NAGISING ako sa iyak ni Zorina. Hindi ko alam kung paano ako nakaupo at nakasandal sa isang kahoy. Humihikab akong inayos ang belong ginawa kong baby carrier habang tumakas ako kagabi.
"Gutom ka na, Nak?" Itinaas ko ang blouse at awtomatikong hinanap niya ang aking nipple. "Hindi ka natakot kagabi? Ganiyang nga. Hindi mo dapat ipinapakitang natatakot ka."
Lumingon ako sa paligid at namataang maraming mga kahoy sa paligid. Hindi ko alam kung nasa loob ba ako ng gubat o sa farm ng iba o kung saang parte ng rehiyong Oknuv ako.
"In short, nawawala tayo." Hinaplos ko ang ulo ni Zorina bago iniba ang posisyon niya.
Tumingala ako at ini-estima ang oras. Tila nasa alas siete na ng umaga kaya kumakalam na rin ang sikmura ko. Iniisip kong saan kaya ako pwedeng makakakuha ng pagkain nang may narinig akong tahol ng mga aso. Bumukas ang aking pandama at nanayo ang balahibo ko sa batok lalo na nung paparating ang ingay sa aming lokasyon. Hinwakan ko si Zorina ng napakahigpit. Mabuti na lang talaga at 'di ko nawala ang itak na dala-dala ko.
Biglang nakita ko ang limang asong pinag-aawayan ang isang patay na manok. Tiningnan ko ang mga hitsura nito pero 'di ko malaman kung wild dogs ba ang mga 'to o hindi. Pero hindi ako nagpakampante at mas lalong idiniin ko ang sarili sa puno nung tila nabagot ang isang aso at lumingon sa'kin.
"Shoo!" Iwinagayway ko ang itak nung dahan-dahan siyang lumapit sa'kin. "Alis!"
Tumahimik bigla ang tatlo pang aso at napatingin na rin sa kinaroroonan ko. Naramamdaman knog tumulo ang pawis ko sa likod at nanuyo ang aking lalamunan.
Ba't ang lalaki ng mga asong 'to?
"W-w-we co-come h-here in p-peace." Pinilit kong 'di magpakita ng takot ngunit 'di mapigilan ag panginginig ng aking boses. Wala na rin akong pakialam kung tila pang-alien movies ang linyahan ng pananalita ko. "Kaya umuwi na kayo sa inyo."
Lumapit ang isang halos buto't balat na kulay-abong aso. Dahan-dahan akong tumayo at siniguradong secured si Zorina. Nasa lalamunan ko ang hangin nang lumapit siya at inamoy ang binti ko. "S-s-shoo," ang tangi kong nasambit. Halos lumuwa ang kaluluwa ko nang marinig ang angil ng mga kasamahan nito. At walang pasabing hinablot ng payat na aso ang aking shoulder bag na nakalagay sa lupa at itinakbo papalayo. Tumahol ang tatlo at umungol ang kasamahang kagat-kagat pa rin ang manok. Tila naaaliw sila sa ginawa ng magnanakaw ng bag at hinabol ng mga ito ang kulay-abong aso.
Hindi ko kayang sumigaw o habulin ang mga ito kaya namilog nalang ang aking mga mata. Nasa loob ng shoulder bag ang mga importanteng papelse, IDs at konting perang naipon ko. At ngayon? Walang-wala na talagang natira sa'min ni Zorina sa puntong 'to.
"Alis na tayo dito, Nak," bulong ko sa kaniya, "at baka babalik pa mga 'yon." Sa sitwasyong 'to, mas uunahin ko ang kapakanan naming dalawa ni Zorina kesa mga gamit na nawala.
Medyo lutiag akong naglalakad sa kakahuyan habang iniisip kung saan kami pupunta. Napaaray ako nang may tumusok sa aking talampakan. Yumuko ako at napansing walang tsinelas ang aking isang paa.
Tumingala ako sa langit. "Bakit? Hindi ko alam kng saan ako pupunta. Wala kaming masilungan at gutom na ako. Ganiyan ka ba kagalit sa'kin,ha? Ha, Lord?"
Napa-igik ako nang may mahulog sa gilid ko. Lumingon ako at nakitang nabali ang isang sanga ng mga prutas. Siguro nabali 'to kagabi sa lakas ng ulan at ngayon lang nahulog. Hindi ako nag-atubiling kunin ang mga prutas at dahan-dahang pinapak habang pinagpatuloy ko ang aking paika-ikang lakad.
Nakarinig ako ng ingay sa 'di kalayuan. Medyo na excite ako nang matagpuan ang sarili sa gilid ng daan. Baka malapit na ako sa isang nayon. Nakita ko ang isang grupo ng mga binatilyo na maayos ang pananamit. Lumapit ako ng konti. "Excuse me, pwedeng magtanong?"
BINABASA MO ANG
Kismet Three: Accept My Love
RomanceDahil sa maling desisyon at sa mga hindi inaasahang pangyayari, napadpad ako sa isang napakalaki at nakakatakot na bahay. Prinsesa akong ituring ng aking pamilya noon pero hindi ko akalaing magiging muchacha ako ni Anthony Turgen, isang binatang til...