🌕
Jackie's POV
Narinig ko ang usapan nila mommy, daddy at Fred habang nagbibihis ako dito sa banyo. Sabi ko na nga ba eh. Hindi basta basta magiging madali ito. Pero ok na rin para makapag isip si Fred ng maayos. Baka kasi...magbago pa ang isip niya.
And then I heard him.
"Kayang kaya po tita, tito."
"Sinabi mo yan ha" sabi naman ni dad
"Opo."
"What is ligaw? Nawawala yun diba mommy daddy?" Tanong ulit ni Jamie at nagtawanan lang sila.
Maya maya pa ay lumabas na ako sa banyo. Intense yung tinginan ng lahat eh.
"Tita? Tito? Can I borrow Jackie again? Dating gawi po...ihahatid ko rin siya mamaya dito."
"No problem Fred. Ingatan mo lang siya."
"That's not a problem po."
"Mom, dad alis muna kami?"
"Sige"
Paalis na kami ni Fred ng bigla akong tinawag ni dad
"Jackie?"
"Dad?"
"Pa hug nga si daddy"
"Nakoooo" pinuntahan ko naman ito at niyakap. Shocks ang sarap ng feeling. Hindi ma de deny prinsesa pa rin ako ng daddy ko.
"Hmmm love you anak"
"Love you dad"
~~~~~~~~~~
Habang papalabas kami ng resort
"Ang sweet ng daddy mo. Sana mabigay ko yung ganoong klaseng pagmamahal sayo in the future"
"Uhm...Fred...heads up lang. Please don't make promises you can't keep"
"Hmm? What do you mean?"
"Narinig ko sabi ni mom na mag hintay ka ng isang taon. And you said yes kaya mo."
"Bakit? Kaya ko ah. And pag sinabi kong kaya ko, kakayanin ko."
Natigilan ako sandali at tiningnan yung mga mata niya. Oo. Desidido siya.
"Hey...look at me. Don't think of what will happen. Think of now...just now. Please?"
I just nodded. Si Fred kasi mas mahilig sa "live in the moment". Ok lang naman at naiintindihan ko. Pero ako yung mas iniisip ang future. Ano bang mangyayari soon.
Nakarating na kami sa shore at sa usual spot kung saan kami nag uusap...sa may kahoy sa may buhangin katabi ng isang coconut tree...umupo na kami doon at simulang mag usap muli.
"Sorry Fred...para pa rin kasing panaginip ang lahat para sakin."
"It's ok. You know what Jackie, everything is new to me as well. Akala mo ba alam kong manligaw? Nahihiya pa rin kaya ako sayo."
BINABASA MO ANG
Under the Same Moon [Book#1:Under The Same Series]
JugendliteraturTwo teen-agers who just turned seventeen (Fred and Jackie) meet in a beautiful island in the same hotel resort in a summer family vacation. Both from wealthy families, they found their "little conversations" every night as a wondrous escape from the...