CHAPTER TWO
What to do?Celestine envied her friends. Kalmado lang ang mga ito habang nanunuod hindi katulad niya na kinakabahan at namumuroblema sa sulok ng sofa. She can't forget the text message.
Isang malaking pagkakamali talaga ang pumasok sa bahay ng lalaking 'yon. Ang sarap batukan ng sarili niya. Ano ba kasi ang nag-udyok sa kanya at pumasok siya roon?
Ito talaga ang nangyayari sa mga katulad niyang hindi mapigilan ang kuryusidad sa mga bagay. She hates this nature of her.
"Ayos ka lang ba? Bakit mukha kang natambakan ng utang?"
Nagising siya sa realidad nang marinig ang boses ni Vander. Tumingin siya rito. Pati rin pala si Ericka nakatingin na sa kanya. Parehas nagtataka.
Pilit siyang ngumiti. "May iniisip lang."
Nanliit ang mga mata ni Ericka. "Kung ano man 'yan. Huwag mo nang ituloy, Celes. Kilala kita," paalala nito.
Kumunot naman ang noo ni Celestine sa sinabi ng kaibigan pero hindi siya nagsalita. Marahil akala nito nacu-curious na naman siya sa isang bagay.
"Curiousity kills the cat, sabi nga nila. Mamaya isang araw ikapahamak mo 'yan," banta ni Ericka sa kanya.
"Nope."
Mali si Ericka dahil napahamak na siya. Wala nang silbi ang pagsisi niya at panunumpa na hindi na uulitin iyon. That man might be chasing her for what she've done with his balls.
Napapikit siya nang mariin. If he's really ruthless, she's doomed. Anong laban niya roon?
He have wealth and influence. Money lang meron siya. Minsan hindi pa sapat.
Ericka's phone rang and she immediately answered it. Mukhang importante dahil nagpaalam kaagad ito na aalis.
"Ano na namang gulo ang pinasok mo, Celestine?"
Bumalik ang kaba niya sa tanong ni Vander. Ganoon na ba siya kakabisado ng kaibigan para mahulaan kaagad nito ang iniisip niya. Napakamot siya sa ulo. She have to tell someone before she lost her mind kakaisip.
"I'm doomed, Van."
"Hindi halata, Celestine," sarkastikong sambit nito. "What did you do this time?"
Ngumiwi siya. "I kicked someone's balls."
Hindi niya alam kung papaano ipapaliwanag kaya 'yon na lang ang sinabi niya. 'Yun naman talaga ang rason kaya siguro siya hinahanap ng lalaking 'yun, ni Alexendris.
"Why would you do that?" hindi makapaniwalang tanong ni Van. "Did you harassed someone?"
"Ako pa talaga ang sa tingin mong nang harass, ah," naasar niyang saad. "Eh, kasi, na-curious lang naman talaga ako kaya ako pumasok sa bahay niya. Akala ko kasi...nalooban siya. Ang balak ko lang naman ay sumilip. Kaso 'yun, naabutan niya ako. Nag-away kami. He insulted me kaya..kaya ayon.Nasipa ko siya roon," saad niya.
Napapikit nang mariin si Van sa kwento niya. He massaged his temple. Mukhang na-stress niya masyado ang lalaki.
"Kelan ka ba titigil sa kakausyoso, Celestine? What if he's after you pagkatapos ng ginawa mo? Damn! Mapapahamak ka!" sermon niya.
BINABASA MO ANG
No Escape
RomanceShe thought it's just a simple rumor but she was wrong because this rumor leads her into trespassing his house, dealing with him and now she can't escape from him anymore.