Natulog na ko at nagising ng bandang alas singko dahil sa malakas na katok sa kwarto ko. Ano ba yan.
"Teka nga sandali." Padabog kong binukas ang pinto at nandoon si Berta
"Ano nanaman ba? Istorbo ka e natutulog pa ko"
"Pinapatawag ka lang sa ibaba. "Sabi nya.
"Hoy Berta ayus ayusin mo yang pananalita mo ah" sabi ko sa kanya
"Aba! Parang ikaw ang may ari nito bahay nato ah akala mo--" sagot sana ni berta ngunit.
"Berta sabihin mo pakibilisan nya" sigaw ni Donya Cecilia
Inirapan ko nalang si Berta NAKAKainis naman yung mga katulong na to.
"Ahm? Napatawag nyo po ako?" Tanong ko sa kanya
"Magbihis ka. Araw ng linggo at kailangan nating magsimba" huh? Eh diba sinabi ko naman na ayoko?
"Ah Eh? Puyat po ako" palusot ko.
"Iha, pag uwi nalang natin ipagpatuloy yang pagtulog mo. Nandoon kasi si Mayor at magseserve daw kame" wala naman akong magagawa kundi sumunod. Saglit lang naman yon.
Gumayak na ko at bumababa na. Nang makarating kami sa Simbahan ay napakadaming tao. Siguro ay dahil nandito nga si mayor.
"Magandang Araw donya Cecilia" bati ng isang madre
"Magandang araw din ay eto nga pala si Monica, APO ko" pagmamalaki ni Donya Cecilia ngayon nya lang ako tinawag na ganon.
"Wow, mukhang napakabait na bata, ay kayo po pala ni mayor ang magseserve. Dito lang po kayo at iintayin lang nating dumating si Father Ben. Sasamahan ko lang po ang apo nyo sa unahan" sabi ng Madre. Naks! VIP nasa unahan.
"Halika na" aya sakin ng madre. Sinundan ko lang sya. Nahagip ng aking mata Si Inay at itay, nagkatinginan kami ngunit inalis nya ang tingin nya. Malamang ay dahil galit pa din sya. Sa kabilang banda naman ay nakita ko sina JAMILLE, KRISTINE, ELLAINE AT JAMMEY. Na nagbubulungan. Inirapan ko nalang sila. Nakita ko din Si brando kasama ang barkada nyang nakangangang nakatingin sa akin. Siguro ay dahil nadala akong damit ko at dahil narin sa ginawang pagayos sa akin nung makaraan lang. Iniwas ko ang tingin ko sa kanila
Umupo na ko sa harap. Wala pang nakaupo kundi ako lang. Maya maya pa ay may tumabi sa akin.
Di ako pwedeng magkamali. Sya ang anak ni mayor. Si TRIXIE MORALES.
"Hi?" Nakangiti nyang bati sa akin, "So you're supposed to be Tita Cecilia 's granddaughter?"
"Yes" sagot ko sa kanya.
"Uhm. I heard about you naman and i know din na Scholar ka niya? Am I right? You're so lucky kasi Once in a blue moon lang magkaroon ng scholar from squatters." Sabi nya. ABA! Peste di ako squatter ah. Shit. Nasa simbahan ako pero napapamura ako
Nakatingin lang ako sa kanya."Gosh! Ang daldal ko na pala. I guess you know me na? I'm Trixie Morales and you are?" Nilahad nya ang kamay nya nagtatatlong isip pa nga ko kung tatangapin ko.
"Monica. Monica Delos Santos pero pwede mo kong tawaging Ica." Sagot ko.
"Uh? Ica? Well sounds good."sagot namn nya at kinamayan ko na sya.
Maya maya pa ay nagsimula na ang misa. Sobrang nakakaboring. Katabi ko si Donya Cecilia at ang iba pang Tao na nasa pulitika. Grabe feeling ko ay kabialng ako sa kanila,. Hay! Mas masarap pang matulog kesa magsimba! At pag may ginagawa sa simbahan di ako nakikipagparticipate. Nang natapos na ang misa at nagmano ako kay Donya Cecilia. Di na ko nagmano kay Itay at Inay. Baka magkasagutan nanaman kame.
"Trixie" nahagip ng atensyon ko ang lalaking tumawag kay Trixie. Gwapo matangkad medyo may kalakihan ang katawan ang tumawag sa kanya.
"Drew" at nagyakapan sila. Napatingin sa akin si Trixie at naka half smile. "It's been so long since we've meet. How are you! Dyou missed me?"
"Ofcourse. So what's going on?" Tumalikod na ko at nauna na sa sasakyan. Habang palabas ako ng simbahan ay naririnig ko pa ang usapan ng mga tao. Specially mga kabataan
"Omg. Si drew yon diba? Yung cover ng Asdfgh magazine?"
"Oo sya ngayon. Aw perfect couple talala sila ni Trixie"
"Si Trixie talaga ang pinakahot sa bayan natin. Model din kaya yan"
"Alam namin no"
Napairap na lang ako ts. Nang makarating ako sa sasakyan ay naupo lang ako . Nang may biglang kumatok sa bintana.
Binuksan ko ang bintana at.
"Uhm? HI! You're Ica right?"
"Oo ako nga."
"SUMAMA KA SA AKIN"
----
Author's note:/ Hi guys?! Thankyou for reading this! Alam kong wala pa kayo sa Sampo but im hoping na sana someday madagdagan kayo! Hihihi! But please promote this! Di po Ko famewhore! Or so what ever i just want other people discover this. Napaka overwhelming sa feeling pag nakikita kong nadagdagan yung reads. And that's make me happy. Please fulfill my happiness. Thankyou-stewpidanne
BINABASA MO ANG
Died 11:11 pm
Short StorySabi nila 'All good things must come to an end' that is to say. You cant have fun forever. 11:11. Simpleng mga numero ngunit madaming naniniwala na sa oras na to. Lahat ng hihilingin mo ay matutupad. Pero paano kung sa oras na yon biglang maputol an...