Chapter 40: Curriculum Showcasing 1
(Chanyeol's POV)
"~Let it go! Let it go! Can't hold it back anymore!~"
"Leshe! Sino'ng umutot?!" Sigaw ni Kai pero pasekreto akong nag-derp smile. Haha. Tinatry ko lang naman kung mabantot ba talaga ang utot ko. Ang baho pala talaga!
"Dalian nyo dyan! Malapit na raw magsimula ang event!" Sigaw ni Suho mula sa labas kaya dali-dali naming kinuha ang mga gamit namin. Napansin ko si D.O na pabulong-bulong.
"This is it. Ito na talaga. Ngayon na. Right now." Akala ko nag-iisip na sya ng pagkaing lulutuin nya.
"Bilisan nyo! Tayo pa naman ang pinakaunang magpperform!" Sabi ni Luhan. Mabilis kaming naglakad papunta sa Function Hall ng KAU. Dun kasi gaganapin ang lahat ng performances.
Nang makarating kami, sabay-sabay na napalingon ang mga estudyante sa kinaroroonan namin. Pero mas marami ang nakatingin kay Kris. 'Di pa kasi maka-move one ang iba sa ibinunyag nya. Pero mas malakas ang impact kay D.O. Hanggang ngayon kasi eh nanlalaki pa rin ang mata nya.
"Magsasayaw na raw tayo!" Agad naming sinundan si Suho sa gilid ng stage. Buong EXO ang napiling mag-perform muna. Isasayaw namin ang Growl. At nang tinawag kami, halos sumabog ang buong function hall dahil sa tili nung emcee. Naka-mic kasi sya. Natauhan naman sya saka nahihiyang yumuko.
"A round of applause for EXO!" Nakangiting sabi ni Cyrus. Sari-saring tilian at hiyawan ang narinig namin. Naks! Ang gwapo ko talaga!
"Umusog ka dun, Chanyeol!" Sabi ni Tao pero umiling lang ako. Feel na feel ko pa ang spotlight.
"Sorry, pero I'm the man who can't be moved." Binatukan ako ni Sehun saka sapilitang pinausog para sya na mismo ang pumalit sa pwesto ko. Tss. Nag-shine bright like a diamond tuloy nang sobra ang baba nya.
Nang magsimula ang music, nagsimula na rin kaming sumayaw.
"Waaaah!! Be mine Chanyeol!" Rinig kong sigaw ng isang babae. Tinapunan ko naman sya ng isang smirk kaya nagtilian na naman sila.
"Hoy duwende! 'Wag kang malandi! Itulak kita dyan at nang masubsob 'yang tenga mo!" Sigaw ni Baekhyun pero kami lang ang nakarinig. Masyado kasing malayo ang audience mula sa stage.
"Saranghae Kim Jongin!" Ngumisi naman si Kai saka nag-flying kiss sabay lipbite. Siniko naman sya ni D.O. Sigurado akong makikita nila 'yon as kpop mistake.
Nang matapos kaming sumayaw ay may sumunod sa 'min na nagperform. Backroad Dancers raw ang group name. Ewan ko pero mga lalaki lang ang pumapalakpak.
"Let's move on to the performance of D.O, Lay, Kai and Sehun." Sabi nung babaing emcee. Agad namang umakyat ang apat na tinawag.
BINABASA MO ANG
Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E D
Fanfiction"Support your bias. Like your bias. But never love your bias. Because as what they say, 'You can't love the man who doesn't even know about your existence'." All Rights Reserved. No Plagiarism. Do not distribute without my consent. D I S C O N T I N...