CHAPTER THIRTY SEVEN

10.5K 257 17
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN

MGA sigaw ang gumising sa kanya kinaumagahan. Napabangon pa siya ng wala sa oras. Sumakit tuloy ang ulo niya. Nakahawak siya sa ulo na tinungo ang banyo para mabilis na maghilamos at sipilyo.

Napatanga siya sa babaeng hila-hila na naman nung lalaking nag-utos na patalsikin sa bahay si Sunny kahapon. Ligwak na rin ba ito?

Bumababa siya at nilapitan ang lalaki. "Pati siya?" tanong niya.

Lumingon naman ito sa kanya. "Don't you want, Lady?"

Umatras siya. "Nagtatanong lang naman. Last na ba 'yan? Wala na bang darating?" tanong niya.

Napansin niya ang pagbaling ng tingin sa bukana ng kusina ang mga mata ng lalaki. "It depends to Mr. Courner," tukoy nito sa papa ni Alexendris. Tumango-tango siya nang magpaalam ito sa kanya.

Galing sa kusina, lumapit sa kanya ang katulong. "Good morning po, Ma'am Celestine. Nakahanda na po ang breakfast niyo," saad nito.

Nagulat naman siya. First time ito. Palagi kasi siya ang naghahanda ng umagahan niya.

"Sana hindi na kayo nag-abala. Kaya ko naman ho," saad niya.

Nauna siyang tinungo ang dining area. Gutom na rin siya, eh. Saan nga pala si Alexendris? Hindi niya pa nakikita ito. Wala na sa kama paggising niya.

"Utos po ni Sir bago siya umalis, Ma'am. B-baka po kasi mayari kami," nag-aalangan na sagot nito.

"Nah! 'Wag niyong alalahanin 'yon. Subukan niya lang magsungit ng walang dahilan na naman. Matitikman niya ang bagsik ng couch," natatawang sambit niya.

Natawa rin ang babae sa kanya. Nabusog kaagad ang mga mata niya pagkakita sa mga pagkain sa lamesa. Fried rice, hotdog, sunny side, fried chicken, kape, tubig at mga prutas!

Ito na ba ang langit?

Nae-excite na naupo siya at nagsimulang kumain nang marami. Ubos lahat ng fried chicken sa kanya at halos mangalahati hotdog saka itlog. Sapo niya ang tiyan habang kumakain ng grapes. Ang takaw niya ata ngayon.

"I'm glad you enjoyed the food. I made it myself!"

Napalingon siya sa babaeng nagsalita. Naka-suot ito ng apron pero sa likod no'n. Naka-fitted ito na red dress. Nagmumura sa kinang ang kwintas nitong gawa sa ginto na may pendant na diamond.

Kumunot ang noo niya. "Sino ka?" tanong niya.

Ngumiti ito ng malapad ngunit tiyak niyang may higit pang ugali ang itinatago nito sa likod no'n. Parang gusto niyang iluwa lahat ng kinain niya.

"I am Hecate. I believe you are the soon to be first wife. It's nice seeing you," saad nito na halatang 'di taos-puso.

Marahas siyang napabuga ng hangin. Ito na naman. Akala niya tapos na. Hindi pa pala!

"Pang-ilan ka?" nababagot niyang tanong.

Ngumiti na naman ito na nakakaasar para sa kanya. "Second wife. I am Hecate Whites. Heiress of White Financial Companies and a highest paid international model," nagmamalaking sagot nito.

"Nice!" sagot niya. "Marunong kang magluto?"

"Yes, I graduated HRM with flying colors," sagot nito.

Napaismid siya sa isipan. Marami itong katangian na wala siya. True perfect kumbaga pero hindi niya ikukumpara ang sarili rito. Perfect siya sa sariling paraan. Halata naman niya kung anong gustong ipamukha nito.

No EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon