Chapter 22 - Revelation.

27 1 0
                                    

Biglang tumunog ang phone ko seeing unknown number

From: +639752664285
Bilang na ang araw mo.
Lubusin mo na!

Bigla akong kinabahan, anong sinasabi ng sender na to? Paano nya nalaman ang number ko? Hinanap ko ang pangalan ni Trixie sa contacts ko.

The subscriber your calling is busy at the moment please try again later.

Busy ang number nya. My knees are shaking and i feel confused. What the heck is happening?

Lumabas na ko sa kwarto at pumunta sa Sala kailangan kong i-refresh ang utak ko. I should forget about that thing nalang. Baka na wrong send lang sya! Ang panget pa ng number.

Pero kahit Anong gawin ko ayaw pa din mawala sa isip ko ang mga nangyayari.

"Anak? May masakit ba sayo? Masakit ba ulo mo?" Nagulat ako sa presensya ni Inay.

"Wala" sabi ko at bumuntong hininga. "Oo nga pala, pinuntahan ko si Itay sa ospital. Kahapon! Nag-usap na kami. balak ko syang ilipat sa private hospital para gumaling sya Agad."

"Ta-Talaga Anak? Salamat Anak ! Salamat."

Tinanguan ko nalang si Inay.

Pinagpatuloy ko ang panonood. Di ko na talaga kaya. Sino ba kasi sila at bakit ginugulo nila ang buhay ko. Nag-lakd lakad ako sa Labas para magpahangin.

"Pssst!" Lumingon dahil akala ko ay si Inay iyon."pssst!" Lumingon ulit ako. Kinabahan nanaman ako.

"Sino ka?"nanginginig boses kong tanong.

Pero di na naulit ang pagtawag nya sa akin. Kinuha ko ang bag ko sa taas at sumakay na ng Kotse.

Bumili ako ng bulaklak at kandila. Nang makarating ako ay agad akong pumunta sa kanya.

"La, kamusta ka na? Sorry if dine-decline ko yung mga letters galing sa nga charity. Wala naman kasi akong mapapala doon. Tska di naman nila mabibigyan ng magandang kinabukasan ang pilipinas" naramdaman ko nanaman ang pakiramdam na tila may nakatingin nanaman sa akin. Sinindihan ko na ang kandila. Liningon ko ang paligid!

"Ikaw." Biglang may nagsalita sa likod ko. "Ikaw ba ang kamag-anak nya?"

"O-opo ako po. Sino ho kayo?" Ngumiti sya sa akin. Isa syang matandang may kahabaan ang buhok.

"Madalas kong napapanaginipan ang babaeng nasa picture na yan. "Tinuro nya ang picture ni donya Cecilia."Lagi syang may sinasabi pero diko naman maintindihan."

Tumingin sya sa langit. "Iha, mabuti pa ay ipagdasal mo ang kanyang kaluluwa. Pumunta ka ng simbahan at kausapin sya."

"Di po ako nagsisimba dahil hectic po ang schedule ko. At saka, baka di naman sya totoo" sagot ko.

Umiling lang sya. "Iha, Mag-iingat ka ha?" Tinapik nya lang ako at umalis na. Tinanaw ko ang kandilang Sinindihan ko kanina. Tunaw na sila.

Sumakay na ko sa Kotse at nakita ko ang matanda. Hininto ko ang sasakyan at tinignan ko kung saan sya magpupunta. Nakita ko na may hawak na kutsilyo ang matanda.

Itinutok nya ito sa kanyang sarili , diko alam ang gagawin ko. Kung lalabas ba ko para pigilan sya. Pero ng isinaksak nya na ito sa sarili nya ay biglang tumunog ang phone ko.

"Hello? Hello? Ica? Nasaan ka? Pumunta ka sa Lepnet Hospital nandidito si Charmaine at nagwawala sya please Ica hurry up!"tumawag si Trixie. Lumabas ako ng kotse para madala na din ang matanda sa hospital pero Nawala sya. Biglang humangin ng Malakas at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakatakot, Nakakakaba.

Died 11:11 pmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon