NAGULAT ako nang makita si Clio na nakasilip sa pinto ng aking kuwarto. Ngumiti siya nang mapatingin ako sa kaniya. "Pwedeng pumasok?"
Tumango ako habang binihisan ko si Zorina.
Umupo siya sa kama at inilahad ang isang mataas na telang asul. "Can you help me put this? It's my first time wearing this one kaya I don't know how. I can hold your baby for you." Dahan-dahang kinuha niya si Zorina at nilalaro ang maliliit na kamay nito. Natutuwa rin naman ang aking anak at pilit na higpitin ang pagkakahawak sa mga daliri ni Clio.
"Simple lang ang gagawin nating style lalo na't maiksi ang buhok mo," sabi ko habang gamit ang mga daliring sinuklay ko ang kaniyang napakaitim na buhok.
She tickled Zorina as she spoke, "Gusto kong pahabain ang buhok ko katulad sa ibang Disney princess pero 'di pumayag sina Mama at Papa." Naging mababa ang boses niya at marahang hinaplos ang pisngi ng bata. "Sometimes I miss them you know kahit na I felt that they did not love me at all."
Marahang inilagay ko ang makinis na tela sa ulo niya habang tinitiris-tiris ng ilang libong beses ang aking puso sa mga sinabi niya. She missed her parents even if they did not love her. I missed my family even if I knew that they would never accept me again. Kasalanan ko rin naman kasi kung ba't napunta ako sa ganitong sitwasyon.
"Virtue, what's your first impression of me?" biglang tanong niya habang nakatingin kay Zorina.
Konting tali na lang ang ginawa ko sa tela. "Snow White."
Tumawa siya. "Description din 'yan ni Tygo sa'kin. Sometimes, he would humor me by buying Snow White costume."
I smiled. "He must really love you so much."
Tumingin siya sa akin at malungkot ang pangingislap ng kaniyang mga mata. "Yes he does. The thing is, I don't know how to reciprocate it back."
Napaatras ako ng konti pero hindi na umimik. What did I know about the complexity of the word? Isang latang prutas na nahulog mula sa puno ng pag-ibig ang nangyari sa'kin. Kaya hindi ko alam kung ano ang sasasbihin sa babaeng kaharap. Kinuha ko si Zorina at inayos ang belo sa ulo niya.
"Ang ganda talaga ang anak mo." She tickled the baby's chin. She frowned. "Kamukha talaga niya si Father. Sure kang hindi niya anak si Zorina?"
Mapakla akong tumawa. "Sure."
"So hindi kayo nag sex ni Father? Sabi kasi sa'kin ni Tygo non na recipe ang sex sa pagawa ng baby." Her black eyes were so innocent when they landed on me. "Paano nagawa si Zorina?"
Kung pwede pa lang matunaw sa mga sandaling 'yon ay gagawin ko. Na mention ni Sir sa'kin na isip-bata si Clio simula nung nagka-amnesia ang babae. Hayaan ko na lang daw ang mga salitang hindi sinasadyang binibitawan nito. Pero hindi ko pa rin maiwasang mahiya sa mga prangkang pahayag niya. Conservative kaming mga Vornians at kahit may mga pagkakataong liberated ang feeling ko, wala pa rin pala ako sa kalingkingan ng ibang mga taga-labas pagdating sa usaping sex. Lalo na at tungkol ito sa aking amo.
Mabuti na lang at may kumatok kaya nasalba ako sa pagsagot. Napalingon ako at nakita si Amandang pumasok dala ang isang berdeng tela.
"I'm earlier than you." Tumawa si Clio. "Do you like my style?" Umikot ang babae at bumuka ang ternong asul na whole dress nito.
Nagbigay ng thumbs-up si Amanda. Lumingon siya sa'kin at inilihad ang nakasulat sa dala nitong writing board: 'Can you please help me with this one?'
"I will hold Zorina again for you, Virtue." Kinuha ni Clio ang aking anak at umupo sila sa kama habang pinanood kaming dalawa ni Amanda.
"Parang galit na apoy ang kulay ng buhok mo," manghang sabi ko habang hinaplos ko ang haba ng kaniyang buhok. "Wala pa akong nakita sa Ornuv na ganitong uri ng buhok."
BINABASA MO ANG
Kismet Three: Accept My Love
RomanceDahil sa maling desisyon at sa mga hindi inaasahang pangyayari, napadpad ako sa isang napakalaki at nakakatakot na bahay. Prinsesa akong ituring ng aking pamilya noon pero hindi ko akalaing magiging muchacha ako ni Anthony Turgen, isang binatang til...