(CHAPTER 1)

574 14 0
                                    

Author's note:

Ang storyang ito ay kathang isip lamang ng manunulat and sorry for some errors of my story. Enjoy reading!

"You're free to imagine that you are one of my character" -Ms. Eia

(PROLOGUE)

"Anak pagkatapos mo iligpit ang mga gamit mo magpahinga kana ahh" sabi sa akin ni Mama

"Opo Ma" ani ko naman

Bagong lipat lang kami dito at next week na din ang pasukan. New House, New School, New Friends.

Bata pa lang ako ay hindi ko na nakilala ang tunay kong Ama dahil tuwing tinatanong ko si Mama kung asan si Papa ay iniiba nito lagi ang topic namin. Kaya naman minabuti ko nalang na igalang ang desisyon ni Mama. Wala akong kapatid at solong anak lang ako kaya minsan naboboring ako kasi wala akong kapatid na pwedeng kalaro.

Bago ko simulan ang storyang ito gusto ko muna magpa kilala sa inyo. Ako nga pala si Francesca Nathalleia Collins, isang normal na studyante.

Kauuwi ko lang ng bahay at katatapos ko lang magpa enroll sa bago kong school ang Winchester University, name palang ng School kabog na kabog na.

Bukas na ang pasukan kaya kailangan ko na maghanda kaya bumili na din ako ng mga gamit at bag ko para bukas, sabi ni Mama sa akin ay puro mamayaman lang daw ang nakakapasok sa Winchester University pero may ilan din na gaya ko na Schoolar lang din. Hindi kami katulad ng iba na ubod ng yaman, kuntento na kami kung ano ang meron kami, simple lang ang pamumuhay namin ni Mama at nakaka kain ng tatlong beses sa isang araw.

(End of Prologue)

•||Eia POV||•

~School~

Pagpasok ko pa lang ng gate ng School ay puro tilian at hiyawan na agad ng mga Babae ang naririnig ko.

"Whaaaaa! ang gwapo mo talaga Bryle"

"Ang Hot mo talaga Papa Troy"

"Sakin kana lang baby Kenzo"

"Pakasalan mo na ako Papa Mark"

llan lang yan sa mga naririnig ko, ano bang meron sa school na to. Bakit yata mukhang mga nakawala sa hawla ang mga Babae dito.

Pagtingin ko sa likod ko ay may apat na kotse ang pumarada, na talagang nagagandahang sasakyan na mukhang mamahalin dahil sa taglay nitong mga kagandahan.

Bumaba ang apat na lalaki na ubod ng mga gwapo kaya naman mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga Babae. Pero tila ba walang paki alam sa paligid ang isa sa mga apat na bumaba sa kotse. Animo'y walang mababakas na expression sa mukha nito at ang lamig ng kanyang mga titig.

Lumakad na papasok ng Gate ang apat na lalaki at di ko namalayan na may naka bangga na sa akin, kaya naman dali dali akong tumayo at nakita ko sa harapan ko ang isang lalaki na malalamig ang tingin.

"Sa susunod miss tumabi ka sa dinadaanan ko" malamig na sabi nito

Siya ang lalaking bumangga sa akin..

"Bakit ikaw ba may ari ng daan na'to?" mapang hamon na sagot ko

Akala nya siguro di ko sya papatulan di ako katulad ng iba nu. Na basta-basta na lang magpapa-api dahil kahit sa dating School ko walang sumusubok na banggain ako dahil alam nilang di ko sila uurungan kahit mga lalaki pa sila.

"Patay ka Ghorl katapusan mo na"

"Halaaa! Baliw ata ang babaeng yan"

"Lagot ka ngayon girl kay Papa Bryle"

𝑻𝑯𝑬 𝑪𝑶𝑳𝑫𝑬𝑺𝑻 𝑴𝑨𝑵 𝑻𝑯𝑨𝑻 𝑰'𝑽𝑬 𝑬𝑵𝑪𝑶𝑼𝑵𝑻𝑬𝑹𝑬𝑫Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon