CHAPTER TWENTY FIVE

11.6K 361 56
                                    

CHAPTER TWENTY FIVE

NAKAUPO siya. Pinagmamasdan si Alexendris na nagtratrabaho. Naglalaro padin sa isip niya yung sinabi ni Hera kanina. Matindi ang curiousness nya kung ano ang tinutukoy niya.

Magtatanong sana sya kaso parang nireregla na naman si Alexendris kapag nawawala sya sa paningin nito. Nasa labas kasi si Hera.

Pinalabas ni Alexendris.

"Nagugutom ako."

Tumaas ang kilay ni Alexendris. Naka-poker face pa yan. "Kakain mo lang."

Pinagkros niya ang mga braso niya. Pinantayan nya ang pokerface ng kausap.

"Gusto ko ng mangga na may toyo. May nakita akong mangga kanina sa kusina!"

"You had eaten so much earlier. Where are you going to put that food in your stomach?" nakakunot-noong tanong ni Alexendris

"Problema ko na yon. Gusto ko ng mangga."

Bumaling uli sa laptop si Alexendris. "I'll ask someone to bring you one here."

Padabog syang tumayo. Paano siya makakalabas para kausapin si Hera. Corner na corner sya.

""Bakit ipapautos mo pa? Kaya ko naman yun e. Saka ang boring dito. Ano? Panonoorin na lang kita buong magdamag magtrabaho?" reklamo niya

Hinilot ni Alexendris ang sentido pagkatapos niyang mag-rap. Umabsent sya ng isang araw tapos magtratrabaho lang.

"Alright. Okay. I'll finished this first. Pupuntahan kita sa kusina.

"Bakit pa? Magtrabaho kana lang." nakasimangot nyang lintanya

Nag-iwas ng tingin si Alexendris. Yung hindi talaga nya makikita ang mga mata pero namumula ang pisngi. Tumaas ang kilay nya.

"I wanna...spend time with you, so, wait me there."

Pabulong na sagot ng binata na rinig na rinig nya. Palihim syang natawa.

"Osigeee. Hihintayin ko ang boyfriend ko sa baba kase gusto nya mag-spend ng time saken."

Nilakasan nya talaga ang boses niya para asarin si Alexendris. Mas lalo syang namula. Kanina pisngi, ngayon buong mukha na.

"W-what did you called me?"

"Boyfriend?" kaswal niyang sagot. "Ayaw mo ba? Okay lang naman. Marami namang may gusto dyang tawagin kong boy-"

Alexendris cut her off. "Nagreklamo ba ako? I didn't!" he snapped

Tumawa sya. "Edi hindi. Bakit galit? Pupunta na akong kusina."

Alexendris hold her arm bago pa siya makatayo para umalis. Nagulat sya ng hilain sya at biglang halikan ng binata. Napaupo sya sa kandungan nito dahil masyado syang mataas.

Hindi siya halos makahinga ng bitiwan ni Alexendris ang mga labi niya. Yumakap sa kanya ang isang braso nito. Ang isa namang kamay ay humawak sa bewang nya. He buried his face in her neck.

"I love it." bulong ng binata habang dinadampian ng maliliit na halik ang leeg nya. "Tell me if you want more mangoes. I'll buy more."

Medyo natawa sya. Kakaiba pala pag good mode si Alexendris.

"Mga sampo. Dapat hilaw. Ayoko ng hinog."

Bumaba ang mga labi ng binata sa collarbone niya. He shower it with small kisses.

"Alright."

Inilayo niya ang katawan kay Alexendris para matignan nya sa mata ang nobyo. Nakahawak sya sa mga balikat nito.

"Baba na ako."

"In the second thought, can we meet in the my bed instead?"

Lumiit ang mga mata nya. Nasira ang mukha ni Alexendris nang kurutin nya ang tagiliran.

"Hinde!"

