KAPE PURO

14 2 2
                                    

"Icy Marah."

Napatigil ang tatlo sa paglalakad at sabay na lumingon sa tumawag kay Icy.

"Sir Anton." Nagkatinginan ng may kahulugan si Angel at Claire.

"I think you forgot something." Sabi ni Anton na nakatutok ang tingin kay Icy.

"Ahm, parang wala naman po akong naiwan sa desk ko kanina. Wala po akong nkalimutan, Sir." Sagot naman ni Icy na nagtataka.

"Ah, ganun ba. Pasensiya na, nagkamali ako. Ako pala ang nakalimot. Nakalimutan ko kasing naiwan ko ang motor ko sa Kape Shap kagabi kaya mag ko-commute ako ngayon pauwe."

Dahil sa narinig ay natauhan si Icy. Oo nga pala, yung motor niya.

"Ah, sister mauna na kami ni Claire ha." Singit ni Angel sa usapan nila. "Ihahatid ko nalang siya sa apartment niya. Message ka mamaya if safe kang nakauwe."

"Uy teka." Nagtatakang tanong ni Claire. "Akala ko ba overnight tayo sa unit ni Ice ngayon. Bakit ihahatid mo ko sa apartment ko?"

"Hay naku ka ghorl." Diga ulit ni Angel. "Clear ang pangalan mo pero utak mo sabaw. Anlabo ba? Halika na nga dito." Sabay hila kay Claire paalis.

Nang makaalis ang dalawa ay nakatayo parin sina Icy at Anton. Nagkatinginan.

"So, tara na?" Basag ni Anton sa katahimikan.

"Sige." Atubili pa si Icy pero sumama na rin.

Sa Kape Shap...

"Mag-breakfast nalang muna tayo bago bumiyahe." Ani Anton pagka rating nila.

"Sige, para diretso tulog nalang ako mamaya pagdating sa unit." Sang-ayon naman ni Icy. Sa isip-isip niya kasi, mabait naman si Anton at palakaibigan talaga. Napansin niya itong maganda ang pakikitungo sa lahat sa kanila sa opisina. May trip din sa buhay. Hindi naman siguro masama kung makikipag-close siya dito. Aaminin niyang gusto niya ito pero dahil sa nalaman niya tungkol sa nakaraan nito na involve pa si Cheena ay susupilin nalang niya ang kanyang damdamin. Halata naman kasing wala siyang pag-asa na maging kanya ang barakong 'to. Walang-wala siya sa kalingkingan ni Cheena.

"Pwede ba kong magtanong sayo?" Habang sinasabi iyon ay nakatingin siya ng diretso kay Anton at nakangiti. Feeling close lang. Para mawala ang pag-aalinlangang nararamdaman nila sa bawat isa.

"Okay lang naman, basta wag lang Math ha. Hindi ako mahilig sa problem solving and equations ei." Sinabayan pa nito ng malakas na tawa ang mga sinabi.

"Bakit Anton ang gusto mong itawag sayo ng lahat pero ang pakilala mo sa akin ay Keeno. Ako lang ang tumatawag sayo sa ganyang pangalan."

Natahimik si Anton sa tanong niyang iyon at sumeryoso. Patay, nasobrahan naman ata ang kanyang pagfe-feeling close. Below the belt ba ang tanong niya?

"I personally decide of what people can call me. Most of them call me Anton. Only my immediate family calls me Keeno, and the ones who I treat special." Sagot nito na hindi kumukurap ang titig sa kanya. Hindi niya inaasahan ang sagot na yun. She blushed. So, special ako sa kanya? Natahimik nalang siya dahil duon. Wala rin naman siyang masabi. Masaya siya sa totoo lang pero hindi niya dapat aminin yun sa kaharap. Buti nalang dumating na ang order nilang breakfast at nag-umpisa na silang kumain. Syempre pa hindi mawawala ang Kape. Ngayon, alam na ni Keeno ang paborito niya kaya hindi na siya tinanong nito. Umorder naman ito ng Kape puro para sa sarili isa din daw ito sa mga paborito nito.

Si Keeno na ang halos nagsalita at nagkwento ng kung ano-anong topic habang kumakain sila. Oo, hindi at puro tango nalang ata ang nagawa niya. Hindi siya makasingit at makapagsalita dahil sa daldal nito. Masaya itong kasama at kakwentuhan. Nagkapalagayan na sila ng loob.

After breakfast ay nag-volunteer ito na ihahatid siya sa unit niya na hindi naman niya tinanggihan. Motor nga nito ang kanilang sinakyan at nakaangkas siya. Hindi na siya na hiyang iniyakap sa katawan nito ang kanyang mga kamay para kumapit. Naiilang siya pero gusto niya yun. Gusto niya ang pakiramdam. Close na sila.

Habang nasa byahe ay nagku-kwento parin si Keeno. Halos naisalaysay na nito sa kanya ang talambuhay nito, pwera lang sa love life. Hindi iyon binabanggit ni Keeno. Na naiintindhan naman niya at nirespeto. Pinatigil niya ito sa pagsasalita ng marami na silang kasabay na mga sasakyan. Hindi na kasi sila magkarinigan.

Nakarating sila sa kanyang unit ng matiwasay. Hindi na siya nagtaka kung bakit alam nito ang kanyang address kahit hindi niya naman nabanggit dito. Nasa protocol ng company na alamin ng mga bagong PL ang mga detalye ng mga nasasakupan nito. Masaya siyang bumaba ng motor at inalalayan pa siya ni Keeno.

"Paano ba yan, dito nalang ako. Salamat sa paghatid ha." Paalam niya dito

"Wala yun, sana nga araw-araw na ganito e. Boring kasi bumiyahe pag nag-iisa." Sinabayan pa ni Keeno ng malutong na tawa kaya iniisip niya na nagbibiro lang ito. "Pasensiya din pala kasi nasira ko ata ang plano niyong magkakaibigan ngayon. Narinig kong sabi ni Claire kanina na mag-o-overnight kayo."

"Okay lang yun no, tsaka mamayang gabi pa naman yun." Sagot ni Icy.

"Edi sige, sabi mo e. Pano, tuloy na ko para makapagpahinga ka na." I ni-start na nito ang motor at kumaway pa. Gumanti na rin siya ng kaway dito sabay sabing mag-iingat.

Pagkatapos magbihis ng pambahay ay humiga na siya para matulog pero hindi parin maalis sa isipan niya ang mga nangyari sa kanila ni Keeno. Totoo nga ang naririnig niyang kasabihan na kung ano ang kinakain at iniinom mo ay sumisimbolo at nagbibigay repleksiyon ito sa sarili mo. Tulad nalang ni Keeno. Kapeng barako ang nakikita niyang bumabagay na deskripsiyon sa physical aspects nito at kapeng puro naman ang sumasalamin sa totoong pagkatao nito. Tulad ng kape puro, totoong-totoo ito sa kanyang sarili. Walang halong kung ano-anong kemikal, walang halong pagkukunwari. Ramdam na ramdam ko yun sa bawat buka ng kanyang mga labi at sa bawat salita na namumutawi mula dito. There was sincerity and truth in his voice when telling stories, jokes and adventures. I can't keep myself adoring him. Umpisahan ko na din kayang uminom ng Kape puro? 😅

KWENTONG KAPETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon