(Season 2) Chapter 5

3.9K 230 72
                                    

A/N: Sorry for the super duper mega over late update. College life is keeping me from updating. Please understand me na lang. Sorry sa typos and cliche scenes. Lovelots and enjoy reading!


R-E-C-A-P:


Nahiga ako ulit habang naghihintay ng reply ni Suho. Sure akong nalukot na mukha no'n with matching foreheadpalm. At nang mag-vibrate ang cellphone ko, agad kong tiningnan 'yon at medyo nagulat ako nang makitang pangalan ni Kris ang namamayagpag sa screen ng phone ko.


Binuksan ko 'yon at napasinghap ako nang mabasa ang message nya.


'Help me, pls.'


***


#5


(Preschy's POV)


'Help me pls'? Teka. Processing...loading...buffering. Error 401. Dejoke pero hanuraw?! Help? As in tulong? As in saklolo? Vas happenin'?


Agad akong nag-type sa cellphone ko at binasa 'yon bago ko sinend. Mamaya may wrong spelling, mapahiya pa ako kay Kris.


'Anong nangyari sayo?' Message sent!


Naghintay pa ako ng ilang minuto para sa reply niya pero walang dumating na text. Kinabahan tuloy ako. Baka napano na ang baba no'n. Agad akong bumaba saka dinampot ang payong na nakapatong sa mesa.


"Hoy akin 'yan!" Tiningnan ko naman nang masama si Leigh kaya medyo napaatras siya.


"Chill! Sabi ko nga hiramin mo na." Tinalikuran ko siya saka dali-daling pinagtatanggal ang lock ng pinto. Ngayon ko lang na-realize na masyadong protectiveness overload si Preschylla sa bahay na 'to. Lagyan ba naman ng pitong lock.


"Alagaan mo 'yan. Mahal ko ang payong na 'yan!" Habol pa ni Leigh bago pa ako tuluyang mag-ala The Flash. Pumara ako ng taxi sa may entrance ng subdivision. Napatigil naman ako nang tanungin ako nung driver.


"Sa'n po ma'am?" Shoot! 'Di ko alam kung asan si Kris. Ang tanga lang. Pero baka nasa dorm nila? Eh ba't humihingi ng tulong? Baka kinatay ng EXO? No, masyado namang brutal. Baka pinakain ni Kai ng sandamakmak na chicken? No, chicken is his style na kaya.


"Ma'am?" Tiningnan ako nung driver mula sa salamin sa harap.


"Joyride 'to kuya." Sagot ko na lang. Bahala na.


"Huh? Eh--"


"Um-oo ka na lang kuya. I got money in my hands that I really like to blow. Swag--" Napatigil ako sa pagsasalita. 'Di ko napansin na kanta pala ni Justin Bieber ang lumabas sa bibig ko. Ang corny ko talaga pramis. Nakakaiyak with matching poker face.

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon