Chapter 21- Someone is Looking.

22 1 0
                                    

Nang lumabas na ko sa ospital ay nagpunta na ako kaagad sa parking lot kung saan naroroon ang kotse ko. Saka ko palang napagtanto na masyado palang malayo at madilim na parte ang naparkingan ko. Gumabi na pala. Habang naglalakad ako ay di ko maiwasang makaramdam ng kaba.

Dahil pakiramdam ko ay may taong nakatingin at sumusunod sa akin. Nakakatakot, nakakakaba, Nakaka lambot ng tuhod. I choose to be brave. Nasa kalagitnaan na ko ng parking lot ay nakarinig ako ng ingay.

Parang may nakabunggo ng basurahan. I stopped walking at pinakinggan ang nasa paligid. Unti unti akong humarap sa likod ko at ......

"HAAAAAAAAAA!" Muntik na kong matumba dahil sa Gulat. "You're so stupid Jacob , paano nalang kung mayroon akong sakit sa puso ha?" Inis kong saad sa kanya.

"I want to surprise you, kaso epic kasi nasunggo ko yung basurahan." Pagpapaliwanag nya.

"Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ko? "

"Hindi kita sinundan dito, it's just coincidence na nandito ka din. Nakita kita nung lumabas ka. So I approach you. As like what I have said i want to surprise you. Tska kaya ako nandito ay may tinulungan ako. 50:50 na kasi sya kanina at masyadong matagal pag dinala ko sya sa private hospital. Ikaw bakit ka nandito?" Tanong nya saakin

"W-wala wag mo ng alamin, i have to go Jacob." Tatalikod na sana ko pero.

"Mag-iingat ka." He said with serious voice.

Tinanguan ko nalang sya at tuluyan ng pumunta sa kotse ko, pero kahit na alm kong si jacob ang kasunod ko kanina , pakiramdam ko ay may nanonood pa din sa akin. Liningon ko si Jacob ngumiti lang sya.

Nag-drive na ko pauwi. Kinakabahan pa din ako sa di ko malamng dahilan. Itinigil ko muna ang kotse ko sa isang gilid para pakalmahin ang sarili ko.

Nakayuko ako sa manubela ng kotse ko ay may biglang kumatok sa bintana ng kotse ko.

Ibinaba ko ang bintana"ano po iyon Manang?"

"Mag-iingat ka sa mga gagawin mo, mag-iingat ka sa mga sinasabi mo. Mabuti pang ibalik mo ang mga kinuha mo. At kung wala ka ng pagbabalikan, gawin mo nalang ang lahat ng bilin nya sayo!"

"A-Ano pong sinasabi nyo?" Bigla nya kong tinalikuran. Ano bang sinasabi nya? Isn't she crazy?.

Nag-drive na ko at pilit na pinakalma ang sarili. Shh, what the hell is happening?

Third person POV.

Di alam Ni Ica na mayroong isang taong kanina pa nakatingin at nakababad sa mga galaw nya. Habang pinapanuod nya si Ica ay di nya maiwasang mapamura sa sobrang Galit. Ikinasa nya ang kanyang baril at handa ng iputok kay Ica. Pero nakita nyang kinausap sya ng isang lalaki na nakatalikod sa kanya kaya't di nya makita kung sino iyon.

"Matatanggal ka din sa mundong ito, lubusin mo na ang masasayang araw mo. Lagot ka sa akin Ica, one of this day. Burado ka na sa lipunan" at doon ay tumawa lang sya ng tumawa.

Habang paalis sys ay bigla syang nakawit, at napigtas ang bracelet nya. Nawala ang pendant nito at hindi na sya nag-abalang hanapin.

C
Ch
Chr
Chrm
-----

Died 11:11 pmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon