(Season 1) Chapter 30

6.4K 289 19
                                    


Chapter 30: KAU Dormitory

 

(Chanyeol's POV)

 

"Waaaah! Mamimiss kita kama koooo!!!" Paglulupasay ni Bacon habang yakap-yakap ang kama nyang 'di pa napapalitan ng bedsheet.


"Tumigil ka nga! Ipalamon ko sayo 'yang kama mo!" Singhal ko sa kanya pero patuloy pa rin sya sa pagluluksa. Binato ko tuloy sya ng unan.


"Aray naman! Paki mo ba kung iyakan ko 'tong kamang 'to?! Alam mo bang ito ang kasama ko 'pag gabi?! Itong unan na 'to ang kayakap ko?! At itong kumot na 'to ang kasama ko sa gabing malami——"

 

"Jongina mo! Ipapaluto kita mamaya sa school canteen!!" Sigaw ko sa kanya.


"Hoy! Aalis na raw tayo!!" Sigaw ni D.O mula sa kabilang kwarto. Kinuha ko agad ang mga gamit ko saka dinala sa sala pero nagulat ako sa nakita ko.



"Lalayas na ba kayo??!!!" Sigaw ko. Pa'no, may dalawampung maleta at siyam na bags dun. Tapos dumating pa si Tao dala-dala ang malaking Panda stuff toy. Magsasalita na sana ako nang lumabas rin si Kris dala si Ace.


Pu*ha! Mag-eevacuate na ba kami?!


"Ang dami 'ata ng dala nyo?" Takang tanong ni D.O saka dinala ang tatlong malalaking tupperwear.


"Wow! Magdadala tayo ng pagkain!!" Sigaw ni Kai. Palibhasa kasi 'di kumakain 'pag 'di luto ni Kwago.


"Nagdala na rin ako ng mga gulay, isda at——" Dugtong ni D.O pero napatigil sya ng sumigaw ako.


"ONE WEEK!! 7 DAYS!! 168 HOURS!! AT 10,080 MINUTES LANG TAYO DUN!! 'DI TAYO TITIRA DUN FOREVER!!" Sigaw ko at lahat sila ay napatigil saka napanganga.


"W-wow! Pa'no mo nalamang 10,080 mintues lang tayo dun?" Manghang tanong ni Tao. Sinamaan ko naman sya ng tingin.


"Naks! Lumaki tenga mo dun ah! Este MAS lumaki!!" Sabi ni Kai sabay palakpak.


"Nyeta nyo! Dalawang bag nga lang ang dala ko eh!" Singhal ko saka binitbit 'yon papuntang van.


Nag-stay lang ako sa van. After ng ilang minuto, sumakay na rin sila at medyo nabawasan ang mga dadalhin namin. Buti naman.


"Guys! May sasabihin ako!" Masiglang sabi ni Bacon.


"Pwede ba Baekhyun! Wala akong dalang piso ngayon!" Pang-aasar ni Chen.


"Psh! Ahem! Kai 'yang balat mo parang slacks ko, BLACK!! Suho, dedicated raw sayo ang kantang Here's To Never Growing Up. At D.O, sayo naman 'yong Wide Awake ni Katy Perry." Sabi nya saka tumawa. Nagkunwari kaming tulog. Naghikab pa nga ako eh.


"Eto eyeliner mo! Baka itusok ko sa 'yo!" Sabi ni Luhan saka pumwesto para matulog.


"Jongina nyo!" Sigaw ni Baekhyun.


Buong biyahe ay nagbabangayan kami. At pagdating namin sa KAU, agad naming binitbit ang bag namin papunta sa lobby ng KAU Dorm.


"Kyaaaaah!!! Oh my ghaaaaad!!!"

 

"Sheeeeet!!! Waaaaah!! EXO's HERE!!!"

 

"Hontou ne?!! Omo!! Waaaaah ang gwapo nila."

 

Ano pa nga bang bago?


"Omo! Dito na ba kayo titira?!" Excited na tanong ng isang estudyante.


"Yeah. For a week only." Nakangiting tugon ni Xiumin. Kasabay nun ang malakas na sigawan. Dumating si Cyrus saka kami tinulungan sa dala namin.


"May isang kwarto sa 2nd floor na may pitong double deck. It's quite wide kaya walang problema sa space. Tapos ako, dun rin ako matutulog sabi ni Mr. Lim. Sa 3rd floor, bawat room ay may isang deck lang kaya ang roommate ay sina Illiya at Preschy." Paliwanag nya habang naglalakad kami.


Tumango sina Suho saka kami pumasok dun sa kwarto namin. Malaki naman sya. Ang kaso, 'pag EXO ang tumuloy rito, kulang pa ng ilang square meters! Alam na!


"Sa taas ako!" Sabi ni Kai saka pumunta sa taas ng unang double deck.


"Ako rin." Sabi ni Luhan. 'Di na kami nagtaka. May germaphobe kasi kaya ayaw na may natutulog sa kama nya. Ang damot!


Nag-arrange kami saka nag-decide kung saan kami pupuwesto. Ang mga nasa taas ay sina Kai, Luhan, Sehun, Ako, Chen at Baekhyun. Ang iba naman ay nasa baba. Si Cyrus lang dun sa isang double deck.


"Waaah! Namimiss ko na ang dorm natin!" Sabi ni Tao saka nangalumbaba.


"Nga pala, mamayang gabi pa darating si Preschy so kami na muna ni Illiya ang bahala sa inyo." Sabi ni Cyrus. Kumunot naman ang noo namin.


"Ganun ba karami ang inimpake nya?" Tanong ko.


"Ganun ba sya katagal mag-impake?" Tanong rin ni Lay.


"Haha nope. 'Di pa kasi nagsi-sink sa kanya na mag-sstay sya rito for a week." Sagot nya saka umalis.


Naiwan naman kami na tumatango-tango lang.


(Preschy's POV)

 

Andito ako ngayon sa bahay ko. Tapos na akong mag-impake at kulang na lang eh lumayas ako rito. Tsk. I can't leave this house. Iniwan na nga 'to nina Mommy at Daddy, pati ba naman ako?


Naglibot-libot ako at swear, sa laki ng bahay na 'to, umabot ako ng 45 minutes sa paglilibot. Ibenta ko na lang kaya 'to? 'Wag na nga lang. Multuhin pa ako nun.


Gabi na kaya kinuha ko 'yong mga gamit ko saka nilock nang mabuti 'yong bawat door at bintana. Sumakay ako ng taxi papuntang KAU. At nang makarating ako dun, dumiretso ako sa KAU Dorm.


What the—-



Sheez. Anong nangyayari rito?!?!

Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon