance hall dumi diretso pero i know its for the better naman kesa naman dun pa kami pumunta. Pag labas namin nakita namin si luke at jake nag hihintay kaya kumaway siya samin ako naman ngumiti lang pero may hinahanap pa din yung mata ko. Nag babakasakaling andyan si Noah.
"Huy wala siya dito" sabi ni luke at kinutusan ako ng mahina
"tse " sabi ko at ginatihan ko siya ng kutos
"Hoy kayong dalawa tara na gutom na ako" sabi ni Ange kaya sumunod na din kaming dalawa
Habang nag lalakad kami andyan pa din ang tinginan ng mga ibang students pero hindi ko nalang pinansin at hinayaan ko sila. Si Ange naman iniirap irapan din yung ibang students sinisita naman siya ni jake.
"Uy san tayo papunta? sa canteen tayo" sabi ko kasi paliko sila papuntang dance hall
"Dun na tayo ano kaba hindi ka naman bago dun and for sure wala sila dun" sabi ni luke kaya hinatak ako sa braso
"Ouch" sabi ko kaya napatingin siya sakin
"bakit?" tanong niya pero agad kong tinakpan at binaba yung manggas ng shirt ko kaya di niya napansin yung pasa
"Tara na gutom na kami eh" sabi niya kaya nag patuloy na kami mag lakad
Habang palapit na kami sa dance hall sobrang kinakabahan ako. Ewan ko simula na kausap ko si Noah ayaw ko na munang lumapit at ayaw ko na munang mag pakita sakanya. Naiinis ako kasi umasa lang pala ako sa wala. Na hanggang kaibigan lang pala ako. Hindi niya sinabing umasa ako pero sobrang umasa ako.
Akala ko pa naman tatagal kaming mag kasama. Akala ko lang pala yun. Gustong gusto ko pa naman siyang makapartner sa upcoming prom namin lalo na grade 12 na kami means may prom kami. For sure si Pia na ang kanyang kapartner.
Habang papasok kami sa dance hall nag uusap kami ni luke wala naman tao eh kaya nag uusap lang kami. Nakarating na kami sa pintuan ng dance club room kaya pumasok na kami
Nakayuko ako kasi ramdam ko na andyan sila Noah at Pia kasi narinig ko na binati ni jake. Narinig ko naman ang pag ungos ni ange kaya napailing ako at hinawakan siya.
"Ahmm bella nood ka mamaya ng dance practice namin?" napalingon ako kay luke habang nakaupo ako at inaayos ang pag kain namin
"Ahmm sige okay lang naman sakin" sabi ko at tumango at binigay yung plato sakin
"Sus si Noah lang papanoorin mo sa practice eh" sabi niya ng pabulong at pinat ang ulo ko kaya tinabig ko kamay niya pero bigla niyang hinatak ang kamay ko
"ANO TO?" medyo malakas niyang pag kakasabi kaya naramdaman kong nakuha namin ang atensyon ng iba na nasa loob ng DCR (Dance club room)
"A-ah tumama k-kasi ako" sabi ko habang nakayuko at pinipilit takpan yung braso ko ayoko naman gawing big deal to
"Bella yung totoo?" sabi ni luke at tinitignan pa din yung braso ko
Nagulat ako ng may humatak sa braso ko. Napalingon ako at nan laki ang mata ko
"N-Noah"
"Ano to?" seryoso nyang sabi pero hinatak ko yung braso ko, nakita kong umirap si Pia at lumapit
"Babe kain na muna tayo simpleng pasa lang yan, Hindi niya naman ikamamatay yan. Atyaka besides hindi mo na kailangan alalahanin yan tsk" sabi niya at hinahatak na si Noah pero si Noah nakatingin pa din kahit na hinatak na siya kaya umiwas na ako ng tingin at nag salita
"Ahmm wala to kasalanan ko" sabi ko at ngumiti kay luke. Nakita ko naman ang pag irap ni Ange at pag 'tsk' sa sinabi ko pero sinenyasan ko siya na tumahik na.
Tinitignan pa din ako ni luke at Noah. Kaya umupo na ako at tumalikod kay Noah. Naiinis ako kasi iniiwasan ko siya pero siya pa din tong unang lumapit ngayon. Ayoko na ng gulo. Kumain na ako ng tuloy tuloy para makaiwas sa tingin nila. Nararamdaman ko yung luha ko kaya nag focus ako sa pag kain ko
Naramdaman kong tumabi na sakin si luke at kumain na din. Ramdam ko yung tingin ni luke, Ange at Jake sakin kaya tumingin ako sakanila kahit patulo na yung luha ko.
"I hate your lies" bulong ni luke sakin
Hindi na ako kumibo at kumain na lang.
------------------------------------------------
After namin mag lunch kanina umalis agad ako. Dumiretso na din ako sa room, Ngayon malapit na yung uwian hihintay ko nalang mag bell. Nakita ko na din si Luke at jake na nag hihintay sa labas. Kaya ngumiti ako.
Luke is really a good friend even if pinsan niya si Noah he's still here trying to help me up and trying to cheer me up.
"Lalim ng iniisip mo. Tara na mag pra pactice tayo ng sayaw sabihin nalang natin kayla luke at babe na hindi tayo makakapanood" sabi ni ange at kinuha yung bag ko
Sumunod agad ako sakanya kaya nakita ko si Luke at jake. Binigay ni Ange yung bag ko sakin bago dumiretso kay jake
"Uy luke pasensya na ha didiretso kami sa court dun kami mag pra practice ng sayaw for performace daw sa monday, and balita ko sasayaw din daw kayo ah" sabi ko sakanya habang inaayos yung buhok ko
"Oo ganun nga. Sinabihan din kami na may mga ibang mag pre present tas kami ang final dancers na sasayaw" sabi niya habang nakatingin lang sa buhok ko
"Sige na pala ha baka kasi gabihin din ako" sabi ko at nag wave na sakanya
"Sige if ever mauna kaming matapos hintayin namin kayo ni jake " sabi niya kaya kumayaw na din ako kay jake at nag paalam
BINABASA MO ANG
Dance with you (ON GOING)
Teen Fiction"Please be my date in prom" Teenage life was one of the best stage of life of every person. Andyan yung heartbreaks, issues at yung first crush lalo na ang first dance mo. Noah, Hearing his name automatic syempre sa Dance group yan sa school isa sa...