CHAPTER THIRTY FIVE

10.5K 281 68
                                    

CHAPTER THIRTY FIVE

HUMIHIKAB pa siya habang bumababa sa hagdan. Kinulang siya ng tulog kagabi kaya magkakape siya ng mga dalawa o tatlong baso. Syempre, hindi sunod-sunod.

"Akala mo ba hindi ko alam kung anong plinaplano mo? I knew it so better stop now dahil hindi mo 'ko mapapaalis."

Napakamot siya sa baba. Ang aga namang mang-inis ng babaeng 'to. Gusto niya lang namang uminom ng kape.

"Nice," walang amor na sambit niya. Kumuha siya ng baso para timplahin ang hawak niyang 3n1 na kape. Masyado pang maaga para mainis siya. Kailangan niya muna ng energy.

Nagsususpetyang pinagmasdan siya ng babae habang nagtitimpla. Hindi niya ito pinansin hanggang sa makalabas siya ng kusina.

Balak niya na sa sala na lang muna magkape dahil may engkanto sa kusina pero may nauna sa kanya. Ngumiti ang babaeng naka-dikwatro sa sofa at sumisimsim kanina ng tsaa. Mapaglaki ang ngiti nito. Hindi nakakatuwa.

"Oh, I see," sambit nito. "May nauna na pala sa'kin."

Tumayo ito at pinagkros ang mga braso. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa. Napa-ismid siya sa isip. Mukhang ewan lang.

"I am Vallerie Costa. You heard that? I am Costa. Alam mo na siguro kung sino ang masusunod sa sa mansyon na 'to." Ngumisi ang babae. Umismid siya saka matunog na humigop sa kape.

"Pang-ilan ka?" tipid niyang tanong.

Tumaas ang kilay nito. "What?"

"Pang-ilan ka? May tutuli ka ba? Magkaharap na tayo. Di mo pa narinig," sarkastikong sagot niya.

Nagtagis ang ngipin ng babae sa sinabi niya. Hindi ito nakasagot tulad ng inaasahan niya. Nang-aasar siyang tumawa.

"Bakit hindi ka makasagot, miss sinong-masusunod-sa-mansyon-na-to. Pangalawa? Pang-apat? Yung pangatlo kasi nasa kusina." Tumawa siya nang mahina. "Nawalan ka ata ng dila."

"You!"

"Me? Celestine Villanueva, soon to be first wife. Kung papalarin na masipa ko kayong lahat baka last na rin," kaswal niyang sagot.

Natigagal ang babae sa kanya. Lumakad siya sa sofa at pabagsak na naupo. Humigop muli siya sa kapeng hawak saka binalingan ang babae.

"You heard that? I am Villanueva, soon to be first wife," panggagaya niya. "Alam mo na siguro kung sinong masusunod sa mansyon na 'to, Costa?"

Mukha na siyang sasaktan nito pero hindi gumalaw ang babae. Nakakuyom ang mga kamao nito at matalim ang tingin sa kanya.

Mapang-asar siyang ngumisi dito. "Kaya tsupi. 'Wag mong sinisira ang araw ko. Kailangan kong magkape."

Nakataas pa ang mga paa niya sa maliit na lamesa habang humihigop nang bumukas ang double door sa main door. Nanigas ang babaeng nagngangalang Valerie nang pumasok ang papa ni Alexendris. Lumingon ito sa kanila.

"M-Mr. Courner-"

Naputol ang sasabihin ng babae nang sumingit siya. Kinawayan niya ang papa ni Alexendris.

"Morning! Kape 'tay, gusto niyo homo?" aya niya.

Pinanliitan siya nito ng mga mata. "Don't call me that, young lady. Where's my son?"

"Nasa taas ho 'tay. Maharot, eh," sagot niya.

Hindi na siya pinansin nito at dumiretso sa taas. Napanganga sa kaniya ang babae at hindi makapaniwala sa nasaksihan nitong pag-uusap nila.

"Kita mo 'yon? Mas paborito pa ako nun sa anak niya. Sumbong kita roon," banta niya.

