Chapter 11

4 0 0
                                    

Nasa court na kami at halos 3 hrs na din kaming nag pra practice ng sayaw at mag 7pm na pero maliwanag pa din dito kasi nga 10 pm ang sarado ng campus kasi malaking school naman to at kasama namin ang college.  Ganto naman sa school namin, Palibhasa mayayaman din ang mga nag aaral kaya provided din ang need namin.

Naka buo na kami ng formation at halos nasa kalahati na kami pero sa kasamaang palad nasa harapan ako kasi hilig ko din ngang sumayaw yun nga lang ayaw ko sumali sa dance club. Naka ten minutes break kami ngayon at mamaya last practice kahit hanggang kalahati muna kasi wala pang stepsyung padulo na sayaw namin.

"Bella ang galing mo talagang sumayaw" sabi ng kaklase kong lalaki kaya natawa ako at nag thankyou

"GUYSS TARA NA LAST BIRIT MUNA TAS UWIAN NA"

Pumunta agad kami sa formation, Si Ange naman ay nasa likod ko samantalang ako napag gigitnaan ng dalawang kaklase kong lalaki kumbaga saming mag kakaklase kaming tatlo yung nasa harap kasi kami yung kahit papano eh sumasayaw at marunong.

Habang inaayos nila yung formation napalingon ako sa kumpol ng mga nag lalakad. Pero hindi ko na to pinansin dahil narinig ko na yung countdown ng kanta. Nag start na kaming sumayaw at gumalaw. As usual kahit nag che change ng lugar yung mga kaklase ko kaming tatlo eh nasa harapan pa din

Habang sumasayaw ako napalingon ako sa gilid ko. Nagulat ako ng andun sila luke at iba nilang kaibigan na kasama sa DC (dance club) ang mas kinagulat ko ang lalaking nakatingin sakin na si Noah

Napaiwas ako ng tingin. Nag concentrate ako sa pag sayaw kasi ayokong umulit ulit kami sa simula.  Nag sayaw lang ako ulit ng nag sayaw hanggang sa matapos kitang kita ko pa din sa peripheral vision ko ang pag titig ni Noah sakin. 

"Okay guys!! good job!! uwian na bukas na ulit!!! thankyouu sa cooperation niyo. Ingat kayo" sabi ng president namin at nag si uwian na din yung iba.

"tara na bella andyan sila oh" sabi ni ange pero tinaasan ko siya ng kilay

"Oh bakit hindi naman po si Noah. Sila luke po at jake ang puntahan natin" sabi niya kaya nag madali na ako mag ayos ng sarili ko

Habang nag lalakad kami ramdam ko pa din ang mariin na pag titig ni Noah sakin. Nakita ko sa tabi niya si Luke at natatawa sakin inirapan ko siya kasi ayoko ng ganito. Ayoko ng maling hope na naman dahil kay Noah.

Naiinis ako na ewan pero ewan ko gustong gusto ko talaga si Noah. Pero ayoko yung sitwasyon na masyado siyang caring sakin to the point na ang lumalabas eh ako pa din ang nalapit sakanya sa paningin ng jowa niya. Pag lapit namin sakanila napuno ng asaran at biruan kaya napapailing ako and nakikitawa nalang din sakanila

"Galing naman sumayaw Bella"

"Kaya nga eh haha"

"hindi mo sinabi dancer ka pala bella"


Asar pa nila kaya nahihiya na ako lalo pero sila todo asar pa din ang kulit sakin kaya nakikipag kulitan nalang din ako. HIndi ko tinapunan ng tingin si Noah dahil tulad ng sabi niya eh mag karon daw kami ng distansya dahil nag seselos si Pia and that's what im doing right now.

"ENOUGH lets go home" 

Napatigil kami sa asaran at kulitan sa diin ng pag kakasabi ni Noah kaya nanahimik yung iba samin. Tumabi naman ako kay luke kasi si Ange kasama si jake.

"Nice one ang galing mo sumayaw" sabi ni luke at kinuha yung paper bag ng shoes and damit ko

Inabot ko naman sakanya to at ngumiti. Napaka bait ni luke sakin pero ewan ko yung puso kona kay Noah pa din kahit hindi niya naman ako gusto

"Ano kaba hindi no" sabi ko at siniko siya. Nag tawanan lang kami habang nag lalakad. 

Nang makarating kami sa parking lot nag paalam na yung iba samin pati si ange kaya kaming tatlo nalang ang natira. Ewan ko pero sobrang awkward pa sakin kahit wala namans ilang ginagawa for me.

"Tara bella uwi na tayo" sabi ni luke at niyaya ako sa kotse nila

"Ahmm luke wag na may dadaanan pa kasi ako eh" palusot ko hindi ko magawang tumingin sakanilang dalawa kaya sa gilid ako naka tingin

Nakikita ko lang sa gilid ng mata ko si Noah na nakatingin ng mariin sakin pero hindi ako kumikibo.

"Ano kaba tara na" sabi ni luke at kinukulit pa din ako pero nakikipag agawan talaga ako sakanya ng paper bag

"LET'S GO LUKE. Let her kung may dadaanan pa siya" sabi ni Noah na ikinabigla ko at ni luke. Sasabat pa sana si luke pero nag sarado na ng pinto si Noah.

"S-sige na luke. Salamat" sabi ko at kinuha yung paper bag ko at tumalikod na agad.

Nararamdaman ko yung luha ko pero pinilit kong wag bumagsak ang luha ko. Naisipan kong lakarin mula sa school hanggang village wala naman mag aalala and mag wo worry kung gabihin ako kasi ako lang mag isa sa bahay. Alam kong malayo uwian ko pero ewan ko ba ayoko munang umuwi kasi baka umiyak lang ako ng umiyak.

Napatingin ako sa relo ko sa kamay 8:43 pm na pala pero nag patuloy lang ako mag lakad madami pa naman ang tao sa kalasada kasi kasagsagan palang din ng uwian ng ibang tao. Siguro mga 10 pa ako makakauwi sa sobrang bagal ko mag lakad.

Napaisip ako bigla. Saan kaya ako nag kulang ano? Ano kayang meron kay Pia nang wala ako nakakainggit kasi matagal ko nang gusto si Noah pero hindi pa pala sapat yun para magustuhan niya ako at piliin ako. Pero ang tanong nasa choices ba talaga ako

Pangarap kong makasayaw siya sa Prom namin. Pero mukang malabo talaga. Hanggang ngayon malabo pa din yun kaya napapailing nalang ako.  Ang sakit umasa na akala ko ikaw yung gusto ng taong gusto mo nun pala kahit kailan hindi ka niya tinignan ng kung paano mo siya tignan. Umasa ako sa galaw niya kasi akala ko gusto niya ako pero mali pala.

Sinubukan ko naman umiwas pero siya tong lumalapit. Ayoko ng mga tanong sa isip ko na hindi naman nasasagot. I hate it when someone say's they dont need me and kailangan nila akong layuan pero in fact they are the one who's still coming back for you tas ikaw tong tanga na aasa na naman. 

Nasa gate na ako ng village namin and tinignan ko yung relo ko its already 10:46 pm grabe kahit papano nakapag spend ako ng oras makapag isip at makahinga  sa nararamdaman ko. Dumiretso na agad ako sa street ko and nanlaki ang mata ko ng may nakatayo na lalaki sa tapat ng gate ko

Hindi ko maaninag kaya sinubukan kong lumapit, hindi naman ako natatakot kasi bilang at monitored kung sino ang pumapasok sa loob ng village namin. Pag kalapit ko ay sinubukan kong aninagin kasi madilim at wala pa akong nabubuksan na ilaw sa bahay ko at tanging street dim light lang ang andito

"Excuse me?" tanong ko pero nagulat nalang ako ng bigla tong lumapit sakin at niyakap ako

BIgla akong natauhan sa amoy niya. I know this scent kaya nanghina ako pero hindi ko pinahalata

"Tsk stupid girl! Where the hell did you go?" 


Dance with you (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon