Kasalukuyang nagdadalamhati si Joshua.
Dahil natagpuan niya ang kanyang ina na wala ng buhay.
Ngunit isang palaisipan ang iniwan nito bago tuluyang mamaalam.
DON'T JF
Na nakasulat noon sa kanilang sahig gamit ang dugo.
Top student si Joshua at kasalukuyang nag-aaral sa isang unibersidad na pinopondohan ng pamahalaan para gumawa ng iba't-ibang imbensyon.
Sa araw na iyon, magagamit niya na ang sariling imbensyon upang bumalik ng tatlong minuto sa nakaraan.
Iginayak ito at pinaandar.
Nagdala din siya ng isang patalim na kanyang kakailanganin.
Matagumpay siyang nakabalik sa nakaraan at laking gulat niya nang makitang nakabaon na ang kutsilyong hawak niya sa dibdib ng kanyang ina na noon din ay gulat na gulat ng bigla itong sumulpot sa harapan niya galing sa kung anong lagusan.
Dahil sa pangyayaring ito, alam niya na ang lahat ng totoo at nag-iwan ng babala sa sahig na nagsasabing...
DON'T JF. ( Joshua Fojema )