"ANO BANG NANGYARI?" Tanong ko kay berta,kay Dorita at sa iba pang katulong na naririto sa ospital!
"Eh. Kasii ma'am ano po" ha? Bakit lahat sila ma'am ang tawag sakin?
"Ano ba? Diretchohin niyo nga." Sigaw ko.
"Ganto po kasi yon Ma'am noong umuwi na po yung mga bisita ni Donya Cecilia eh pinatawag nya po kaming lahat. At sinabing simula daw po ngayon ay Igagalang ka na daw po namin. Eh eto naman po kasing si Berta at Dorita, sinabing bakit ka daw nila Igagalang eh wala ka naman daw modo, Nagalit si Donya Cecilia kasi ang bait bait mo daw ay ginaganyan ka ng dalawa. Sinabi naman ng dalawa na aalis sila kung igagalang ka lang daw nila kaya--" pinutol ko na ang sinasabi ni Roberto.
"Pag may nangyaring masama kay Donya Cecilia malilintikan kayo. Sige na umalis na kayo ako na dito " pinaalis ko na sila.
Ako na ang nagbantay kay Donya Cecilia at inintay ko syang magising biglang may pumasok sa loob.
"So You're supposed to be her relative right?" Tanong ng doctor.
"Opo. Kamusta naman po ang kalagayan nya?" Tanong ko na punong puno ng pagaalala.
"Stable na ang kalagayan nya. Nabigla lang sya kaya nahimatay sya. Pahinga lang ang kailangan. Sige mauna na ko."
Tumango na lang ako sa kanya.
"Ica--"
"Buti namna po at gising na kayo. Kamusta na po ang pakiramdam mo?"
"Okay na ko apo, simula ngayon lola na ang itatawag mo sa akin at apo
Na ang itatawag ko sayo" sabi nya sakin.Niyakap ko na lang sya bilang sagot.
AFTER A WEEK.
Naging okay naman na si Lola oo lola na ang tawag ko sa kanya. Ang sarap nga sa pakiramdam eh.
"Ma'am may bisita po kayo sa baba." Tawag sa kin ni Dorita yung mayordoma dito.
"Okay bababa na ko." Sabi ko sa kanya at inayos na ang aking sarili.
"Sino ba yung--" nagulat ako dahil si Inay at Itay pala ang bisita ko.
"Itay inay. Anong ginagawa nyo dito?"
Tanong ko kay Inay. Pero nagulat ako sa sumunod nyang ginawa. Niyakap nya ko ng napakahigpit"Anak, ang Itay mo. Nabaon sa utang " masamang balita sa akin ni Inay.
"Ha?!! Eh anong gagawin ko?"
"Anong nangyayari dito Iha?"bigla namang dating ni Donya Cecilia.
"Oh. Victor nandito ka pala. Nandito kaba para bumalik sa trabaho!?" Tanong ni Donya Cecilia so ibig sabihin Umalis na si Itay sa trabaho nya.
"Hindi po, "sagot ni Itay
"Kung ganon Bakit kayo naririto?" Tanong ni Donya Cecilia
"Donya Cecilia wala na po kaming matitirahan."
"Ha?! Paano nangyari yon?"
Ipinaliwanag ni inay ang nangyari . Tahimik lang akong nakikinig.
"Ah ganon ba? Sige total kaming dalawa lang naman ni Ica dito. Bakit hindi na lang kayo dito tumira?"
Nanlaki ang aking mga mata!
"Wag na Donya Cecilia Nakakahiya naman po sa inyo" sabi bi Inay.
"Ano ba naman kayo wag na kayong mahiya" nakangiting sabi ni Donya Cecilia
"Wag na po talaga" sabi ni inay.
"Hay, sya kung ayaw nyo eh ibabalik ko nalang itong si Victor sa trabaho nya, dun na lang kayo tumira sa kubo?" Paanyaya ni Donya Cecilia
"Talaga? Sige po di na po namin yan tatanggihan".
Napatingin ako kay Itay parang may gusto syang sabihin pero di nya masabi. Kung ano man yon wala na kong pakealam.
BINABASA MO ANG
Died 11:11 pm
Kısa HikayeSabi nila 'All good things must come to an end' that is to say. You cant have fun forever. 11:11. Simpleng mga numero ngunit madaming naniniwala na sa oras na to. Lahat ng hihilingin mo ay matutupad. Pero paano kung sa oras na yon biglang maputol an...