Napahalakhak siya nang nagmamadaling umalis ang babae. Buti hindi nadulas. Naka-heels pa naman. Humigop uli siya sa kape niya.

Tumayo siya para magtungo sa pool. Bigla kasing gusto niyang ilub-lob ang mga paa niya sa tubig. Nanatili siya roon hanggang sa maubos niya ang iniinom. Saka lang siya tumayo nung ibabalik niya na ang pinag-inuman.

Malapit na siya sa living room ng may marinig siyang mga boses na nagtatalo. Kasama roon si Alexendris at ang ama nito ngunit hindi niya alam kung sino ang isa.

"You are a liar! You said you had no interest about the fortune but here's you are. With your wives!" sigaw nang hindi kilalang boses.

"You two, leave my house!" galit na sigaw ni Alexendris.

Dahan-dahan ang kilos niya hanggang sa masilip niya ang mga nag-uusap. Nakita niya ang 'di pamilyar na lalaking nakikipag-away. Hindi niya pa ito kahit kelan nakita ngunit sa resemblance na mayroon ito at ang papa ni Alexendris. Sure siya na magkapatid ito.

Bakit sila nag-aaway?

"Bakit hindi mo na lang aminin na habol mo rin ang kayamanan ng pamilyang 'to. Quit lying you motherfucker! I deserved to owned the business. I was the first wife's son!" sigaw ng lalaki.

"Stop it this nonsense, Roman!" mariing saway ng papa nila.

"No! You stop this nonsense! Why him? I was your son with your first wife!" pakikipagtalo pa ng lalaki

"Because he is the first born and capable of handling. You knew it. He's the right heir," sagot ng papa nila.

"Bullshit!"

Nangangalay na siya sa kinatatayuan niya kaya lumabas siya sa pinagtataguan. Kaagad na napalingon ang tatlo sa kanya. Nailang siya bigla.

Nag-aalangang itinaas niya ang baso. "P-paraan?"

Pagak na natawa ang lalaki. "Pang-ilan ang babaeng 'to? You must be very happy now, brother. Free pussies to fuck and a massive wealth! Care to share this one?"

Nanigas siya sa kinatatayuan nang akmang lalapit sa kanya ang lalaki pero nalapitan ito kaagad ni Alexendris at nasuntok. Agad siyang lumapit sa binata para pigilan.

"Don't you dare lay your fingers at her," banta ni Alexendris.

Ngumisi ang lalaki. "Ah, I see. You must be the girlfriend. I wonder why are you still staying with him."

Mariing hinawakan ni Alexendris ang kamay niya. Nanatili ang mga tingin niya sa lalaki.

"It's either money or love, I bet love." Walang emosyong tumawa ang lalaki. "Would you still choose him kapag nalaman mo kung ano'ng nangyari sa ina niya?"

"Enough, Roman!" dumagundong ang boses ng papa nila sa sala.

Ngumisi ito. "Alexendris' mom took her own life because of this fuck up legacy! You promised Alexendris' mom and impregnated her so she can't escape from you. You lied to her. You made her so miserable that she took her own life. Do you know why, huh, woman." Nakatingin ang lalaki sa kaniya

"I was born. Alexendris might explained to you but not all. You might be the first or second or third, it will not matter because all of you should bear his child! Hindi lang ikaw ang magiging ina ng mga anak niya. Now, would you still stay with him?"

Mas lalong dumiin ang pagkakahawak sa kanya ni Alexendris. "Leave my house before I drag you out," banta ni Alexendris.

"Bakit hindi natin hintayin ang sagot niya? You afraid, brother?" sarkastikong tanong ng lalaki.

"Aalis ka ba pagsinagot kita?" tanong niya.

"Celestine!"

"Yes," mabilis na sagot ng lalaki.

Nagkibit-balikat siya. "Oo ang sagot ko."

Umawang ang mga labi ng lalaki sa sagot niya. "W-what? Why?" hindi makapaniwalang-tanong nito.

Ngumisi siya. "Hulaan mo."

***
What is Celestine planning?🤔

No EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon