#4
(Preschy's POV)
Tandang-tanda ko pa ang convo namin ni noon Preschylla tungkol sa EXO. We always describe them as the most awesome group. Pinagpapantasyahan namin sila sa araw-araw na nabubuhay kami. I've always been telling her about my bias' bubbly personality. Siya naman eh ipinagmamayabang kung gaano ka-gwapo ang taong hinahangaan niya despite of the fact na hindi ito tinatawag na gwapo ng mga fans. At habang nakatanaw ako sa taong tinutukoy ko, mas lalo kong naiintindihan kung ba't siya ang bias ng kapatid ko.
"Hoy!" Natigil ako sa pagmumuni-muni nang mag-snap si Kai sa harap ko. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin. Ayon na eh! Feel na feel ko na ang pagrereminisce.
"Chill lang, Preschy. Tustado na nga, gaganyanin mo pa." Nag-apir kami ni Chen kaya sinakal siya ni Kai. Buti na lang talaga at nasasanay na sila sa new version 2.0 ko.
Andito kami ngayon sa canteen at syempre kumakain. Okay lang naman ang first day namin with the new students. Pati nga boarders sa bahay ko eh medyo nasasanay na rin sa 'kin. Actually, anim silang kaklase ko. Puro pa fans ng EXO. Minsan nga naiisip ko na baka destined ako na makahalubilo ang mga taong ayaw kong makasama. Malay ko ba naman kasi kung isa sa kanila eh sasaeng fan. Eh 'di tsugi ako nang wala sa oras.
"Hoy kwago! Ba't 'di ka nagluto ng shanghai rolls?" Nakita ko namang inirapan ni D.O si Chanyeol saka tahimik na kumain na lang. Buti pa si D.O, height lang ang pinoproblema. Well, 'di kasali ang size ng mata nya. Wala eh, destiny nya 'yan.
"Guys, paano ba natin ika-cut 'tong pizza? Gutom na 'ko." Nagpout pa si Xiumin habang si Tao naman eh sinusundot-sundot ang pisngi ng baozi boy na 'to.
"Sino bang nag-order nyan? Ba't 'di pina-slice?" Ani Luhan at sabay-sabay kaming napatingin kay Lay na katabi ko ngayon. Andun na naman 'yong aura nya na 'nakalimutan-ko'.
"Sorry. Isslice na sana no'ng lalaki kanina kaso pinigilan ko." Nakatungong sagot ni Lay.
"At bakit? 'Tsaka, wow! 'Di ka naligaw? Preschy lang? Nagbabagong-buhay?" Tiningnan ko nang masama si Chen kaya tumigil sya sa pagtawa sabay zip no'ng bibig nya. Pero in fairness, 'di sumagi sa isip namin na baka maligaw si Lay no'ng inutusan sya ni Kris na bumili ng pizza.
"Kasi ang dami na nga nating kakain, makikihati pa sya." Inosenteng sagot ni Lay. Napa-facepalm naman kami except kay Suho. Noo pinitik nya.
"Hay, Lay the Naïve Unicorn." Bulong ko pero narinig pala ako ni Chanyeol. Alam nyo na, masyadong pinagpala ang tenga.
"Naïve? Engot tawag do'n."
"Ilan ba tayo rito?" Tanong na lang ni Suho. Binilang naman ni Baekhyun kung ilan kaming andito.
"13 este 14. Sorry, 'di kita nakita Suho hyung." Gage talaga 'tong bacon na 'to. 'Di rin pala nag-iisa si D.O sa problema nya.
BINABASA MO ANG
Secret Fan (EXO): D I S C O N T I N U E D
Hayran Kurgu"Support your bias. Like your bias. But never love your bias. Because as what they say, 'You can't love the man who doesn't even know about your existence'." All Rights Reserved. No Plagiarism. Do not distribute without my consent. D I S C O N T I N...