Chapter 20: For Real

110 10 8
                                    

🌕

Jackie's POV

"Dad, stop laughing"

"Haha I just can't help it. You look like a kid waiting to see Santa Claus and receive your gift."

Malapit na mag land ang eroplano sa Cebu. 1:30pm arrival namin. Sindya talaga ni daddy na early para early din kaming makapag check in sa hotel and he could rest before their meeting.

"Yeah I kinda feel that way dad.
Is this wrong?"

"For someone you love, no its not."

"Dad?"

"Yeah?"

Niyakap ko ulit ito.

"Thank you so much ha."

"You're welcome sweetheart. I trust you and I trust Fred naman. And its a great thing to do before school begins. Extention pa to ng Boracay"

"You're the best dad!"

"Alam ko naman na hindi mo ako bibiguin sa pag-aaral mo eh."

"Promise dad"

------

Tinawagan ko si ate Faye and she confirmed na nasa office/factory nila si Fred so I asked dad if I could go there. Hindi naman siguro ako maliligaw. Buti na lang pinayagan ako ni dad provided na ihahatid ako ni Fred pabalik ng hotel. Mababait naman yung mga tao dito sa Cebu.

From the hotel, I just took a cab going to their factory. Hindi na talaga ako makapaghintay pa to see Fred. I miss him so much.

"Ma'am ito na po yun"

"Ay sige manong. Salamat"

Pag baba ko I saw how big their company is. Ate Faye already informed the guard so nung sinabi kong ako si Jackie pinapasok naman ako agad.

May malaking garden at long walkway papunta sa main building nila. Habang papasok ako, I saw on the right side may bench at dalawang tao na nakatalikod na nakaupo. Malayo pa lang alam na alam ko na na si Fred yun. And I really hate this feeling...alam ko rin na si Trixie din yung babae na katabi niya. Habang papalapit na ako nagulat akong niyakap niya si Fred. Langya nananadya ata to ah.

"Fred?!"
Nilakasan ko yung boses ko.

Ayun bigla naman itong napatayo at nagulat. Nanlaki ang mga mata nitong chinito. Nagulat din si Trixie. At hindi ito makatingin sa akin.

"Jackie?!"

"Oh my gosh palangga!"
He added and went to embrace me.

Na bad trip ako sa nakita ko kaya hindi ako kumibo sa yakap nito.

"Oh my gosh totoo ba to you're here?! Oh my gosh" pa ulit ulit niyang sabi

"Anong ginagawa niyo?"
Tiningnan ko ito ng madiinan

"H-ha?"

"Bakit ka niya niyakap?"

"Ah wala nag bibiruan lang kami palangga"

I folded my arms. Nakikita ko yung pangamba sa mga mata niya. Nininerbyos ang Fred niyo.

Tiningnan ko naman si Trixie at napatawa ito. The nerve Trixie! She then stood up

"Haha Jackie naman nagkukulitan lang kami. Alam mo naman na matagal na kaming magkaibigan ni Fred diba. And I thought hindi pa naman kayo official diba? Bakit sinasagot mo na ba si Fred?"

Under the Same Moon [Book#1:Under The Same Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon