Chapter 4- The wish.

64 1 0
                                    

Nagpaalam na ko kay Donya Cecilia para na din makapagpahinga at maibalita na kay Inay at itay ang sinabi ni donya Cecilia.

Hayyyy, grabe napakasayaaaa simula bukas ay sya na ang magpapaaral sa akin. At sinabi nya pang doon nalang ako tumira sa mansion nya para may kasama daw sya.

Pagbukas ko ng pinto ng aming bahay ay nakita ko si Itay na natutulog sa sala.

"Inay inay. Tay gising daliii" sabi ko at ginising si Itay.

"Anak ka ng tuka. Ica bakit ka ba humihiyaw ha?inaabala mo paglalaba ko e" sabi naman ni inay na mula pa sa likod bahay.

"Dali. Upo ka dito sa tabi ni itay"naupo naman sya don at sinimulan ko na ang pagkukwento.

"Inay,itay. Si Donya Cecilia ang magpapaaral sakinnnnnnnnnn"sabi ko na nakatayo .

"Aba. Eh magandang balita yan para sa amin ng inay mo"nakangiting sabi ni Itay.

"Eh talagang maganda Itay. At alm nyo dun nya pa ko papatirahin,ay nakooo gaggawin ko na ang lahat para maging haciendera nako"

"ICA,!"Hiyaw ni Itay sakin

"Tay? Bakit naman? Ayaw mo kong malayo sayo hano? Ayi--"

"Di mo na alam ang nangyayari at pumapasok dyan sa kokote mo"sabi ni itay sakin? E? Di ba sya masaya? Anak naman pala ng tupa.

"Tay? Anong sinasabi mo. Magiging mayaman na tayo pag nagkataon"

"Magnanakaw ka na ng kayamanan ng iba. Alam kong may pinaplano ka Ica. anak di ka naman namin pinalaking Sakim at nakayakap sa pera"

"Ano ba naman yan itay? Di mo ba ko naiintindihan ha? Di ko nanakawin uunti untiin ko naman e"

"ICAAA." Sasampalin na sana ako ni itay na sya namang aking ikinagulat.

"Ilayo mo sa akin yang anak mo,at baka di ko matantsa"sabi ni Itay kay inay.

"Itay. Ano ka ba? Kakarampot na nga lang iyang sweldo mo sa trabaho mo di mo pa ko mabuhay ng lahat ng gusto ko ay nakukuha ko. Tay ang ganda ng plano ko aya--" at ng sa puntong iyon ay dumampi na sa aking pisngi ang kamay ni Itay.

KATAHIMIKAN

"Ayaw nyo ng gusto? Buhay ko to kaya ako ang magdedesisyon. Magiimpake lang ako."

Pagpasok ng pinto ay syang tulo ng luha ko. Ako ba yung mali? Ako ba? Ang gusto ko lang naman e maging mayaman na kami. Kinuha ko na ang bag ko, at nagsimula ng ilagay ang mga gamit ko. Biglang pumasok si Inay

"Ica,intindihin mo nam--"

"Inay,kung patungkol lang ito sa gusto ni Itay. Makakalabas ka na." Sabi ko

"Ica. Nanay mo pa din ako"

"Oo nga e yun nga ang di ko maintindihan. nanay kita pero di mo ko naiintindihan. Gusto ko lang naman makatikim ng strawberry Jam na wala ng halong tubig"sabi ko kay inay.

"Anak. Mali yung gagawin mo"

"Wala ng makakabwi ng desisyon ko Inay. "

Nang makayari na akong magimpake ay lumabas na ko. At kasunod ko si Inay. Nakaupo naman sa sala si Itay na sapo sapo ang ulo nya.

"Mauna na ko." Sabi ko at lumabas na ng aming bahay alam ko na tama to. Oo tama.

Died 11:11 pmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon