Chapter 2

7 0 0
                                    

"Sumasayaw ka pala"

Nanigas ako sa kinakatayuan ko kasi kilala ko yung boses na yun kahit never ko siyang nakausap. Dahan dahan ako umusog pa kanan at tumakbo palabas ng dance hall. Narinig ko pa yung pag tawag nyang 'bella' sakin pero tumakbo pa din ako.

Huminto na yung mga paa ko dinala ako nito sa garden ng school  may ilang ilan na students dito kaya medyo umayos ako at umupo ako sa isang bench habang humihinga ng malalim

"Shet naman bella ano bang ginagawa mo" bulong ko sa sarili ko habang kinukutusan yung sarili ko.

"Ang tanga mo si Noah yun eh pero dimo kinausap" panenermon ko pa sa sarili ko habang nag papapadyak habang nakaupo. Kinapa ko yung phone ko sa bulsa para matawagan si ange

Napatayo ako at naalala

"FUCK NAMAN BELLA!" sigaw ko sa sarili ko at kinakapa pa din ang bulsa 

Shet! naiwanan ko sa dance hall yung phone ko. Pano na ? i mean may lock ang phone ko pero shocks iphone 11 yun at kabibili lang sakin nun tas yung lockscreen ko  

Napatakbo agad ako kasi naalala ko na ang lockscreen ko si Noah habang nakatalikod siya nung minsan nakasabay ko siyang pababa ng hagdan. Fvck si noah pa naman yung andun kanina sa dance hall

"Arggghhh Bella Santos ang tanga mo" panenermon ko sa sarili ko

Agad akong pumasok sa dance hall dahil nag mamadali akong mahagilap kung sino man tao dito or possible makakuha huhuhu. Tinungo ko kagad yung gitna ng dance hall pero pag dating ko dun wala na yung phone ko

"Shet" napamura ako ng maalala kung sino yun huling tao na andito sa dance hall

Napalakad lakad ako nahihiya ako pano ko itatanong sakanya kaya napaupo ako at dumukmo. Hindi sa nahihiya ako pero kasi mamaya hindi si Noah ang nakakuha pano na yung files ko.

"Bella" 

Napatigil ako sa pag hikbi at nag angat ng tingin

"Shhhh wag kang umiyak, ito yung phone mo" sabi niya at pinunasan ang luha ko at nilagay sa kamay ko yung phone

Feel ko manghihina ako sa nangyare ngayon, kala mo nasa panaginip ako. Tumitig lang ako sa mukha ni Noah at patuloy pa din yung luha ko diko alam pero sobrang nanghihina ako. Tas feel ko nilalagnat ako sa init ng mukha ko

"N-noah" pabulong na sabi ko

Tinignan niya ako at tinayo

"Bakit" sabi niya at ngumiti

"Salamat sa pag kuha ng phone ko" sabi ko at ngumiti kahit alam kong pulado na yung mukha ko

Pinat niya yung ulo ko at ginulo buhok ko

"Wala yun, Sige na bumalik kana sa classroom mo. Ingat" Sabi niya at pumasok sa office ng Dance club sa gilid ng dance hall

After niya umalis tumakbo agad ako fvck ang lakas ang tibok ng puso ko ngayon.  Bumagal na ako mag lakad kaya bigla kong binrowse yung phone ko. I mean may lock naman yung phone ko pero mamaya nakita niya na pala yung mgapang stalk ko sakanya. Lumakad na ako pabalik ng classroom para makahinga muna habang iniisip yung nang yare kanina sa dance hall.

---------------------------------------------------------------

*kringggg krrinnnngg*

Nag si tayuan na kami kasi nag bell na kaninang umaga free time pero ngayong hapon binawian kami ng teachers na mag lesson at class orientations.

"Bella anong nangyare" Hinatak ni ange yung notebook ko kasi nahahalata niya atang wala ako sa wisyo.

"Huh ano ba pinag sasasabi mo" sabi ko at inagaw pabalik sakanya yung notebook ko at nag ayos ulit ng gamit ko

"Kilala kita pwede ba sapakin kita dyan eh,  Ano nga?" sabi niya at tinaas taasan niya ako ng kilay

Kinuwento ko sakanya yung nangyareee habang nag lalakad kami palabas ng school at siya naman tong tuwang tuwa para sakin. Kaya natatawa ako sakanya

"Kaya pala sabog ka kanina ha" sabi niya at kinurot ako ng mahina sa tagiliran at nag tawanan kami at kulitan habang nag lalakad.

Natawa nalang ako at namula lalo ng bigla siyang huminto sa pag lalakad pero ako tuloy tuloy padin kahit na nakatingin ako sakanya at tumatawa

"Bella?" 

Napatigil ako at humarap, Napamulat ng malaki yung mata ko sa nakita ko si Noah at mga kaibigan niya kasama si jake yung boyfriend ni ange.

"Babeee!" sigaw ni ange at yumakap kay jake at kumiss

Sumimangot ako at tinaasan naman ako ng kilay ni ange at tinignan niya ako at nilipat kay Noah yung tingin. Kaya nabalik ako sa katinuan at tumingin kay Noah

"Uy noah" sabi ko at ngumiti sakanya kahit na feel ko babagsak na ako sa kinatatayuan ko

"Ahmmm Bella una na kami ni jake ha? ingat ka sa pag uwi mag de date muna kami mwaaa" sabi niya at ngumiti at tinaaasan ako ng kilay

Kumaway lang ako at ngumiti sakanya andito pa din sila Noah at mga kaibigan niya busy naman mga kaibigan niya pero naiilang ako sa tingin niya kasi first of all hindi kami close tas ngayon niya lang ako napansin. Nag lakad na ako paplabas ng gate at sumunod na din sakin sila noah at kaibigan niya

"Uuwi kana?" sabi niya at nag lakad na din palabas

"Ahhm Oo medyo matagal pa byahe ko" Sabi ko ng medyo mahina kasi nahihiya talaga ako

"Gusto m-"

"NOAHHH!!!!"

Naputol yung sasabihin niya ng biglang may tumawag sakanya. Napalingon kaming dalawa sa isang babaeng mestisa at matangkad na nakatingin kay Noah at nakangiti. Napatigil bigla si Noah at nakita ko ang pag kabigla sa mukha niya kaya nag tataka ako.

"Noah gosh!! i miss you so much!" sabi ng babae at niyakap niya si Noah

Okay sobrang awkward tas Op ako kasi nakatahimik na din yung mga kabigan ni Noah at tinitignan lang namin sila noah. Nakahinto lang si Noah at makikita mong medyo bigla siya.

"I've been calling you simula kaninang umaga hindi ka nasagot" Sabi pa ng babae at kumalas ng yakap kay Noah. Kami naman ng kaibigan ni Noah tahimik na nakikinig pero parang kala mo silang dalawa lang at nasa loob ng bubble. Medyo masakit ha.

"Ahh naiwan ko sa bahay ata" sabi niya at ngumiti sa kausap niya.

Okay ouch na talaga napailing ako kasi hello kakakilala and first time palang namin mag usap ni Noah kung hindi nga lang ata sa phone ko di kami mag uusap ni Noah eh. 

"Ahhm Noah alis na kami ha" Nabigla ako na nag salita ang kaibigan ni Noah at hinatak ako sumunod na din samin yung mga kaibigan niya at nag paalam kay Noah. Lumingon ako kay Noah at ang huli kong nakita ay kiniss siya nung babae sa pisngi kaya napatalikod ako bigla.

"Dont look"  at hinatak ako ulit nung kaibigan ni Noah


Dance with you (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon