"I'd rather have bad times with you
than good times with someone else
I'd rather be beside you in a storm
than safe and warm by myself"Agaw tulog na ang kamalayan ni Icy ng biglang tumunog ang cellphone niya. Unknown number.
"Hello?" Garalgal pa ang boses niya ng sumagot.
"Ay sorry, nkatulog ka na ba? Na istorbo ata kita." Sagot naman sa kabilang linya.
Nag-init bigla ang ulo ni Icy dahil duon. Hindi na niya inalintana ang bedroom voice ng kung sino mang hinayupak na iyon dahil nasira na nito ang mood niya sa pagtulog.
"Sino to?!" Biglang sigaw niya dito.
Bahagyang natawa na may halong guilt ang boses ng nasa kabilang linya pero inasar parin siya nito.
"Hulaan mo." Pang-asar pa nito na sadyang nagpakulo na sa lahat ng dugo na dumadaloy sa katawan ni Icy.
"Hoy putakte ka! Kung naghahanap ka ng manghuhula, duon ka pumunta sa Binondo o sa Quiapo." Singhal niya dito na nag-aarburuto na. "'Wag kang mang-iistorbo ng mga taong wala pang tulog."
"Uy Marah. Sorry na. Akala ko hindi ka pa nakatulog e. Kararating ko lang kasi dito sa unit ko. Hindi mo ba na kilala ang boses ko. Kakahatid ko lang sa' yo dyan, nakalimutan mo na agad."
"Kapeng barako!" Pasigaw na sambit ni Icy. "Ay Keeno, ikaw pala."Sabay bawi din niya.
"Anong kapeng barako? Yan na ba ang endearment mo sakin ngayon, ha? Natatawa pa si Keeno nang sabihin iyon." Ngayon alam ko na. Ikaw ha, special na din ba ako sa'yo, Marah? hahahaha. " Pabiro ang pagkakasabi na iyon ni Keeno pero may nahihimigan siyang kakaiba duon.
"Baliw. Naalala ko lang ang kapeng barako pag nakikita kita. Ang itim mo kasi. Hahahah." Pabalik niya ding biro dito. "Tsaka bakit iba ang boses mo pag sa phone. Hindi talaga kita nahimigan agad."
"Ganun ba. May nakapagsabi nga din sakin dati, mas maganda daw ang boses ko sa phone. Bedroom voice ba ang tawag dun. Yung sa iyo din e, iba dn ang boses mo para akong hinehele."
"Sus, bola pa tsong. Hindi ka rin mayabang sa pagsabing bedroom voice ka no." Nagtawanan sila dahil duon.
Magkapalagayang loob na nga sila. Animo'y mga dati na silang magkalaro na napalayo sa isat-isa at ngayon lang ulit nagkita.
"Bakit ka nga tumawag?" Tanong na ni Icy dito.
"Bigla ko kasing naalala yung nakalimutan mo kanina." Sagot naman Keeno.
"Wala nga akong nakalimutan. Ano ba yang sinasabi mo?" Nagtataka na si Icy dahil wala naman talaga siyang nakalimutan kanina sa office. Ang iniisip niya lang ay ang motor nito na iniwan nila sa Kape Shap pero okay na naman yun. Nasamahan na naman niya ito na kunin iyon at ito pa nga ang sinakyan nila pauwe.
"Meron sabi e." Giit pa rin ni Keeno.
"Ano nga kasi. Sige nga, sabihin mo para maalala ko."
"Yung medyas na binili mo para sakin. Nakalimutan mong ibigay."May tampo siyang nahimigan sa boses nito.
Alam ni Keeno yun? Sa isip-isip ni Icy. Paano?"Akala mo hindi ko alam, ano. Narinig ko ang usapan niyo ni Claire. Hindi mo man nabanggit sa kanya kung para kanino iyon pero alam ko na binili mo yun para sakin. Tama ba ko?" Medyo may nahimigan pa siyang pagkatuwa sa boses ni iyon ni Keeno.
"Ah, eh.. oo na nga." Pa relax lang na sabi ni Icy para hindi siya mapahiya. "Kaso nakita kong suot mo na yung binili ni Cheena kaya hindi ko na bnigay yung binili ko. Tsaka nakakahiya naman kasi puro branded yung suot mo tapos yung nabili ko pipitsugin lang yun. " Dagdag pa niyang biro dito.
"Masyado ka namang advance mag-isip. Kung tutuusin, dapat nga sayo talaga manggaling yun kasi ikaw naman talaga may kasalanan kung bakit ako nabasa diba." Sinundan pa niya iyon ng tawa. "Nagkataon lang yun na nauna si Cheena na magbigay ng medyas hindi ko naman inakala na bumili ka din pala e. Pero kukunin ko parin yun sayo ha. Bigay mo sakin."
Natawa nalang si Icy sa tinuran ni Keeno. Para itong bata kung mag demand. Medyas lang naman iyon at hindi naman importante. For sure, madami naman itong stock ng medyas pero sinagot din naman niya ang demand nito.
"Oo na po sir. Promise, hindi ko na kakalimutang ibigay sayo yung medyas na yun. Para wala na kong kasalanan sayo. Quits-quits na tayo ha."
"Okay, good."
"So, pwede na ba akong matulog?"
Natawa pa si Keeno bago nagpaalam at nag end call.
"Sus, kung hindi ko lang alam, palusot lang ang lalaking yun." Nasambit ni Icy pagkatapos ma off ang cellphone. "Akala niya naman sakin, manhid? Hindi nakakahalata na interesado siya sakin? Sus, mga lalaki talaga."
Aminado naman siya sa sarili niya na gusto niya yun. Actually, kinikilig talaga siya. Inlove na nga siya kay Keeno kahit sabihin pang kahapon lang sila nagkita at nagkakilala. Iba kasi talaga ang epekto nito sa kanya. Para itong magnet na humihigop sa kanya papalapit dito, lalo na ang mga mata nito. Bilang isang babae at may mga karanasan narin sa pakikipagrelasyon ay alam na niya at kontrolado na niya ang kanyang emosyon. Hindi siya basta-basta nalang na pumapasok sa kung saan na hindi handa. Kahit pa alam niyang interesado sa kanya ang isang lalaki ay maroon paring mga balakid at gusot na dapat ayusin, hindi lang sa kanilang dalawa na involve kundi pati narin sa mga taong nakapaikot sa kanila. Ganun siya mag-isip. Gusto niya lang na maging smooth ang lahat bago mag uumpisa ng panibago. Hindi naman siya perfect para sabihing walang problema sa kanya. Kung baga sa klase ng Kape, isa siyang Espresso. Tulad din ng kapeng barako ang tapang. May iba't-ibang pwedeng maging flavor, pati temperature. Pwede ding instant pero dapat magaling din ang pagkakatimpla. Yung flavor ay depende sa customer, on how they will take it. Sila dapat ang mag-adjust.
Sa kaso ni Icy at Keeeno, na pre-predict na ni Icy ang gustong mangyari ng lalaki. Ang intensyon nito paukol sa kanya. I-e-enjoy nalang muna niya ito, kakaumpisa palang naman at gusto niya pang kiligin. Eventually, magtatapat ito sa kanya but not so soon. Siya naman ay mag-uumpisa nang maghanda ng kanyang sarili. Marami pa siyang dapat ayusin. Marami pa siyang dapat alamin.
![](https://img.wattpad.com/cover/245541514-288-k660179.jpg)
BINABASA MO ANG
KWENTONG KAPE
Romance"Ano daw ang sabi ni kapeng barako kay instant coffee?" "Barako ako?" "Hindi." "Instant coffee ka?" "Hindi rin." "Ang corny natin dito ah." "Not that." "Ano bang sabi ni kapeng barako?" Mapapansin na ang irita sa boses niya. ....... "Kape t...