BALAK nyang kausapin si Hera kaya sya nagpaalam kay Alexendris na kakain ng mangga kaso pinatawag naman ng binata si Hera at pinaalis kaagad. Nakayuko nang umalis si Hera kaya hindi rin sya nakita. Bugnot tuloy syang naupo sa sofa, sa sala.

Tumunog ang cellphone niya. Kinuha nya iyon. Napangiwi siya ng makita ang caller. Papa niya! Nagbilang muna sya bago sinagot ang tawag.

"Pa?"

"Nasaan ka Celestine?..."

Nadagdagan ang kaba nya dahil seryoso ang boses ng Papa niya.

"Sa..." ano pala isasagot nya?

Sabi na nga ba. Mayayari talaga sya sa Papa niya e. Dapat talaga tumakas na lang sya kay Alexendris.

"Sa kaibigan ko..."

Ilang segundong hindi magsalit ang papa niya. Biglang nanlaki ang mga mata nya.

"Kaibigan mo lang ba talaga si Alexendris?"

Papaano nalaman ng Papa niya na nandito siya sa bahay ni Alexendris? Nawala ang pagtataka nya nang maalala na ipinagpaalam nga pala siya ni Alexendris pero bakit parang kakaiba ata aura ng papa niya ngayon?

"Umuwi ka sa bahay ngayon. May mahalaga tayong pag-uusapang dalawa."

"Ho?!" gulat nyang tanong. "Ano yun?"

Hindi sinagot ng Papa niya ang tanong. "Aasahan kita."

Napapikit sya ng mariin matapos mamatay ang linya. Ano na naman kaya ang ginawa nya at parang wala sa mood ang papa niya. Tumayo siya at tinungo ang kwarto ng binata para kunin ang bag nya. Kapag ganon ang papa niya. Kailangan nya talagang sumunod. Napakaimportante siguro ng pag-uusapan nila.

Dahan-dahan nyang binuksan ang pinto ng office ni Alexendris. Nakaupo parin pero may kausap na sa telepono ang binata. Masama ang mukha.

"Pst!

Alexendris immediately looked at her. Nawalan ng emosyon ang mga mata nito nang dumako sa hawak niyang bag. He ended the call.

"Why do you have your bag with you?" seryosong tanong ng binata

Tuluyan syang pumasok saka isinarado ang pinto. "Pinapauwi ako ni papa. May pag-uusapan daw kaming importante e."

Napansin nya ang emosyon na dumaan sa mga mata ni Alexendris. Gusto nyang magtanong pero tumunog na ang cellphone niya ng paulit-ulit. Ang papa niya lang naman ang tatawag sa kanya.

"Kailangan ko ng umalis-"

Tumalikod siya saka pinihit ang doorknob pero humawak sa braso niya ang binata. Natigilan siya.

"Don't go...please..."

Nilingon niya ang binata. Ilang segundo niyang tinitigan si Alexendris. Sinapo niya ang mukha nito. Magaan syang ngumiti saka tinapik ang balikat nito.

"Para namang di na ako babalik. Ang OA mo ah. Saglit lang naman siguro ako kila papa." ngumisi siya. "Kung gusto mo sunduin mo pa ako e."

May mali. Naramdaman nya yun kaagad dahil sa mabigat na aura ni Alexendris. Di naman talaga tumatawa to pero hindi ganito kabigat ang emosyon sa mga mata nito.

"Babalik ako."

Lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ni Alexendris. Bumaba ang mga mata nito sa sahig.

"I'm afraid you won't."

Nameywang sya. "Ano bang problema? Bakit parang takot na takot ka? Kung kelan girlfriend mo na ako saka ka naparanoid. Kila papa lang naman ako e."

Ilang segundong nakatitig sa kanya si Alexendris bago sya nagsalita. Kumunot ang noo niya ng ngumisi ang binata.

"Why would I be afraid anyway?" Bumaba ang mukha ni Alexendris at inabot ang mga labi niya.

"Kung hindi ka babalik sakin, ako ang babalik sayo."

No EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon