(Season 1) Chapter 17

8.4K 339 45
                                    

Chapter 17: Bitchy Witchy Preschy 4: Silent but Deadly

 

(D.O's POV)

 

"1..2..3..STOP!!" Sigaw ni Chanyeol kay Tao na pinapaikot ang ballpen sa isang papel.

"Letter K!! Sige!! One, two, three GO!!" Sigaw rin ni Baekhyun kaya dali-dali silang nagsulat. Hay. Kelan ba mabubura sa kasaysayan ang larong PANTS?

"Hoy D.O! 'No ginagawa ng mga 'yan?!" Singhal sa 'kin ni Kris na kararating lang.

"Naglalaro ng PANTS. Pantanggal Antok Ng mga Taong may Sayad." Sagot ko saka tumingin ulit sa kanila.

"Hoy Tao! Anong animal ang pwede sa K?" Rinig kong tanong ni Baekhyun.

"Si D.O." Sagot ni Tao sabay tingin sa 'kin. 'No naman ba ang kinalaman ko dyan?!

"Haha. Sige. Eh anong pwede sa place?" Tanong ulit ni Baekhyun. Ngumisi ulit si Tao saka sumagot.

"Kwago Pass. Este Khyber Pass." Sabi nya saka tumawa. Konti na lang at isa-isa ko silang babatukan!

"Eh sa gamit?" Tanong ni Tao. Alam ko na ang sagot ni Baekhyun.

"Kwago na Keychain." Sagot ni Baekhyun saka sila bumulanghit nang tawa. Mga walanghiya!! Palibhasa kasi mga bakla!!

"'Hoy mga PB Students! Mag-sstart na ang klase nyo! Bumalik na kayo sa lungga nyo!!" Singhal sa kanila ni Kai.

"Balik ka na rin sa lungga mo Kai! Sa'n nga ba 'yon? Ahh! Sa Africa!" Nakangising sabi ni Chanyeol. Nagsitawanan sila kaya nagsimula na naman sila sa pagbabatuhan at kahit na kasing cute ng height ko ang mukha ko, 'di pa rin ako nakailag sa mga ballpen na ibinabato nila.

"Tama na nga 'yan! Cyrus! Bitbitin mo na 'yang mga bubwit na 'yan." Sabi ni Luhan kaya natawa si Cyrus saka inaya sina Tao na bumalik na sa room nila.

Hay salamat naman at wala nang mga putspang bakla dito. Pero bakit ang lungkot NYA? Kanina pa SYA tahimik at walang kibo.

Nagsiupuan na kaming lahat dito sa loob ng LH. Sama-sama ngayon ang mga Equi at Acad. Students. Wala pa si Illiya kasi may ginagawa raw syang mga papeles. So, si Preschy na lang ang pwede naming makasama rito. Pero mukhang wala sya sa sarili kaya 'di nya napapansin na marami na'ng umaaligid sa 'min.

Sabi na nga ba. When the cat is away, the mouse will play. Ang kaso andito sya pero parang wala lang sa kanya ang mga ginagawa ng mga kaklase namin.

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon