"Ah? Ano pong ibig nyong sabihin?" tanong ko. Para kunwari di ko alam.
"Well, you're so lucky iha. Ikaw ang tagapagmana ni Donya Cecilia" sabi ko na nga ba e HAHAHHAHHAHAHHAHAHA.
"Ta-talaga po? Eh? Thankyou po thankyouuu" sabi ko kay donya cecilia.
"Iha, ano ka ba? Para na din kitang pamilya. Kaya ang gusto ko sana kung sakaling mawala na ko ay lagi kang magbibigay sa Simbahan,Ampunan at sa mga binabaha ng Donasyon" ha? Eh? Ano pa matitira if magbibigay pa ko sa kanila. Well, kaya ko namang magsinungaling.
"Opo sige po salamat po talaga. Di ko po sasayangin yung tiwala mo po sa akin. Thankyou po talaga."
"Sige na Iha, pumunta ka na sa kusina para mag almusal."
Sinunod ko naman sya. Ang ganda ng Umaga buti nalang at magandang balita kaagad ang nakarating sa akin.
Umupo na ko nakita kong nakatingin sa aking ang mayordoma ng bahay.
"Bakit ka nakatingin? May dumi ba ko sa mukha?" Sa halip na sagutin nya ko ay di nya ko pinansin. Pinapangako ko! Pag ako na ang may ari ng lahat ng to! Tanggal yang katulong na yan dito.
Maya maya pa ay naupo na di of Donya Cecilia sa Mesa na may halong ngiti sa labi.
"Roberto" tawag ni Donya Cecilia sa isang driver nya.
"Ho?"
"Linisin mo ang sasakyan. Samahan mo ko mamaya."
"Ah? Saan po kayo pupunta? Wala naman po akong pasok ngayon? Bonding po tayo!??? Sige na po?" Aya ko sa kanya.
"Ang mga kabataan talaga mahilig sa adventures. Pasensya ka na may kailangan pa kasi akong ayusin. Kukunin ko na kasi ang kalahating pera ko sa bangko." Sabi naman nya habng humihiwa ng tinapay.
Eh? Akala ko ba sa akin lahat ng yon?
"Saan mo naman po iyon gagamitin"
"Ibibigay ko sa mga katulong natin dito sa bahay. Ang tatagal na kasi nila dito at matagal ng naninilbihan. " Napairap na lang ako sa sinabi nya. "Magandang idea hindi ba?" Tanong nya sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot.
"Tutal wala namang pasok bakit di mo na lang puntahan muna ang Inay at Itay mo? dalan mo din sila ng makakain."
"Siguro nga po sige po dadalawin ko po sila".
Tinapos ko na ang aking pagkain. Naalala ko na hanggang ngayon pala ay wala pa din akong Cellphone.
Nakagayak na ako ng tawagin ako ni Donya Cecilia.
"Iha, eto ang ipambili mo sa pasalubong mo sa inay at itay mo ah." Sabay abot nya saakin ng 3 libo.
"Mauna na ko." At umalis na sya.
"Berta." Tawag ko sa isang katulong.
"Ay jusmiyo. Akala ko naman kung sinong tumatawag sa akin." Sabi nito sa akin.
"Ha? Bakit? Sino pa ba sa akala mo?"tanong ko. Wag nya kong iniisin.
"Wala ka naman kasing galang. E bakit mo ba ako tinatawag.?"
"Oh"sabay abot ko ng 1 libo."Ibili mo lahat yan ng prutas. Yung masarap at malalki ah." Utos ko sa kanya
"Eh. Madami akong gagawin" pagtutol nya.
"Wala akong pake alam" sabi ko.
"Hindi ikaw ang nagpapasweldo sa akin."
"Ano naman? Kaya kong gumawa ng kwento mapatanggal ka lang sa mansion na to Berta."
BINABASA MO ANG
Died 11:11 pm
Short StorySabi nila 'All good things must come to an end' that is to say. You cant have fun forever. 11:11. Simpleng mga numero ngunit madaming naniniwala na sa oras na to. Lahat ng hihilingin mo ay matutupad. Pero paano kung sa oras na yon biglang maputol an...