Chapter 7

11 1 0
                                    

"VIRTUE!" Biglang tumalikod at umupo sa sahig si Sir Anthony habang nakayuko at tinakpan ng mga kamay nito ang ulo.

"Sorry, Sir." Namumula ang pisngi kong tumayo. "Maliit na aberya lang po."

Gusto kong sapakin ang sarili dahil nahihiya akong sabihin ang salitang maliit.

"Pinagnanasahan mo ba ako?" prangkang tanong niya.

Napaigik ako. "Sir naman. Alam niyo namang nakatuon ang atensyon ko sa maliit kong anak." Shit! Andiyan na naman ang salitang maliit.

"Anong nakita mo?" maanghang na tanong niya.

Lumakbay ang aking mga mata sa likod ni Sir Anthony. Light brown pala ang kulay ng buhok niya. Buhok na laging nakatago sa sombrero o sa maskara. Aksidenteng naramdaman ko ang likod niya noon at 'di ko inakalang matigas ang mga muscles niya don. At ngayon, kitang-kita ko ang magandang hubog ng likod niya. Maganda pala ang korte ng katawan ni Sir kahit nakayuko siya.

"Maliit lang ho ang nakita ko, Sir," biglang naisagot ko.

He gasped and straightened his back, making the muscles moved smoothly. "Anong maliit?"

Para akong nakalunok ng sili at tila maanghang ang aking lalamunan at dumaloy ito sa aking buong katawan. Maliit talaga ang titi ni Sir at shocked ako kasi 'di ko na-imagine na ganoon ka lii tang ari niya kung ikukumpara sa mala-higante niyang pangangatawan.

"Virtue?" His voice seemed desperate.

Tumikhim ako. "M-may maliit po pala kayong nunal sa bandang hita."

"Ano pa?"

"Wa-wala na po," pagsisinungaling ko. Naka-krus ang dalawang daliri kong ipinagpatuloy ang sagot, "Kahit single mother ako, isa pa rin po akong Vornian. Pinangangalagaan ko pa rin ang dignidad ko at ng iba. Hindi ko rin ugaling mamboso, Sir." Lalo na't wala namang makikita sa liit, pero 'di ko na idinagdag.

"Well – " Bumalik ang pagiging suplado ng boses niya. "Mabuti at 'di mo nakalimutang Vornian ka. Damit ko?" Inilahad niya ang isang kamay.

"Heto po." Dahan-dahan kong inilagay sa kaniyang palad, tako na baka humarap siya at nakita niya akong nakatingin pa rin sa kaniyang magandang likod.

"Pwede ka ng umalis," taboy niya.

Hindi na ako umimik nang lumabas at dumiretso sa sariling silid. Hawak ko ang mga umiinit na pisnging humiga sa kama habang inalala ang maliit na ari ni Sir Anthony.

"May ganon palang hitsura," napabulong ako sa hangin.

Sa tanang buhay ko, dalawang ari lang ng lalaki ang nakita ko sa personal. Kay Andre, na hindi ko lang nakita kundi natikman at nag-acrobatics pa ako don at kay Sir Anthony, na halos wala akong makita. Turgen penises!

Konserbatibo ang tribong Vornian kaya regulated ang pinapalabas sa rehiyon sa iba't-ibang media lalo na sa mga usaping sekswal. Kaya hindi ako nagtataka masyado sa ibinalita ni Sitara na maraming Vornians ang customer sa mga night clubs. Hindi rin kami tinuruang mga babae ukol sa aspetong ito. Kay sa tingin ko, marami ang inosente sa larangang sexual desires at kahit na anong related sa sex.

Kaya shocked ako nang makita ang ari ni Sir Anthony. I mean, akala ko iisa lang ang hitsura, haba at laki ng mga ito. At ibinase ko ang lahat sa ari ni Andre, ang aking ex.

"How come na maliit ang penis niya pero malaki siyang tao?" I yawned before I closed my eyes to sleep.

Pero nagkamali ako kasi pati sa panaginip ko, hinahabol ako ng dalawang uri ng ari: isang malaki at isang malit. Sigaw ako ng sigaw hanggang sa mapunta ako sa isang talampas. Natakot ako nang palapit ng palapit ang dalawang ari na tila galit. Umatras ako hanggang sa nahulog ako. Sumigaw ang maliit na titi, "Kumapit ka sa 'kin!"

Kismet Three: Accept My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon