"Hi, feeling ko magkakarugtong mga bituka natin, sa inyo nalang ako makikipag-friend ha. I am Claire. Bago lang kasi ako dito sa floor na'to, wala akong masyadong kakilala."
"Oo ba, napansin na nga agad kita kanina pagpasok ko palang sa conference room. Sayo nga ako tumabi kasi naramdaman ko agad ang lukso ng dugo natin. Call me Icy." Nginitian ko pa siya. Magaan agad ang loob ko sa babaeng to. Lumingon ako kay Angel akala ko kakausapin niya din si Claire at magiging friendly din siya pero ang mukha ng bruha, hindi talaga maipinta.
"Ito naman si Angel, hindi lang yan nagsasalita ngayon pero wag kang mag-alala, cool yang kaibigan ko." Ako nalang ang kusang nagpakilala kay Angel na badtrip sa kasalukuyan.
Naglalakad kami papunta sa naka-assign na room para sa team. Simula ngayon iyon na ang magiging bagong room namin. Hinati kami sa tatlong grupo ayon sa mga task na naka-assign sa amin. Fortunately, Ako, si Angel at si Claire ay pinagsama dahil may pare-pareho na kaming experience sa field na iniatang sa amin. Ang saya lang, pero si Angel, hahahah. Ewan. Sigurado akong sinusunog na niya ang kaluluwa ko sa impyerno. Paano ba naman ang mata niya ay laging nakasunod kay Keeno at ito namang si Keeno ay hindi din maalis sakin ang mga tingin. Masyado siyang halata actually, pati nga si Kelvin ay gustong-gusto na din akong tanungin kung anong meron pero dedma lang ako.
Buti nalang feeling close na'tong si Claire sakin kaya naghuhuntahan kaming dalawa para iwas awkward feeling nadin.
"Miss Mendez, I prefer this station for the three of you. The view outside is refreshing yet undistractive." Agaw atensiyon ang boses na yon ni Keeno na in-address kaming tatlo ni Angel at Claire. Iginiya pa niya kami sa station na tinutukoy niya.
"Oh, thank you so much sir Anton, that is so thoughtful of you." Maarteng sagot ni Angel na kumapit pa sa braso ni Keeno.
"Yeah, and I will be occupying the opposite station so you can call out on me immediately for anything."
Iilang hakbang lang ang Station namin sa Station niya. Ibig sabihin everyday kaming magkakaharap nito. Kahit na sabihing may hanggang balikat na partition ang bawat Station, sa taas niyang yun ay lagpas parin ang ulo niya kahit nakaupo. Napapaisip ako ah.
"Dito nalang ako sa pwestong 'to Anton. Ako na ang pipili ha para malapit lang sayo." Si Cheena na nag-uumpisa na palang mag-ayos ng mga gamit niya sa Station na katabi mismo ni Keeno. Sumunod naman na ang iba na pumuwesto na sa kani-kaniyang Station.
"Dinig ko mag-ex yan silang dalawa."
Automatic na nag three hundred sixty degrees ang ulo naming dalawa ni Angel sa ibinulong na iyon ni Claire.
"Naku Claire, mahaba-habang explanation yang gagawin mo ha. Alam mo ba, malapit lang dito ang mga unit namin ni Icy. Gusto mo bonding tayong tatlo para mas lalong effective yung mga trabaho natin. Tsaka getting to know each other na din. Overnight tayo sa unit ni Icy." Mabilis ko namang na gets ang ibig sabihin na yun ni Angel kaya napa-oo naman ako.
"Good idea mga beks. Gusto ko din kayo ma kilala pa at marami din akong ese-share sa inyo." Sang-ayon naman ni Claire na halatang excited na.
Nag-usap silang dalawa ni Angel sa mga plano nilang gawin sa overnight na mangyayari at hinayaan ko na sila. Nakatingin ako sa harap namin, particularly sa Station ni Keeno. May pinag-uusapan sila ni Cheena. Hindi na maalis sa isip ko ang sinabi na yun ni Claire. Sino kaya ang source ng tsismis na yun? Legit kaya? Base sa nakikita ko sa harap ko ay hindi maikakailang matagal na ngang magkakilala ang dalawa. Kung meron silang romantikong nakaraan ay hindi naman mapapansin. Civil naman sila sa isa't-isa pero baka dito lang sa opisina. Ganun pa man, nakaramdam ako ng panibugho. Saan kaya sila nagkakilala at bakit kaya sila pinagtagpong muli? Ang alam ko galing Batangas 'tong si Keeno. Ito namang si babae ay wala pa kong idea bukod sa naka-assign siya sa HR department dati at ngayon ay ka-team na namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/245541514-288-k660179.jpg)
BINABASA MO ANG
KWENTONG KAPE
Romance"Ano daw ang sabi ni kapeng barako kay instant coffee?" "Barako ako?" "Hindi." "Instant coffee ka?" "Hindi rin." "Ang corny natin dito ah." "Not that." "Ano bang sabi ni kapeng barako?" Mapapansin na ang irita sa boses niya. ....... "Kape t...