Gusto mo ba?

20 0 0
                                    

Gusto mo bang maging bayani?

Nagsimula sa matang nakapansin ng pang-aabuso mula sa mga dayuhan,
Sinundan ng mga pusong sumisigaw para lumaban.
May mga kamay na bolo ang ginamit at hinawakan
At mayroon ding sa tinta at panulat nakipagtalastasan.

Tumindig upang ipaglaban ang sariling wika,
Sapagkat mga Pilipino'y mas bihasa sa paggamit wikang banyaga.
Sa mga panahon ng pananakop ng mga Hapon, Amerikano at Kastila,
Sila ang naglakas loob upang maiwagayway natin ang sarili nating bandila.

Kamatayan, sa isip kanilang iwinaksi.
Alab ng puso sa kanilang dibdib ay kanilang pinatindi.
Para sa kalayaan ng lupang maluwalhati.
Lupang para sa mga Pilipino, ngunit may pilit na nakikihati.

Noon, dakila ang oposisyon laban sa banyagang pamahalaan.
Noon, dakila ang mga Pilipinong nagnanais ng kalayaan.
Noon, dakila ang mga nagnanais ng pagbabago at kasarinlan.
Ngunit wala nang pinakadakila sa lahat kundi ang magbuwis ng buhay para sa pamamahal sa ating bayang sinilangan.

Para sa mga bayani ng nakalipas na panahon,
Ipinaglaban niyo'y tinatamasa namin hangang ngayon.

Ngayon, silang mga OFW, tsuper, inhinyero, bumbero at maging mga guro.
Naninilbihan sa bayan at kapwa ng may buo at dalisay puso.
Mga nag-iimpok ng mabuting gawain para sa kinabukasang maaliwalas.
Na dapat tularan o marapat na higitan natin para sa mas maunlad na Pilipinas.

Hindi batayan ng pagiging bayani ang lakas.
Hindi rin lamang naidadaan sa dahas at pagiging marahas.
Hindi rin lamang sa pagiging intelektuwal, maalam o matalino.
Tunay na mga bayani silang mga may paninindigan at tinataglay ang pusong Pilipino.

Gusto mo ba maging bayani?
Halina't gisingin ang diwa ng kabayanihan sa puso mo.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon