SAYAW

120 5 0
                                    

Ako si Ricardo Disipulo Protacio.
Isang mananayaw sa isang 'di kilalang teatro.
Halos apatnapung taon na sa larangang ito.
Kung saan masaya at lubos na ikinagagalak ng puso ko.

Sa bayang ito, sa lugar na aking tinubuan.
Lagi akong naitatampok at nangunguna sa mga sayawan.
Kung kaya't laman ako ng iba't-ibang larawan,
Sa pahina ng pangunahing balita ng iba't-ibang pahayagan.

Tuwing alas kwatro ng hapon ako'y nakikipagsayaw.
Sa aking iniirog na walang iba kung hindi ikaw.
Imelda irog ko sa pag-ibig mo ako'y uhaw.
Kasing dalisay ng langit tuwing panahon ng tag-araw.

Nang tumugtog na ating pyesa,
Balahibo ko'y unti-unting tumatayo na.
Ninanamnam ang bawat ritmo.
Galaw ay isinasabay sa tono.

Ngunit hindi ko lubos na maintindahan.
Kung bakit tuwing tayo'y magsasayaw, sila'y naghahalakhakan.
Ako ba'y katawa-tawa?
Kung ang nais ko lamang ay makasayaw ka?

Wala na akong paki-alam sa lahat ng mga tao sa paligid.
Kung ang mga utak nila ay walang kasing kikitid.
Kanilang mga puso ay walang kasing manhid.
Pag-ibig ko sa'yong walang maliw ay hindi nila batid.

Ang tanging mahalaga sa akin ay ang iyong ngiti.
Na ngayon ay iginuguhit mo sa iyong labi.
Hudyat na ako'y lilisanin mong muli.
Na luha sa aking mata ang magiging sukli.

Pero baka nga ako'y baliw na.
Na nagnanais na muling makasayaw ka.
Kahit na malinaw sa akin ang katotohanan na,
Ikaw ay matagal nang patay na.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon