Chapter 29: 'No Title', 'Yan Ang Title 6
(Chanyeol's POV)
"Hoy Duwendeng higante! Anong answer sa number 5?" Tanong sa 'kin ni Tao.
"'Di ko alam. Number one pa ako! Ang bilis mong magsagot." Sagot ko pero ngumisi lang sya.
"Syempre! Ako pa!" Confident nyang sabi. Naks! 'Kala ko eyebags lang nya ang malaki! Ulo rin pala?
"Engot! Yabang yabang eh wala kang answer sa number 1 hanggang 4!" Singhal sa kanya ni Baekhyun. Kaya naman pala!
"Hoy Kris! Pakopya nga ng sagot mo!" Sabi ko kay Kris saka tumingin sa papel nya.
"Hoy Baba! Ba't ang pangit ng handwriting mo?!" Gulat kong tanong. Dinaig pa nya ang doktor sa penmanship.
"Tongaks! Self-made font ko 'yan! Tss. Originality matters." Tugon nya saka sumagot sa test paper nya. Luminga-linga ako pero wala talaga akong makitang answer.
Tungunu! Ba't ko naging seatmate ang mga 'to?!
"Hala! Ang hirap naman ng English! Sinong Robert Frost? Kris, kapatid ba 'to ni Jack Frost?" Tanong ni Tao. Napa-facepalm naman ako. Ang bobo naman nito!
"Tanga! Tatay nya 'yan!" Sabi ko saka tiningnan ang mga tanong sa Math. May malapit bang mental hospital dito?!
"Waaah! Asan si Suho?! 'Pag ako 'di nakasagot rito, gagawin kong eyeliner 'tong ballpen ko!!" Pagmamaktol ni Baekhyun.
Andito kami ngayon sa LH at nagte-take ng long exam. Akalain mong lahat ng lessons sa bawat subject ang nasa exam?! Mukha na ba akong si Einstein?! Malaki nga ang tenga ko pero naman! 'Wag namang i-compare sa utak ko!
"Sir, 'di ba po iba-iba ang teacher namin sa bawat subject kasi 'di kaya ng isang teacher?" Biglang tanong classmate namin habang nagkakamot ng ulo.
"Yup. Bakit Mr. Hansel?" Tanong ni Sir. Hansel? 'Di ba pagkain 'yon? Mukha nga syang pagkain, yung panis nga lang.
"Eh teacher nga po 'di kayang ituro lahat ng 'to, kami pa kaya na mga estudyante?! 'Di rin namin kayang i-absorb 'to lahat!" Sabi nya. Um-agree naman ang iba pa.
"Role nyo 'yan bilang mga estudyante." Tugon ni Sir. 'Pag ito natapos, lilipat na ako ng school. Ang daming kaululan ang mga professor rito.
Biglang nahulog yung ballpen ni Kris. Hinanap naman nya 'yon. Napatingin ako sa ilalim ng upuan nya kasi andun yung ballpen nya.
"Tss. Nasa baba mo!" Sabi ko pero binatukan nya ako. Aba! Ako na nga 'tong tumutulong eh babatukan nya ako?! Piningot pa nya ang tenga ko! 'Pag 'to lumiit, mawawalan ako ng trademark!
BINABASA MO ANG
Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E D
Fanfiction"Support your bias. Like your bias. But never love your bias. Because as what they say, 'You can't love the man who doesn't even know about your existence'." All Rights Reserved. No Plagiarism. Do not distribute without my consent. D I S C O N T I N...