HALOS hindi ako makahinga sa bawat pagtapak ko sa baiting ng aming hadgan. Madilim ang buong bahay at tanging konting aninag mula sa ilaw sa labas ang silbing tanglaw ko. 'Malapit na ako, Andre,' sigaw ng aking isipan ng makita ang main door.
Mabigat na hiningang kinapa ko ang lock ng pinto at dahan-dahang pinihit ang doorknob.
"Saan ka pupunta, Isobel?"
Isang tanong ang nakapagpabitaw sa hawak kong maleta. Pumikit ako at pinilit na sinabi sa sa sarili na guni-guni ko lang at hindi totoong boses ni Papa ang narinig ko. Sa makalawa pa ang balik nila kaya imposibleng andito sila ngayon. Yumuko ako at kinuha ang maleta at humakbang palabas ng bahay.
"Tinatanong kita, Isobel." Biglang lumiwanag ang buong kabahayan.
Napalingon ako at parang ipinako ako sa aking kinatatayuan. Muntikang lumabas ng aking puso nang makita si Papa, Mama at ang aking nakababatang kapatid.
"Ba't may dala kang maleta, Isobel?" Makikita sa mukha ng aking ina ang pagkabahala.
Walang boses na napatingin ako kay Patricia na mariing kumapit sa braso ng aking ina.
"Sorry, Ate." Garalgal ang kaniyang boses. "I am thinking what's best for you."
Napaatras ako sa ka-trayduran ng aking kapatid. Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng mga plano ko at kung bakit kailangan kong umalis. Pero hindi ko akalaing ganito ang isusukli niya sa pagtitiwala ko sa kaniya. Kaya hindi ko maiwasang mapasagot ng, "You bitch!"
Napasinghap si Mama at ang namumula sa galit si Papa. "Ang lalaking 'yan ba ang nagturo sa'yo ng pagmumura, Isobel?" Kitang-kita ang ugat sa noo niya. "Tatakas ka at sasama sa kaniya?"
"You don't understand me, Papa!" my voice shook.
"Ikaw ang hindi makaintindi." Wala masyadong ekspresyon sa mukha ni Papa pero matigas na ang boses niya. "Ikakasal ka na kay Tolek. Ano na lang ang sasabihin ng iba?"
Uminit ang dugo ko nang marinig ang kaniyang mga binitawang salita. "Ayokong magpakasal sa hindi ko kilala at hindi ko mahal!"
"Handa na ang lahat," sagot ni Mama. "How can you do this to us? Hindi maikakasal si Patricia kay Fabio kung hindi ka unang magpapakasal."
I clenched my fist as I mustered some courage to blurt out the news. "I am marrying Andre."
"What?", "Ano?", "Ate!" mga katagang sabay-sabay nilang binigkas sa balita ko.
"Pero he's not a Vornian, Ate!" Patricia gasped.
Vornian...
Ito lang naman talaga ang tanging rason kung bakit hindi sila pumapayag sa pagmamahal ko kay Andre. Bawal makipag-isang dibdib sa isang taga-labas kahit na mabait, matalino, mayaman at responsible ang isang tao kung hindi siya Vornian.
Gusto kong sumigaw at isabog ang dugo ko sa lupa. Gusto kong magwala sa harapan nila kasi bakit hindi nila naiintindihan na patas lahat ng tao.
Kumilos ang aking mga kamay at kinuha ko ang telang bumalot sa aking ulo. Dali-dali kong kinuha ang isang pocket knife mula sa aking bulsa at hindi nag-atubiling pinutol ang konting hibla ng aking napakahabang buhok.
Isang krimen ang ginawa ko sa harapan mismo ng aking pamilya.
"Isobel!" Nanginginig si Mama at halos matumba siya. Mabuti at nasalo siya ni Patricia na umiiyak na rin pagkakita sa ginawa ko. Pero itinulak ng aking ina si Patricia at napaluhod siya ka Papa. "Eliziya, pagsabihan mo ang anak mo, please!"
"Dahil sa lalaki..." Umiling si Papa habang nakatingin sa tila lasong hibla ng buhok na napadpad sa kaniyang paanan.
May kirot sa puso ko nang makita ang hitsura ng aking pamilya. Pero mas nanaig ang pagmamahal ko sa lalaking naghihintay sa'kin.
"Ipagpapalit mo kami sa isang taga-labas?"
"Oo, iba ang tribo niya pero isa pa rin siyang Namernan, Papa. Bakit ang hirap ipaintindi sa inyo na nagmamahalan kami? Siya ang gusto kong maging asawa." Yumuko ako at inayos ang pagkakahawak sa maletang dala.
"Hindi ka na makakabalik sa pamilyang 'to kapag lumabas ka sa pintuang 'yan." Sing lamig ng yelo ang boses ng aking ama.
Hindi ko mapigilang manginig at parang dinurog ang puso ko. Bakit ba kasi umabot sa ganito ang lahat? Bakit ba napakakumplikado ng batas ng tribo namin?
Pinilit kong maging kalmante. "Goodbye, Papa, Mama, Patricia." Tumalikod ako at dahan-dahang lumabas ng bahay.
Hindi ko alam kung bakit huminto ako at lumingon. Nakaluhod pa rin si Mama at sinabayan ito ni Patricia habang nagmamakaawa kay Papa.
Nakatingin si Papa sa'kin habang sumigaw, "Patay na si Pasencia Isobel Diem simula sa araw na 'to."
"Eliziya, no!" Hysterical na ang aking ina.
Nakita ako ni Patricia na nakatingin sa kanila. Umiiyak siya. "Ate, is it going to be worth it?"
"Ibubura ang kaniyang pangalan sa family tree ng mga Diem. Hindi rin siya makakatanggap ng tulong sa atin at sa kahit sa ibang mga kamag-anak. Hindi kilalanin ang kaniyang mga anak o ang sinumang galing sa dugo niya." Patuloy pa rin si Papa sa pagbibitaw ng mga salita kahit na garalgal ang boses nito. "Hindi ko siya isusumpa pero hindi rin siya makakatanggap ng pagpapala mula sa'kin."
"Eliziya!"
Tumalikod akong malabo ang mga mata at pilit lunukin ang mga luha. Hindi ko sukat akalaing aabot sa ganito ang lahat. Pero sa ginawa ko, hindi maikukublin mas mahal ko si Andre kesa aking mga magulang at kapatid.
"It's going to be worth it, Pat," bulong ko. "You'll see..."
************************************************************************************
A/N:
Haloooooo again! So andito na tayo sa story ni Anthony aka Father Anthony from the previous books. This is going to take a while kasi sinusulat ko siya sa isang notebook lels. Umaatake kasi astigmatism ko at sad to say close ang clinic ng optometrist ko dahil sa rising cases ng covid patients sa'min at hindi rin nag reply ang isang eye dokie ko - so in the mean time, iwas muna ako sa pagbababad sa computer.
Ilang buwang nakatengga ang plot na 'to ba hahaha. At plano ko talaga konti lang ang chapters nito. I just hope mabigyan ko ng justice ang kuwento ni Anthony. Oy, may nagtanong kung bakit hindi existing ang bansang Namerna, Velusca, etc. Kasi - - since bata pa ako, gusto ko talaga gumawa ng sariling bansa ,lugar at kultura hahahahahaa.
So welcome ulit. Mwah! Stay safe.
BINABASA MO ANG
Kismet Three: Accept My Love
RomanceDahil sa maling desisyon at sa mga hindi inaasahang pangyayari, napadpad ako sa isang napakalaki at nakakatakot na bahay. Prinsesa akong ituring ng aking pamilya noon pero hindi ko akalaing magiging muchacha ako ni Anthony Turgen, isang binatang til...