"WALA naman sigurong nagbago sa'ming dalawa ni Sir Anthony, 'diba Bones?" tanong ko sa aso habang nilinisan ko ang 'sementeryo' sa likod ng bahay.
Umungol lang ang aso at tumalon-talong sa damong nilikom ko sa isang gilid.
"I mean, ba't magbabago ang samahan naming dalawa?" tanong ko ulit. "Dahil ba nakita niya boobs ko?"Biglang uminit ang pisngi ko nang maalala ang nangyari limang araw na ang nakalipas. Ilang ulit na bang pinakapalan ko ang pagmumukha ko upang maisalba ni Sir? Mabuti na lang talaga at mabait na tao ang aking amo kahit na out of this world pa rin ang pakikitungo niya sa'kin.
Umupo ako sa damuhan at hinaplos ang ulo ni Bones. "You really look good these days." Inilagay nito ang mukha sa aking hita at tiningnan ako. "Spoiled ka na rin katulad ni Zorina."
Napangiti ako nang maalalang nagpuputak ang aking amo ng ilang araw kesyo allergy siya kay Bones o baka may rabis ito o baka hindi healthy para sa kalusugan ni Zorina. Pero nagpapunta pa si Sir ng vet galing Paradise City upang tingnan ang aso.
Anthony Turgen. Siguro abstract art ang konsepto ng Diyos nang gawin siya nito.
Tumunog ang aking phone at alam ko kung sinong tumawag kahit 'di ko basahin ang pangalan sa screen. "Sir?"
"Virtue!" Parang naipit sa pinto ang boses niya. "Tapos ka na ba riyan? If yes, pumasok ka na sa bahay. If no, pumasok ka pa rin sa bahay. En seguida!"
Tumayo ako at pinagpag ang mga damong kumapit sa'king saya. Tumalon-talon si Bones at akala niya maglalaro kami. "Well, Bones, pinatawag na ako ni Sir. Ikaw muna tumapos ng paglilinis dito," biro ko.
Pumasok ako sa bahay at napamura nang makita si Sir Anthony na nakabihis Pennywise at karga nito si Zorina na nakadamit strawberry.
"Virtue! Ba't ka nagmumura sa harapan ng bata?" Pinandilatan ako ni Sir. Humarap siya sa aking anak na pinisil-pisil ang kaniyang pulang ilong. "Wala kang narinig, 'diba Zorina?"
"Hindi naman po ako nagmura, Sir."
Tumaas ang kilay ni Sir. "Anong narinig ako, aber?"
Kinuha ko si Zorina mula sa kaniya. "Packing sheet or packing tape lang po 'yon."
He sniffed. "Amoy pawis ka na, Virtue. Maligo ka muna bago mo kargahin si Zorina." Kinarga niya ulit ang aking anak.
"Eh, ba't niyo po ako pinatawag?"
"Sunday ngayon, Virtue."
"And?" Tumaas ang kilay ko.
"Hindi ka pupunta ng Templo?"
Hindi na ako nagsimba simula noong umalis ako sa'min. I just did not like to be inside. Nahihiya ako.
"Dito lang po ako magsisimba, Sir."
Tumitig lang si Sir sa akin. Medyo kinabahan ako kasi halos dalawang minuto kaming nagtitigan hanggang sa pisilin ni Zorina ang ilong niya.
"Linis muna ako, Sir." Patakbo kong tinungo ang aking kwarto. Nilagay ko ang aking palad sa dibdib at pinigil ko ang aking hininga. Baka kasi tumigil din ang tambol na pintig ng aking puso.
May something talaga sa mga mata ni Sir Anthony nitong mga nagdaang araw. Feeling ko may something din sa mga tingin ko sa kaniya.
Napaungol ako nang tumama ang malamig na tubig sa aking ulo. Sana makuha ng shower ang kung anumang 'di kanais-nais na nakikita ko sa aking amo.
"Isa akong Vornian," bulong ko. "Dapat hindi ako marupok." Inulit ko ng maraming beses ang mga katagang 'yon hanggang sa naniwala ako.
Isinunot ko muna ang isang puting chemise at hinayaang nakalugay ang aking buhok. Tumingin ako sa salamin at napakunot-noo sa nakita. Hindi na pantay ang aking kutis at nakikita kong may konting wrinkles na sa bandang mata. Dry na rin ang aking balat at hindi glowing tingnan.
BINABASA MO ANG
Kismet Three: Accept My Love
RomanceDahil sa maling desisyon at sa mga hindi inaasahang pangyayari, napadpad ako sa isang napakalaki at nakakatakot na bahay. Prinsesa akong ituring ng aking pamilya noon pero hindi ko akalaing magiging muchacha ako ni Anthony Turgen, isang binatang til...