ASUL NA BAGAY SA ROOM 501

62 4 0
                                    

Ako nga pala si Katrina Silvestre, isang manunulat na sa isang kilalang network dito sa Pilipinas.

Binigyan ako ng isang linggong palugit para gumawa ng isang storyline na pwedeng ipalabas sa network tuwing hapon.

So obviously, nakakapressure talaga dahil one week lang ang ibinigay sa akin para tapusin ang project.

Nagdadalawang isip man, I grabbed that opportunity. Minsan lang dumating yung chance na yun kaya why would I let it pass?

Masyadong maraming tao sa bahay plus may mga bata.

Hindi siya healthy place para magworkout ng isang big project katulad nito, so I decided na magpaalam kina mama na isang linggo akong mawawala para tapusin yung project na ibinigay sa akin ni boss.

And fortunately, pinayagan naman nila ako.

Hindi naman kami mayaman. Wala kaming extrang bahay or rest house, rest house na ganyan.

So I come up with renting a condo for a week since isang linggo lang naman ako magsusulat.

Since ayoko nga sa masyadong ma-tao na lugar, I chose that condominium na hindi masyadong kilala. Yung mura lang pero good yung ambiance.

Dinala ako ng paghahanap ko somewhere sa Makati.

Okay naman yung rooms nila at okay lang din yung reviews from customers nila.

And I guess I had enough. Doon na ako magchecheck-in.

Tuesday, APRIL 17 2018

The first day I arrived.

Literal na dala ko yung luggages ko dahil ayoko naman magmaleta. Ang OA lang hahaha.

Mukhang luma pero maayos padin naman ang mga facilities nila.

Bet ko din 'yung pahaunted house motif ng reception desk nila.

Kaya siguro happy 'yung mga customers nila during their stay here.

Lumapit ako noon sa reception desk at nakipag-usap sa nakaduty doon.

Isang lalaki na siguro sa tantya ko ay nasa 25-30 years old. Ang gwapo niya kaso may peklat siya banda sa sintido niya.

Pero pogi talaga.

"Ahh good afternoon sir, may vacant room po ba kayo? Sa fifth floor sana para hindi ko masyadong marinig yung mga busina ng sasakyan sa labas."

He smiled.

"Okay po. May vacant room naman po sa fifth floor. Room 502 po."

"Maganda ba yung view doon?"

Tanong ko pa. Syempre need ko ng inspiration para maging maganda yung story ko.

"Yes maam, actually yung spot na 'yun 'yung pinakaperfect spot sa fifth floor."

Sagot naman niya.

"Totoo ba yan? Nako babangasan kita beh." biro ko pa

He went a little bit awkward kaya sinabi ko naman na...

"Biro lang!!!"

The he finally smiled a little.

"Maganda po yung room na yun. Ang kaso lang po, sira yung telephone ngayon. Kayo po kung ayaw niyo po sa room pwede naman po sa third floor."

I smiled back and tell him,

"Okay lang kahit sira. Marami naman akong dalang foods and clothes kaya sa tingin ko, wala naman akong kakailanganing iba. Isa pa, one week lang naman ako dito." I explained.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon