A/n: It's been a while, My Strifes. So sorry for being gone for how many days.---------
Trigger Warning ⚠️: Self-harm
After one week nang pag-s-stay ko sa apartment namin ay finally, napapayag ko na din silang payagan akong umalis. Two days after I move with them, Phoebe got me a ticket and now, we are here in the airport waiting for my flight to be called.
"Take care, okay? Wag kang papagutom.." Sumisinghot na paalala ni Tiara saakin, pang apat na beses na yan.
"Opo, Mama Tiara.." I joked, she glared at me
"I am not joking, Christelle! I will seriously going hit your head if you will not call us!.." she said while stifling her sobs.
"Opo.. tatawag po ako everyday.." Nakatawa kong sagot
Grabe naman sila kung magsi-iyak para namang hindi ko na sila makikita.
"Mag-iingat ka dun, girl. Hindi ka pwedeng malagod, okay?!.." paalala naman ni Alice
"Opo, Mama Alice."
"We are serious, girl!" Saway ni Alice saakin
"Relax.." nakatawa kong sabi kahit naiiyak na din ako, "I promise, I will take care of myself."
"Take care, Chrissy.. Wag mong papagudin ang sarili mo, okay..?" Si Phoebe naman
Puro na lang sila wag papagudin ang sarili, pwede ba namang magtrabaho nang 'di napapagod?
Natatalo na lamang akong tumango, "Opo, I won't let my self get tired, okay?.."
"Girl, mag stay ka na lang kasi here.." Umiiyak na sabi ni Beatrice
Napanguso ako, "Beatrice naman e.."
"Kasi naman eh, hindi ka namin mababantayan! Hindi namin makikita kung paano lumaki ang tummy mo!" She said as her cry became louder.
"Palagi ko naman kayo ifa-face time eh. Makikita nyo parin ang tummy ko.." Naiiyak kong sabi saka yumakap sa kanya.
"Kasi nama eh! Mag iingat ka dun, okay? Bawal ka ma-stress, you are not allowed to stay late at night, and of course.. take good care of yourself and your baby.."
"Promise.. Aalagaan kong mabuti si baby."
"Christelle.." Tawag saakin ni Kleo habang nag pupunas ng mata.
Wow... Mukhang pati si Kleo ay nasasaktan sa pag alis ko.
"Uhm..ha!.." Malakas syang nagpakawala ng hininga "Naiiyak ako, paks ht.." Madrama nyang sabi saka nag punas muli ng mata
"Ang korni mo.." naiiyak ko ding sagot
"Ano..uhm..ah.. size 12 lang na sapatos yung Jordan --- Araay!" Mabilis na naatras ang aking luha dahil kay Kleo, bwesit talaga eh.
"Alam mo nakaka g go ka talaga kausap eh!" Sigaw ni Alice matapos mabatukan si Kleo
"Anong tingin mo sa kan'ya? Magva-vacation?!" Dagdag na sigaw ni Phoebe kay Kleo na hawak ang kanyang likurang head
Binabawi ko na pala! Kung hindi ako naunahan ni Alice ay baka ako ang bumatok sa Kleo.
"B-biro lang naman eh! Parang mga g go, nag iiyakan na kasi kayo eh, alangan maki-iyak din ako?! Nagbibiro lang nasaktan pa.." Nakasimangot na sagot naman ni Kleo
"Ang pangit kasi ng joke mo! Kasing pangit mo!" Sagot naman ni Alice
"Sanaol, nagsasalitang manok--ouch!-- nakakadalawa na kayo ah!" Ungot ni Kleo matapos naman s'yang batuhin ni Alice ng bottled water
BINABASA MO ANG
Concealing the Truth Series 1: Keeping Away The Engineer's Triplets
RomanceChristelle and Leonel's story [Under revision] "Remember this day, Leonel, the day that you asked me to leave. Ang araw na ipinagtabuyan mo kami. Ipagdasal mo na kahit kailan hindi na tayo muling magkita.. dahil sa susunod na mag kita ulit tayo, ika...