CHAPTER TWENTY SIX
MAY kakaibang kabang nararamdaman si Celestine habang pauwi siya sa bahay ng mga magulang niya. Parang andaming kakaiba sa araw na to. Tipong may hindi siya inaasahang malalaman. Yun nga lang hindi niya alam kung maganda o masama.
Tanghali na sya nakarating sa bahay. Dire-diretso siya sa loob. Namataan nya ang mama nya sa isa pa nilang sala. Busy sa pagbabasa ng makapal na libro. Nilapitan nya ito at tinapik sa balikat. Nagulat ang mama nya. Naibaba nito ang hawak na libro.
"Maa!"
"Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat nasa opisina ka?!" sermon kaagad nito
Lumaki ang mga mata nya sa gulat. Nauwi iyon sa pagkunot ng noo niya. Hindi alam ng mama niya na pinapatawag siya ng papa niya? Ano bang pag-uusapan nilang dalawa? Mas nacu-curious siya. Gusto niya na kaagad puntahan ang papa niya. Napatingin siya sa hagdan.
"Celestine! Nakikinig ka ba?" paasik na tanong ng mama nya
Bumaling sya muli sa mama niya na nagkunot-noo.
"Pinatawag ako ni Papa. May importante daw kaming pag-uusapan. Akala ko alam niyo." sagot nya
Pinanliitan sya ng mga mata ng mama niya. "May ginawa ka bang kalokohan Celestine?"
Mabilis siyang umiling. "Wala."
Kumalma ang mama niya. Nawala ang kunot ng noo nito. Kinuha nito muli ang libro saka nagbasa.
"Kung inaantay ka pala ng papa mo. Umakyat kana doon. Kaya siguro maaga syang umuwi."
Tumango sya. Nagmamadali siyang naglakad sa hagdan paakyat sa ikalawang palapag. Nandoon ang opisina ng papa niya dito sa bahay nila. Dalawang beses syang kumatok bago siya pumasok.
Nasa swivel chair ang papa niya habang may binabasa na papel. Ibinaba nya kaagad yun ng makita sya. Celestine closed the door behind bago siya naglakad palapit.
"Bakit ho pa? May problema ba?" tanong nya kaagad
Tumataas na naman ang kaba sa dibdib nya kasi sobrang seryoso ng papa niya.
"Saan ka natulog kagabi Celestine?" mautoridad na tanong ng papa niya
Napalunok siya. Para syang bumalik sa panahon nung highschool siya. Tuwing may overnight sila tapos ang paalam nya may group project pero nagmo-movie marathon lang siya kasama ang mga kaibigan.
"A-ah..." napakamot-ulo siya
"Don't lie to your father, Celestine."
Yumuko siya. "Kay Alexendris, pa." sagot niya
Dumaan ang ilang segundong katahimikan bago nagsalita ang papa niya. Nag-angat kaagad sya ng tingin. Lumaki ang mga mata niya.
"Alam kong meron kayong rason at alam kong kaya kang buhayin ng binatang iyon pero hindi ko nais siya para sayo."
Nanigas ang katawan nya. "P-pa..."
"Lumayo ka sa tagapagmana ni Alexander Courner, Celestine. Ipapahamak ka lang niya."
Kumirot ang puso niya. Paano niya gagawin yon? Mahalaga sa kanya si Alexendris. Importante sa kanya ang binata. Kakasimula pa lang nila tapos iiwan niya si Alexendris? Nangako siya kanina
Nangako siya...
"Hindi naman masamang tao si Alexendris, Pa. Nakita niyo naman yun nung pumunta sya dito. Masungit lang yun saka magaspang minsan ugali pero kilala ko siya. Hindi niya ako ipapahamak. Hindi niya ako sasaktan." pagpapaliwanag nya
"Mas kilala ko siya at ang buong angkan nila kesa sayo anak. Wala kang alam sa kung anong nangyayari sa loob ng pamilyang iyon. Makinig ka sakin."
Napaiyak na siya. Nararamdaman nyang wala syang magagawa. Ano ba kasing meron sa pamilya ni Alexendris? Nakausap naman niya ang papa nito. Suportado pa siya.
BINABASA MO ANG
No Escape
RomanceShe thought it's just a simple rumor but she was wrong because this rumor leads her into trespassing his house, dealing with him and now she can't escape from him anymore.