Chapter 2

14 2 0
                                    

"ISOBEL, napakain mo na ba ang mga baboy?"

Muntik na akong matumba sa aking kinauupuan nang marinig ang boses ni Mang Mario, ang katiwala sa farm. Kinalong ko ng mabuti si Zorina habang pinapasuso ko siya.

"Opo." Inayos ko ang mahabang belo upang matakpan ang aking dibdib. Maya't maya'y nilipat ko ng pwesto si Zorina para makainom siya sa kabilang suso. Medyo nagulat ako nang makitang nakatayo pa rin si Manong Mario at nakatitig ng mabuti sa'kin.

"May kailangan pa po ba kayo?" Medyo nanayo ang mga balahibo ko sa batok nang makita siyang nakangiting nakatitig kay Zorina.

"Wala." Kinagat niya ang pang-ibabang labi at dinilaan ito. "Basta huwag kang mag-atubiling lumapit sa'kin kung may kailangan ka, Isobel."

Tumango lang ako at tinitigan siya ng walang emosyon, hudyat na dapat na siyang umalis. Nakuha niya ang mensahe ko at lumakad papalayo.

Nandidiring nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga. Nahahalata kong iba ang kilos ni Mang Mario nitong mga nakaraang araw. At kahit na pilit kong tatagan ang sarili ay 'di pa rin maiwasan ang kakaibang takot na unti-unting bumabalot sa puso ko.

"I need to leave this place." I shivered.

Nang makitang tulog na si Zorina, tumayo ako at inilagay siya sa isang sirang crib na ibinigay ni Manang Constantina, asawa ni Manong Mario. Dahan-dahang binitbit ko 'to sa isang bakanteng kulungan ng baboy. Inayos ko ang gumigiwang na kuna at nilagyan ng kulambo para 'di siya lamukin o langawin. Gagawan ko na lang ng paraan upang 'di masyadong malangsa ang amoy ng mga baboy.

"Pasensya ka na kung ito lang muna ang maibibigay ni Mama," bulong ko sa natutulog na anak. May kirot na kinuha ko ang hose at walis upang linisin ang pugaran.

Hindi masyadong malaki ang piggery ng pinsan ni Ma'am Aleena kung ikukumpara sa pag-aari ng mga Diem. Aside sa piggery, may konting taniman ng mais at ibang root crops din sa may 'di kalayuan. Si Mang Mario, Manang Constantina at dalawang batang mga anak ang nagtulungan sa pamamalakad dito. Kaya naman naging masaya si Manang nung dumating ako dahil gusto talaga nitong matutukan ang pagluluto at pagtinda ng mga kakanin sa gilid ng daan.

Tulog pa rin si Zorina nang matapos kong linisin ang lahat ng kulungan at paliguan ang mga alaga. Mabuti at 'di nagising ang bata sa ingay ng mga baboy. Medyo humapdi ang dibdib ko kasi alam kong 'di dapat sa ganitong lugar natutulog ang anak ko pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko naiintindihan ako ni Zorina.

"Gagawa ng paraan si Mama, anak," mahina kong sabi habang kinarga ang kunan pabalik sa maliit na barong-barong, ilang hakbang lang sa mga pugaran.

Hindi pumayag si Manang Constantina na makitira ako sa kanila lalo na't maliit din naman ang kanilang bahay. Naiintindihan ko naman lalo na't isa akong estranghero at sa iisang kwarto lang sila natutulog lahat. Kaya ginawan ako ng isang maliit na barong-barong ni Mang Mario na gawa sa plywood, tira-tirang kahoy at tela. Mabuti na lang at may banyo sa may di kalayuan kaya don ako naliligo.

"Magdadapit-hapon na pala." Simula nang mapadpad ako rito, natutunan kong kausapin ang sarili ko. My life was filled with color and loudness back then but now... "No time for looking back, Isobel," bulong ko.

Binuksan ko ang natakpan na platong nakalagay sa sahig at inamoy ang dalawang lutong mais at isang tinapay. "Kasya pa 'to sa hapunan."

Nakabili ako ng kerosene cooker at ibang gamit pangluto nung may dumaan na mangangalakal dito. At least 'di ako nahihirapang magluto ng pagkain. Lumaki akong may cook kaya 'di ko masyadong pinapansin kung paano gumawa ng iba't-ibang putahi. Natuto lang akong magluto sa pamamagitan ng pag-internet nung sumama ako kay Andre.

Kismet Three: Accept My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon